WISH (9)
🌻🌻🌻
"Darling ko~ ayos ka lang?"
Sa Mansyon ng mga Vedenin, in the Porch nakatayo parehas at magkatabi si Rhianne at Bok. Narito sila upang salubungin ang mga darating na kamag anakan nya, kaya naman parehas silang bihis na bihis at maganda ang mga ayos. Naitanong iyon ni Rhianne bagkus pinagpapawisan ang noo ng kaniyang Darling samantalang hindi naman mainit ang panahon at sakto lang ang init at lamig ng kapaligiran.
"Oo, bakit?" tugon nito at umayos ng tayo.
Agad nyang binuksan ang malaking pamaypay ay pinaypayan ang minamahal, pinunasan nya din ang butil ng pawis sa noo nito gamit ang isang orange handkerchief.
"Parang kinakabahan ka? Hindi naman nakakatakot ang family ko, Darlington~." pagpapagaan nya ng loob nito, obvious naman kasi na kinakabahan ito sa pagdating ng kaniyang pamilya.
Tatlong linggo pa lamang ang lumipas, hindi nya alam na darating ang kaniyang pamilya galing pa sa bansang Russia. Hiling ng mga ito na isama nya si Bok sa Mansion upang makilala ng husto ang kaniyang nobyo. Agad nya iyong pinaalam kay Bok at pagkasabi nya pa lamang dito ay namutla't ninerbyos na.
"Huh? Anong kinakabahan at natatakot? Sino? Ako?" ito nanaman ang Darling nya sa pagsisinungaling, "Psh! Hindi!" syempre alam na nya kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi, hay nako Bok hindi mo na sya maloloko pa.
Nilukot nya ang ilong, "Ih bakit ka pinagpapawisan? Halika dito, nagugulo ang hairstyle mo." aniya at pinalapit ito sa kaniya saka nya hinawi hawi ang nakahair spray pa nitong buhok.
Para bang isang Prinsipe ang Darling nya at sya naman ay isang Prinsesa. Kaya bago pa man sila magtungo dito sa Piazza ay nakapagphoto shoot na sila sa Garden, oh diba naupload na din nya agad sa Instagram at Group nila ng The Tupperware Keepers.
"Wala lang ito, mainit kasi." pagpapalusot pa nito, "Bakit dito pa sa kasi?"
Inayos nya ang three piece suit nitong kulay maroon-he's the one who designed that, "Ih kasi para mawelcome natin sila ng maayos, plus mahangin naman Darling ko~ hindi maaraw, look oh." itinuro nya ang araw na natatakpan ng makapal na ulap sa itaas.
Umiling ito at inilagay ang dalawang kamay sa harap, "Kulang lang ako sa tubig kaya ako pinagpapawisan."
Ngumiti sya at pasimple itong siniko, "Sure ako na magugustuhan ka nila agad." full of confidence sya ghurl, sya nga ih wala namang ginagawa si Bok ay nagustuhan nya agad hihi~
"Alam ko naman 'yon."
"Ihh!! Ang pogi mo today!" mabilis nya itong nahagkan sa pisngi, "Nakakaasar ka."
Mayabang syang tinignan ni Bok, "Today lang?"
"Ih...edi every day."
"Every day lang?"
Tinampal nya ito ng pabiro sa braso, "Every day and night." oh ayan masyahan ka na po, "Pogi ang Darling ko~ palagi hihi~"
Para wala ng sabihin ang Darling nyang mahal ay sinabi na nya ang katotohanan. Magsisinungaling pa ba sya, hindi na at araw araw naman syang nasisiyahan at gabi gabing nasasarapan-charot.
"Ate! Nandito na po sila!"
Napatingin sila sa tinig, "Okay Lilith!"
Si Lilith ay hindi pa din nawawala sa kaniya, nagtatrabaho ito ngayon bilang katulong dito sa Mansyon nila Lolly. Sa totoo lang ay gusto nito muling magtrabaho sa kaniya ngunit hindi pa naman nya kailangan ng katulong sa bahay o kaya naman sa kaniyang Boutique. Makikita nya balang araw.
BINABASA MO ANG
Switch Series 2: Sincerely Yours,
HumorSimple lang naman ang buhay ni Ricky Boy Vedenin o mas kilala na Rhianne, wala naman syang ginagawa kundi ang magdilig ng kaniyang mga halaman, manahi, mag inarte at magpatirik ng sariling mata. Sa di nya inaasahang pagkakataon ay nakakilala sya ng...