CHAPTER 52

792 39 90
                                    

Together (2)

🌻🌻🌻

"C-Can I talk to Peanut butter and Jelly, Sir?"

Ipinilig ni Bok ang ulo matapos nya muling marinig ang pangungusap na iyo. Talk? Ano bang dapat nyang maging reaksyon o maramdaman man lang? Hindi nya maipaliwanag pero alam naman nya sa sarili ang dapat gawin. Gawin ang tama.

"So anong sagot mo? Pumayag ka ba?" tanong ni Jojo sa pinsan.

Magkausap sila ngayon sa tapat ng restroom sa gallery, "Wala namang problema doon. Edi kausapin nya yung kambal, di ko naman sila ipagdidimot." anito.

"Eh ano ngang problema mo?" napansin lang kasi ni Jojo na magmula pagkapasok nila ay wala itong gana at natutula, malapit na din mag alas tres sa hapon ay ngayon na lang nya ito nakausap.

"Wala."

"Meron eh." tumaas ang sulok ng kaniyang labi at pabiro itong sinuntok sa braso, "Sabihin mo na, Couz. Natatakot ka ba?" diretso nyang tanong.

Ang kwento kasi ni Bok ay pinuntahan sya ng tunay na ama ni Peanut butter at Jelly tapos gusto raw nitong makausap ang kambal-pinayagan naman ni Bok. Hanggang doon lang iyon, bilang malapit na pinsan ng binatang dalaga ay alam nyang malaki ang bumabagabag dito.

"Saan?" nakatitig lamang ito sa sahig habang patuloy sa paglampaso kahit nalampaso naman na iyon.

Nagkamot muna sya ng batok bago sabihin, "Na kunin nya si Peanut butter at Jelly." si Bok kasi ang hilig patagalin ang usapan kahit alam naman nya talaga ang ideya, ewan nya ba minsan ang hirap umintindi ng pinsang tibo.

Kita nya ang pag ismid nito, "Tss...maglinis ka na lang dyan."

Siguro tama na muna iyon, ayaw pa nitong magsalita, "Okay, change topic na nga." naiintidihan naman nya ang pinsan, "Couz, alam mo may naiisip ako." pinasingkit nya ang mga mata.

"Ano nanaman?" hindi pa din ito tumitingin sa kaniya, pero this time...

"Tutal nasa tamang edad na ako, ayain ko na kaya ng kasal si Cha?" seryoso sya, walang halong biro.

"Gago!" expected na nya pero nagulat pa din sya, "Kabata bata pa non. Saka ayaw ka nga ng mga magulang napakamalas mo." nakalukot ang mukha nito at kahit ano pang sabihin nito ay di sya papaapekto.

"Edi itatanan ko sya." tinaas baba nya ang kilay at napaiwas ng ambaan sya ni Bok ng mop.

"Putangina mo ha, bata pa sya. Ako na ang nagsasabi sa'yo hindi pa 'yon handa." may panggigigil nitong sabi, natawa sya.

Kahit kasi ganito ang ugali ng pinsan nyang dimuho ay alam nyang may pake ito sa mga taong nakapaligid sa kaniya, lalo na sa mga malalapit dito. Mas sa mga babaeng bata dito kagaya ni Reina, Barbara at ng jowa nya ngang si Chalondra. Alam nya kasing may pagka overprotective ito, para bang isang nakakatandang kapatid.

"Pero sabi nya mahal naman nya ako, alam mo nagkiss na kami." hindi naiwasan ni Jojo ang pamumula ng pisngi.

Hindi na ito nakapagpigil at dinagukan sya, "Putangina mo talaga."

Syempre bumawi sya ng gatok, "Change topic na ulit, ikaw couz ano bang plano mo in the future?" curious lang sya kung may plano ba ito sa buhay kagaya nya, diba.

Pinagsalubong nito ang kilay, kaya bilang understanding couzin ay ipapaliwanag nya, "Ano ba magb-business ka ba? o wala lang? Pagpipintapa din?" sya kasi, oo gusto nyang ipagpatuloy ang passion.

"Eh hindi ko din alam, wala naman akong plano pa sa ganiyan."

Bumagsak ang balikat nya, "Ano nga lang?" wala talagang pangarap ang putanginang 'to.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon