PROLOGUE

2.3K 95 146
                                    

PROLOGUE

Switch Series 2:
Sincerely yours,

🌻🌻🌻

"Putangina..."

Napahawi ako ng buhok at nagsindi ng yosi matapos kong buklatin ang wallet ko at singkwenta pesos na puro barya pa ang bumungad sa akin.

Alas quatro ng hapon at medyo may kadiliman na ang kalangitan pero putangina, wala naman talaga akong pakealam doon. Kailangan ko lang kasi banggitin dahil ako ang may POV, kung pwede lang e muramurahin ko nalang ito bakit hindi ko gagawin? Ang dali dali lang no'n gawin.

Nasa labas ako ng apartment na tinitirhan ng pinsan kong si Jojo na katabi ko lang sa upuan at naglalaro ng mobile legends, pero wala din akong pakealam sa kaniya kasi putangina nya ang ingay ingay nyang maglaro, bobo naman.

Naiinis kong itinago iyon sa bulsa ko, "Wala nanaman akong pera, putangina." gigil kong sambit at bumuga ng usok, "Kasarap kasi ng mami doon sa karinderya ampota."

Naakit kasi ako ng halimuyak ng putanginang mami doon sa Karinderya ni Aling Kuring. Naka limang order yata ako ampota tapos ubos na pera ko. Tangina talaga.

"Gusto mo magkapera?" biglang sabi ng pinsan kong wala akong pakealam.

Tumango ako at dumikwatro, "Oo naman." tugon ko at tumingin sa malayo.

Parang tanga itong pinsan ko palagi. Sino ba ang ayaw magkapera?

"Gusto mo talaga?" ulit pa nito kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Bakit ko ba ito naging pinsan? Kahit na magkamukha kami ng kaunti mas gwapo pa din ako kay Jojo. Pero may syota naman itong hayop na 'to, paano highschool at bata pa kaya nauto naman nya.

"Oo nga." hinarap ko sya, "May alam ka bang trabaho?" tanong ko pa at muling humithit ng yosi.

Tumawa sya at in-end ang laro, "Para naman syang trabaho hehe." ngumingisi nyang sambit at bumulong sa'kin, "Gawain ng ibang lalaki." muli syang humalakhak na ikinasalubong ng kilay ko.

"Lalaki naman ako ah." sagot ko. Aba tarantado 'to.

"Tss." umirap sya, "May
ib-blindate ako sayo, tutal mukha na namang lalaki saka habulin ka ng kung ano anong putangina mo." sabi nya at may kinalutkot sa phone.

Putangina. Ano daw?

"Ano? Paano ako magkakapera dyan?" usisa ko at nakitingin sa phone nya pero iniiwas nya iyon sa'kin, "Saka chixx ba iyan?"

Ilang araw na akong walang syota. Tinatamad ako kasi putangina, ako na lang lagi gumagastos pag date namin.

"Magkakapera ka kung magaling ka." tumawa sya muli, "Bakla, hindi chixx."

Parang napantig ang tenga ko sa sinabi nya, "Eh putangina mo pala, bat mo ako ibiblind date sa bakla?" naiinis kong ginatukan si Jojo. Bakit, eh magka-edad lang naman kami.

Pero putanginang 'to. Ibiblind date ako sa bakla? Yuk! Yuk! Yuk!

Napangiwi sya at hinimas ang batok, "Sabi mo gusto mo magkapera, putanginang 'to." malutong din nyang pagmumura sa akin.

Kinuwelyuhan ko sya, "Eh bat sa bakla!?" sigaw ko at pinandilatan sya.

Walang emosyon nya akong tinignan at tinanggal ang kamay ko sa kuwelyo nya, "Putangina mo. Mayaman nga itong ibiblind date ko sa'yo mahilig sa gwapo, diskartehan mo nalang." sabi pa nito at iniayos ang suot na damit.

Nilakhan ko sya ng butas ng ilong, "Putangina, wala akong ganiyan sa'yo!" nakangiwing tumingin ako sa kaniyang baba.

Sira ulo. Kahit may ganiyan ako boi, sa babae lang ako magpapahawak. Itaga mo sa tadyang ni Jojo.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon