CHAPTER 36

1.6K 63 29
                                    

Playing with fire (1)

🌻🌻🌻

Mainit. Hindi maipaliwanag ni Rhianne ang kaniyang nararamdaman sa napakalagkit na titig sa kaniya ni Bok na kasalukuyang gumuguhit sa kaniyang study table. Hindi nya alam kung saan ang lunduyan nito, sa kaniya ba o sa papel na ginuguhitan nito.

Kinagabihan, kasama nya sa kwarto si Peanut butter at Jelly, si Bok naman ay kakauwi lang din mula sa nasabi nitong pagpupulong sa nasabi nitong grupo. Ang alam nya ay may 'unfinished  business' sila ni Bok at hindi na din sya makapaghintay upang tapusin iyon.

Sa ginawa nitong paghalik sa kaniya ay napawi ang lahat ng lungkot at galit nya sa mundo. Kusang lumuwag ang garter ng suot nyang underwear at nagparaya. Ang hirap kasing mahaplos-- nakakapaso, nakakawala ng sarili at nakakarupok.

Kinalbit sya ni Jelly, "Mommy Ricky, how about I color this uhmm, pink?" tanong nito at tiningala sya, "With orange? What do 'ya think?"

Nakasalampak sila sa orange soft sheepskin faux rug kasama ang dalawang bata na nagkukulay at nagbabasa naman. Hindi nya agad napansin ang babaeng anak bagkus pinamulahanan ng kindatan sya ni Bok bigla saka binasa pa ang labi. Kumakabog ng todo ang puson nya, don't Darling~ 

Tumabi si PB sa kakambal, "Jelly, put some red color here." anito at itinuro ang dress, "I think that would be nice." opinyon nito at hinimas ang baba.

Napatango ang kambal nya, "Uhmm, let's ask Mommy Ricky first.." muli sya nitong tinignan, "Mommy Ricky?"

Muli silang nagkatitigan ni Bok at sa sobrang kilig nya ay nilaro na nya ang buhol ng robang suot nya. Para syang hinipnotismo nito, parang sinasabi ni Bok na bumuka ka at sisisid ako. Ganern sya kagrabe mag-ilusyon.

"Mommy Ricky!"

Pinagdikit nya ang labi ng humarap sa kaniya si Bok at nakita nya ang bukol bukol nitong tiyan na pawang tinapalan ng mga pandesal, idagdag mo pa ang dami ng tattoos nito sa katawan. Napapalunok na lamang sya ng mariin, kahit walang bumubukol sa suot nitong pulang boxer, wala na syang pakealam kasi super love na nya ito ulit.

"Mommy Ricky!!" halos mabingaw sya ng tumili si Jelly sa tapat ng tenga nya.

"Ay hekya!" napaigtad sya at nakita pa na tinawanan sya si Bok, "B-Bakit?" napahawak sya ng dibdib at pinagpapawisang tinignan ang vatang moody.

Napansin nyang napatigil din ang dalawang bata, "What's hekya?" tanong ni Jelly.

Narinig nya ang pagngisngis ni Bok kaya pinamulahanan sya, "W-Wala, a-ano na kasi yung sinasabi mo ulit?" inayos nya ang sarili at ibinigay ang atensyon sa dalawang bata, grave ang Darling nya kung makadistract nawawala sa sa earth!

Iniharap nito sa kaniya ang drawing nitong dress, "This...look at this po kasi." itinuro nito ang ibaba, "Orange and pink? Or red and pink?" masinsinang tanong ng bata.

Sasagot na sana sya kaso sumingit ang Darling nyang nakakalibok, "Orange at Red, baby ko." natahimik ang bibig nya ng tabihan pa sya nito at akbayan, "Mas bagay iyon." sa pagtingin nya dito ay agad sya nitong tinaas babaan ng kilay kaya naman hindi na nya kinaya't nagtakip ng bibig.

"Yep. Orange and Red." pagsasang ayon ni Peanut butter at pinagpatuloy ang pagbabasa ng encyclopedia.

Halos maubusan sya ng hininga nang hapitin pa nito ang bewang nya, "D-Darling ko~ t-tapos ka na sa a-assignment mo?" nagkanda utal utal ang vaklang tigang.

Inilapit pa ni Bok ang mukha sa kaniya, "Oo." muli syang napatakip ng vivig ng pisilin nito ang hita nya, "Tayo ba? Kailan natin gagawin ang assignent nating dalawa?" pagtatanong nito at hinimas pataas ang kaniyang hita, napasinghap sya't nagulat sa ginawa nito.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon