A Family (1)
🌻🌻🌻
Gulo pa ang buhok ng bagong gising na si Bok habang ito'y nakaupo sa tapat ni Sergio na sya naming nakayuko at halatang kabado. Aminado naman si Bok na hindi maganda ang gising nya sa mga nangyari na din, tapos ngayon makikita nya ang binatang kaharap nya ngayon.
"Bakit?" binasag nya ang katahimikan, magmula kasi ng magpunta ito sa kanilang bahay ay hindi naman nagsasalita, basta ang sabi ni Lilith ay gusto daw say nitong makausap.
Wala si Rhianne at ang mga bata, sya ang naiwan sa bahay. Hindi maganda ang pakiramdam nya sa sadya ni Sergio, parang hindi nya magugustuhan.
Nanatili ito sa dating kalagayan at naiinis sya kasi wala pa din itong kibo, "Magsalita ka na." mariin nyang ikinulom ang kamao at iniigting ang panga, wala syang panahon para mag aksaya sa ng oras.
"I-I know sir, this is not the right time to ask you—" hindi nya ito pinatapos ng sasabihin.
"Wag ka na magpaligoy ligoy, diretsuhin mo." napahinga sya ng malalim at pilit pinakalma ang sarili, "Nakakaintindi ka naman ng tagalog noh?" sarkastiko nyang tanong.
Namutla ito at dumiretso ng upo, "Y-Yes sir, I'm sorry po." he cleared his throat, "Thank you so much for taking care of my kids—"
"Sabihin mo na nga." hindi nya napigilan ang paghampas sa lamesa.
Halos di na makapagsalita ang binata, "I-I don't know how to say t-this...but," he cleared his throat, "I didn't wanna do this, I really can't say—" huminto ito pagtingin sa kaniyang mga matatalim na tingin.
Agad itong umiwas, "I-I'm really sorry..." naiilang nitong sambit pagkatapos ay nagbuntong hininga, "My Mom and Dad told me to... I-I can't say no to them...sir." parang wala itong magawa at hindi nya iyon gaano maintindihan.
"A-And... I-I wanted to be their father too..."
Hindi nya alam pero, nalulutang na sya. Hindi nga maintindihan ng utak nya ang ibig sabihin ni Sergio ngunit ang puso nya ngayon ay naninikip na, "Anong ibig mong sabihin?" tinatagan nya ang loob.
"I want them to be in my custody, p-permanently." tugon nito, "It doesn't mean sir, that you'll never see the kids agai—"
"Tingin mo ba, ganon lang kadali 'yon para sa akin?" habang nagsasalita sya ay hindi sya makagalaw, "Para sa kambal? Huh?"
Ano bang dapat nyang maramdaman?
"I-I'm sorry sir..."
"Ganun na lang 'yon?"
Putangina, Yon na 'yon? Ganon na lang basta basta? Naguguluhan sya at guto nyang manakit.
"I'm sorry." iyon lang muli ang sinabi ni Sergio kaya naman hindi na nya napigilan ang sarili at hinampas ang lamesa ng malakas na ikinagulat ng binata.
Inigting nya ang panga habang naglalakad papasok ng bahay, "Tangina naman."
🌻🌻🌻
Around one o'clock in the afternoon, Rhianne glance on his desk clock and check his phone. His eyebrows furrow so he call his secretary who's about to eneter his office with a glass of orange juice.
"Pochi, pakitawagan si Mr. Da Vinci, bakit hindi pa ba sya nagpupunta? Anong oras na..." medyo walang gana nyang sambit at sumandal sa kaniyang color orange office chair.
"Ok, ate."
Napabuntong hininga sya at hinilot ang sentido gamit ang dalawang mapipilantik na kamay. Pakiramdam nya ay wala syang gana magtrabaho buong araw at gusto na lang nyang humiga.

BINABASA MO ANG
Switch Series 2: Sincerely Yours,
HumorSimple lang naman ang buhay ni Ricky Boy Vedenin o mas kilala na Rhianne, wala naman syang ginagawa kundi ang magdilig ng kaniyang mga halaman, manahi, mag inarte at magpatirik ng sariling mata. Sa di nya inaasahang pagkakataon ay nakakilala sya ng...