CHAPTER 26

827 56 19
                                    

Chances (3)

🌻🌻🌻

"RICKYYYYYY!!!"

Mararamdaman mo talaga ang galit sa hiyaw ni Bok habang papasok ng bahay ni Rhianne. Nakasuot sya ng uniporme at kakauwi lang din galing eskwelahan. Dala dala nya ang orange thongs ni Rhianne na nakita ni Jojo mula sa kaniyang bag.

Nanggigigil syang umakyat ng hagdan at tinaliman pa ang tingin, "Mapapatay ko na talaga ang putanginang baklang 'yon." napagkalutong nyang sambit at binilisan ang paghakbang.

Pagkarating nya sa tapat ng kwarto nito ay kinalampag na nya agad ang malaking pintuan, "Ricky!! Hoy Ricky alam kong nandito ka na naaamoy kita!" nilukot nya ang ilong nang makaamoy ng paminta mula sa loob, "Ricky! Tangina mo ha!" tinadyakan nya ang pintuan, "Labas!"

Gago, pinagkamalan pa ng mga kaklase nyang sa kaniya iyon. Putangina, bakit sya magsusuot ng thongs!? Hindi sya bakla!

Sisigaw pa sana sya ulit ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Rhianne na tumitirik ang mga mata, "Yes Darling ko~? Hinahanap mo nanaman ako? Siguro miss mo ako? Ano ba iyan kakakita lang natin ha, napapansin ko na lagi mo akong hinahanap! Nakakaasar ka talaga, hmp!" mahaba nitong bungad sabay kurot sa pisngi nya.

Isinaksak nya sa bandang dibdib nito ang thongs, "Gago, ano itong pinaglalalagay mo sa bag ko!? Nakakadiri!" nakangiwi nyang sabi at ipinunas ang kamay sa roba ni Rhianne.

Nakangising kinuha at iniharap sa kaniya nito ang bagay na nakakaputangina kapag sinuot ni Rhianne, "Ihh...undewear ko?" inosente nitong tugon at bumungisngis.

Ibig nyang manikmura ng puson, "Hayop ka!" pagmumura nya at inihagis ang bag sa sahig, "Bakit mo nilalagay sa bag ko? ano tingin mo d'yan washing machine!?" nilukot nya ang ilong at itinuro ang thongs, "Yak! Amuyin mo!" aniya at sinunod naman ng may tililing.

Ipapaamoy pa sana nito iyon sa kaniya pero nakaiwas sya agad, "Kabango bango ih, alam mo kahuhubad ko lang n'yan nung ilagay ko sa bag mo." pagbubunyag nito ka mas lalo pa syang nandiri.

"Putangina mo, dugyot!" halos masuka sya sa kabalahuraan nitong si Rhianne.

Hinampas pa nito sa mukha nya ang thongs habang kinikilig, "Ihh! Ano ka ba, energizer mo iyan Darling ko~ pag pagod ka, amuyin mo lang gaganahan ka na sa buhay." tinapik tapik nito ang pisngi nya.

"Gago." pinalaki nya ang butas ng ilong, "makalayas na nga at nakakabwiset ka."

Pagkahakbang pa lamang nya palayo ay agad na itong yumakap sa likod nya, "Darling ko~ sorry na. Minsan kasi sabihin mo na nga 2 days ko muna isuot bago ko ibigay sa'yo."

"Siraulo."

Putanginang, saan nanggaling iyong mga sinasabi ng may tililing?!

Pinilit pilit sya nitong humarap pero ayaw nga nya. Nakakabadtrip ang araw na ito. Nakakasira ng pangarap ang panty ni Rhianne na amoy usok ng barbeque.

"Darling ko~" hinimas himas pa nito ang abs nya, "sorry na."

Ang galing humimas ni Rhianne, pero ulul. Kadiri.

"Err..." nakarinig sila ng tikhim mula sa kanilang likuran.

Ngunit hindi nila iyon pinansin, "Pst!" pagtawag sa kaniya ni Rhianne sabay kalabit.

"Ehem."

Nanlaki ang mga mata nya nang kurutin sya sa dede ng baklang may tililing, "Tangin--"

Napatigil silang dalawa pagkalingon. Kaagad syang lumayo kay Rhianne at umayos ng tayo.

"L-Lolly?"

May isang matanda na hula nya ay mga nasa late 60's na ang edad na nakatayo sa gitna ng hallway. Kung tutuusin ang ganda pa ng balat nito at hindi ganon kakulubot. Matangkad, slim lang ang katawan pero balakangin, kulay pipino ang balat ang mukha...kahawig ni Rhianne.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon