CHAPTER 17

751 49 19
                                    

CHAPTER 17

Trapped (2)

Dangerous 🎶🎵

🌻🌻🌻

"One fif-TEA?"

Nanlaki ang butas ng ilong ng dalawang kasama ni Rhianne habang nakatitig sa isang cafè na nasa harap nila.

Kinalbit silang dalawa ni Bettina nitong si Ritz, "Dai, tignan mo ang mga costumers. Puro bayot." anito pagkapasok nila sa cafè at itinuon ang pansin sa mga tao doon.

Umasim ang mukha ni Bettina, "Dito na tayo, parang hindi naman kayo sanay magbabayad ng one fifty."

Tinampal nya ang braso nito, "Ghorl, hindi ako cheap ha."

Umirap naman si Ritz, "Kaboang. Mag-order na ta." sabi nito at umupo sa tabi ng round table, "Okinawa ako."

"Winter melon akiz." ipinilantik ni Bettina ang mga daliri.

Napanguso sya, "Red velvet." mukhang iba iba ang trip nilang flavor ng milk tea, "Sigi ghorls, snacks gusto nyo?" tanong nya pa sa dalawa. Knowing na kakaonti lang ang taong kagaya nilang matulungin sa mga kagaya nya. Kahit papaano ay maibalik nya ang tulong na'yon sa maliit na paraan.

Nilukot ni Bettina ang ilong saka tinapik ang tiyan, "Diet watashi."

Itinaas ni Ritz ang dala niyang bayong, "May baon akong puto dito. Baka gusto nyo hehe." pinangiti nito ang ilong which is ikinaloka nilang dalawa ni Bettina.

"Ay go."

Itinaas nya ang palad, "Wait me, I'll order lang."

Pagkabalik ni Rhianne ay agad hinablot ng dalawang vakla ang milk tea, akala mo bang ngayon lang makakatikim ng milk tea. At naloka sya sa nakita sa ibabaw ng lamesa, may mga putong puti at bikong nakahain. Pinagtitinginan ng sila ng tao doon, paano napakalakas ng boses ni Ritz at Bettina. Mabuti nalang mahinhin lang syang dalagang pilipina.

"Saan ka ba nakatira?" tanong ni Bettina kay Ritz na panay ang suklay sa kinky nitong buhok.

Kumagat ito ng putong puti, "Sa balay."

Muntik syang mabulunan nang pumasok sa lalamunan nya ang pearl, walang'yang Ritz, "Gusto mong unatin ko 'yang buhok mo?" pagbabanta ni Bettina na mukhang masama ang pakiramdam ngayong araw. Yun bang parang galing sa break up at may eye bags pa, napaisip sya na siguro iniwan 'to ng jowa, hmm. Malamang.

Kitang kita nila ang pandidilim ng awra ni Ritz, "Sa Mansyon ng mga malulupit na tao."

"Huh?" naconfuse silang dalawa ni Bettina, ang chakang umawra ni Ritz oh, feeling pretty.

"Savage." pinagdikit nito ang ngiping kaya't kitang kita nila ang teeth gap nito which is bagay na bagay kay Ritz, "Yung mayamang pamilya. May ari ng banko, talent agency, at animal husbandry." paliwanag nito.

Napasinghap sya at nashock si Bettina kasi ang oa nya, "Oh my golly, sila Mamma Xiuying?" lumapit pa sya dito para mausisang mabuti.

"Kilala mo si Madam Xiu?" pinaliit ni Ritz ang ilong, ang dami nitong kayang gawin sa mukha, flexible ghurl.

Ibinaba nya ang milk tea sa table, "Uu! Kliyente ko iyan." aniya. Minsan na syang ginawang designer ng gown sa mga party nito.

Napatango tango ito, "Ahh...ano ba ang trabaho mo?"

"Certified Fashion designer."

"Wow sossy!" nag-apir pa ang nagkasundong si Ritz at Bettina. Proud naman sya kasi sa trabaho nya at hindi nya iyon ipinagyayabang, iba ang proud sa nagyayabang.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon