CHAPTER 15

759 49 16
                                    

A Mommy's Duty (6)

🌻🌻🌻

Nagtitimpi lamang ng inis si Bok habang nilalakad nya ang daan patungo ng Restaurant na pinagtatrabahuhan nya. Alas dyes ng umaga, hindi gaanong mainit ang sinag ng araw, maraming tao sa kaniyang paligid at katamtaman lang ang temperatura.

"Kadami daming pwedeng utusan ako pa napili." reklamo nya sa sarili, "Ang swerte ko talaga." sarkastiko nyang sambit at naiinis na ngumisi.

"May araw din sa'kin 'yang panot na 'yan." gigil nyang sambit at ikinulom ang kamao, "Ang aga aga..."

Sa pagtatrabaho nya kasi sa Restaurant na iyon ay araw araw syang napapagdiskitahan na laging utusan. Hindi naman sa pagiging reklamador pero, putangina lang ang dami nilang nagtatrabaho don ulitimo mga gawain ng security guard sya ang gumagawa.

Isang araw ng napipisti ang buhay nya, sa bahay pa lang ay pisting pisti na sya kay Rhianne. Lalo na nung gabing bigla itong pumapasok sa kwarto nya saka sinabing,

"Handa na akong kumain ng mani."

Ipinilig nya ang ulo. Ano ang ibig sabihin ng putanginang 'yon!?

Ewan nya kung matutuwa ba sya o matatakot kay Rhianne, dahil kinabukasan ay lagi na itong nakabantay sa kaniya. Lagi syang kinakausap, nginingitian, hinahawakan at higit sa lahat nilalandi nanaman sya nito.

Ano bang ginawa nya at parang gustong gusto sya ni Rhianne kahit na tomboy sya? Sira ulo ba talaga si Rhianne? Ang hirap nya kasing intindihin, nung una okay na sila kasi nga nalaman na nito ang totoo. Tapos ngayon, tinatawag nanaman syang 'Darling ko~'

Napangiwi sya, "Aish! Putangina!" aniya ng maimagine na nakaluhod sa harap nya si Rhianne.

Pag nangyari man iyon, sana ay may pumigil sa kaniya at baka mapatay nya ito. Mabait naman kasi si Rhianne pero may kakaiba sa ugali nyang hindi natural sa isang tao. Pang out of this world.

Speaking of the devil, biglang nagvibrate ang phone nya at alam na nya kung sino iyon. Hindi kasi basta basta binibigay number nya lalo na sa mga bakla, tanging si Rhianne lang at ito ang mahilig syang i-update kahit wala syang pake.

From: Bb. Rhianne

Darling ko~ pupunta kami dyan mamaya nila PB at Jelly hihi~ see ya 😘

At bago mahuli ang lahat, si Rhianne din ang nagpalit ng pangalan sa phone nya. Paano nya nalaman? Sinabi ni Jelly na kinakalutkot nito ang phone nya at tama nga ang anak nya kasi may mga picture si Rhianne sa gallery nya.

Halos maibato nya ang phone nya kasi ang halay, kaya dinelete nya agad.

"Putangina." malutong nyang sambit at pinagsalubong ang kilay, "Ano nanaman 'to?" tanong nya sa sarili at agad tinago phone sa bulsa.

Kumibot kibot ang gilid ng kaniya labi, "Tinitililing nanaman sya..." napabuntong hininga sya at muling naglakad, "Bakit kasi binanggag nya yung sarili nya sa pader? Tsk. Bumalik tuloy sa dati, okay na sana."

Pakiramdam nya, iyon ang dahilan kung bakit nagkakaganito si Rhianne. Bakit hindi nya ulit i-try na ibanggag ang sarili sa pader para okay na ulit ang lahat? Or kung pwede, sya na lang ang babanggag kay Rhianne.

Iritable nyang hinawi ang buhok, "Bahala na." dumiretso na sya at malapit na sya sa Restaurant.

Basta wag na wag lang lalagpas si Rhianne sa linya kasi mauubos na ang pasensya nya dito. Nakakapikon ang pagdikit dikit nito sa kaniya.

"Hindi!" malakas na sigaw ng babae mula nasa loob ng Restaurant nila, "Nasaan ba 'yung manager nyo!? Sya ang gusto ko makausap!"

Tumaas ang kilay nya ng pagbukas nya ng pintuan ay nakita nyang nagkakagulo doon. May isang mukhang mayaman na parang early 50's, babae ito at hindi sya pamilyar sa itsura nito. Kausap ito ni Wency at ng ibang katrabaho nya parang pinapakalma. Lumapit sya doon.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon