WISH (4)
🌻🌻🌻
"Vakla, hayan na!!!"
"Witttttttt!" agad napatili ang vaklang si Rhianne at iniwas ang gunting sa buhok, "Wait lang, syetness." kinakabahan sya at napapikit ng mariin.
Tama ba itong napagdesisyonan nya?
Umagang umaga ay nagmamaritesan ang mga vakla. Nagkayayaan sila sa kaniyang bahay, selebrasyon na din sa kaniyang muling pagbabalik at success ng FSO. Tanging si Ritz, Bettina, at Shakira lang ang free ngayon kaya sila sila lang ang nagkapagtsismisan. At ginagawa nila iyon matapos at habang sya ay gugupitan pa lamang ni Shakira.
Pasimple sya nitong sinabunutan, "Ang arte, punyeta." umirap ito ng mariin at pumamewang.
Kanina pa kasi sya tili ng tili kada sasalat ang gunting sa buhok nya, gaga hangang dibdib na nya iyon tapos ipagugupit nya lang. Wala, naisipan lang nyang magpagupit—magpagupit ng panlalake.
Tinampal nya ito sa braso, "Yung mayroon naman kasing lalagyan extension!" maarte nyang hinaplos ang buhok, "Hanggang ditis ghurl. My hair huhu..." siguro one inch lang ang gusto nyang mabawas.
Muling to the moon umikot ang mga mata ni vaklang Shakira, "H'wag ka na magpagupit, ukinana."
"Huhuhu, yung may paglagyan naman ng extension kasi ghurl." pag uulit nya, hindi nya yata keri but need nya talaga for change. Seeking for change ang lola mwa.
"Oo na!" pinihit nito ang ulo nya paharap, "Wag kang malikot baka leeg mo na magupit ko, kalandi landi kasi." nanggigigil nitong pakli at agad agad syang ginupitan.
"Graveh sya." tinakpan nya ang mukha gamit ang dalawang kamay, "Huhuhu!" goodbye hair~
Hindi maiwasang magkomento ni Bettina habang kumakain ng sushi rolls, "Ang daming alam ni Ricky-ghurl, este Ricky boy." napataas ang kilay nya sa huli nitong sinabi, Ricky-boy? Mas lalo syang naiiyak.
Ganon din si Ritz na kumakain ng manga na isinawsaw sa alamang, "Seseseses, marami ka na magiging chicks nyan dai." ngumisngis ito kahit may alamang pa sa ngipin, "Dong pala." pagtatama pa ng gaga at nakipag apir kay Bettina.
Ngiwing ngiwi ang vakla, "Dzai! di ko matake ang Dodong. And chicks? Oh my gollyness, gross." masukasuka sya, kung alam lang nila ang napagdaanan nya sa mga NYC gurls. Hindi nya talaga keri ang mga merlat na mga ganern.
"Napakaarte mo." side comment ni Shakira, seryoso itong naggugupit.
"Bakit ba ang sungit sungit mo? Huhu, kakadating ko lang gurl." lumabi sya at nagpakyut sa mga ghurls.
"Tumingin ko doon!" para syang nastiffed neck ng ideretso nito muli ang ulo nya, gaga ang vaklang ito, ang sungit to the max.
"May regla ang vakla." sabi ni Bettina, baka tru nireregla ang ate mong si Shakira.
"Nga pala ghurl." pag iiba ng topic ni Ritz, kinuha nya ang mirror para makita ang sarili, hala ang ikili na ng hairlaloo nya! "Nagkita na kayo ni Bok?"
Natigilan sya, "Uhm, hindi pa."
Bok...?
He ask himself, do he ever want to see her again? He will answer yes a lot, although he doesn't want to but there will always be a part of him wanted to. Napabuntong hininga sya, hindi naman nawala sa isip nya si Bok. Kahit umalis sya, kahit tumakas sya ay hindi sya tinantanan ni Bok. Sa isip nya, sa panaginip nya, lalong lalo na sa puso nya. Hindi mawala wala, kahit ano pang gawin nya.
Ganon kahirap makalimot si Rhianne, Bok became part of all of his system. Itinatak nya sa sarili na hindi ito para sa kaniya, na walang para sa kaniya, but he sincerely hopes that there will be someone.
BINABASA MO ANG
Switch Series 2: Sincerely Yours,
HumorSimple lang naman ang buhay ni Ricky Boy Vedenin o mas kilala na Rhianne, wala naman syang ginagawa kundi ang magdilig ng kaniyang mga halaman, manahi, mag inarte at magpatirik ng sariling mata. Sa di nya inaasahang pagkakataon ay nakakilala sya ng...