CHAPTER 43

1K 43 68
                                    

The Visitors (5)

Raw. Unedited.

Its time

🌻🌻🌻

Sixth day.

Rhianne, Bok, Mario, Motmot and the twins gather around the dinning table with lots of dishes prepared. It's around six o'clock in the evening, after Motmot pray all of them shout in excitement.

"Let's do this!!"

"Yehey!!"

Halos maglaway si Mario ng titigan ang Mediterranean Quinoa vegetables salad, "Wow~" ito talaga ang kakanain nya.

"Rhianne, this looks so yummy!" komento naman ni Motmot sa grilled ostrich steaks.

Wala namang pakealam sa kanila itong si Bok na nakakailang subo na ng mongolian beef at honey garlic chicken breast. Syempre na sakaniya lang ang atensyon ni Rhianne habang naghahati ng orange bread.

Pagkasipsip ni Mario sa kaniyang daliri na may mayonnaise ay naduling ang mga mata nito, "Ahhhhh...finger licking good...hmmmmmm~" sinimot pa nito ang sampid sampid sa kamay nya at umungol kaya naman nadagukan sya ni Bok, "aray kupo! Bakit?" naguguluhan nitong sambit, bakit bigla bigla nambabatok? May ginawa ba syang masama?

Nakangiwi syang tinignan ni Bok, "Wag kang gumaganon." binigyan nya ito ng maraming pagkain sa plato, "Kumain ka lang!"

Napanguso si Mario at kumamot ng ilong, "Bossing, nananapok ng walang dahilan. Bad ka."

Umirap si Bok, "Baliw ka."

Natuwa naman si Rhianne at nilagyan ng cake ang kambal, "Para kay PB and Jelly ko~" aniya at sinunod ang dalawang anghel, "para kay Mario at Motmot~" nginitian nya ang bawat isa ng sobrang tamis, sumingkit ang mga mata ni Bok at ibinaba ang kutsara't tinidor.

"Asan yung para sa akin?" pinagsalubong nya ang mga kilay.

Rhianne scrunch his nose, "Wait po~" at unti unting lumiwanag ang mukha nya sa ginawa nito, "Oh ito na, for my one and only Darlington~" anito na may kasamang himas sa balikat nya.

"Goods." bilang kapalit at sinalinan nya din ito, "Para sa'yo."

Marahan sya nitong tinampal sa braso, "Hihihi~" bungisngis nito, "Thanks Darling ko~ ang sweet sweet mo naman." palihim sya nitong kinurot sa hita, ang sakit nun bakit may pakurot?

"Tss..."

Nagsimula na silang kumain, "Hmmm...oh my gulay ansarap~" napatingin nanaman sya kay Mario na nakapikit pa habang ngumunguya, "isa pa mhmmm~" napaawang ang bibig nya, putanginang 'to.

Nawalan tuloy sya ng gana, "Isa pa, Mario..." aniya at sumandal sa upuan.

Naturingang may saltik si Mario kaya sinunod sya, "Mhmmmmm~" mahaba nitong ungol.

"It's delicious kasi Bossing." sabi naman ni Motmot at kumuha ng vegatables salad, "You taste this one. Say ahhh..." sinubuan sya nito.

Aminado syang uto uto sya, "Ah."

Pagkatapos ay inutusan sya nito, "And say hmmm~" pag ungol din ni Motmot at ipinikit ang mga mata

Palaro nya itong ginatukan, "Tsk." hays ano bang magagawa nya, "Ang dami mong alam."

Tinawanan lang sya nito, "Ke ke ke~" nanlaki ang butas ng ilong nya at pinagpatuloy ang pagkain, sabagay nakakaungol naman talaga kapag masarap, "Rhianne, about your event tomorrow. I just wanna say, congratulations in advance." pag iiba nito ng usapan.

Tumango tango si Mario, "Opo! Congratulations!" anito, "Tiyak kong the best iyon!"

Medyo kinilig pa si Rhianne, "Ihhh...salamat." napatingin sya dito, "kinakabahan nga ako, sana talaga maging success sya." pagtatapat nya, sino ba namang hindi kakabahan? Ito ang unang beses nyang magkakaroon ng clothing line promotion in a way of fashion show.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon