CHAPTER 55

1.2K 42 166
                                    

Together (5)

-

"Mommy Ricky, is it okay if you teach me driving a car when I turn 18?" tanong ni PB kay Rhianne.

Nasa loob sila ng kotse ngayong mag iina, mayroon kasing announcement ng honors at iba pang rewards sa kindergarten. Naka sibilayan lang ang kambal at si Rhianne na ang magiging representative dahil gusto nya sya ang sasama sa kambal.

Tinanguan nya ang batang lalake na nakaupo sa passenger's seat, "Uu naman Baby boy, bakit gusto mong matuto?" tanong nya, si Jelly naman ay nasa trunk—char nandyan lang sa likod at nag iinarte as usual.

"Because I'm planning to give Daddy Bok a car? In Daddy Bok's 40th birthday?"

Napatingin sya sa anak, "Wow, and when will you get that huge amount of money?" napataas ang isa nyang kilay, never talaga syang biguin ni Pb na panilibin.

Inayos nito ang suot na salamin, "Let's say, Mommy Ricky I am about to finish a project that will help people in agriculture in making vegetables parasite free as well as boosting its production without spending a lot of money."

Natigilan ang vaklang itwouh, "Anwou?"

Anwong project at agriculture agriculture? Sya nga ay wala masyadong alam doon, ay jusq never din syang naging interesado sa mga bagay na ganon. Sa edad nya ngayon, puro kalandian lang ang inaatupag nya, chareng.

"It's a sort of powder. I already finish the hypothesis so for tonight I'm gonna do the experiment." Pb explained, "Will you let me use the vegetables in the backyard po?" magalang pa nitong tanong at ginamitan sya ng power of the puppy eyes.

"S-Syetness..." nautal si Rhianne at kahit na nagdadrive ay tumitig sa batang itwah, sa maraming buwan nyang nakasama si Pb ay walang araw na hindi sya natutula sa angking talino nito na hindi pangkaraniwan sa edad na lima lang.

Noong bata sya, ang pinoproblema lang nya ay kung paano nya itatago sa ina ang ninakaw na lipstick at kung paano pa nya maisusuot ang panty ng kapatid.

"Po?"

"High ka bang bata ka?"

"Po?"

Medyo tinampal nya ang sarili, "I-I mean, seryoso ka?" seryoso ghurl? Buong buhay nya kasi hindi pa sya nakakakilala ng napakatalinong bata at yung isip ay hindi din pambata.

Pero don't get him wrong, sinasabi nya lang na ang swete nya kasi naka encounter sya ng ganitong bata at dahil doon marami din syang bagay na natutuhan. The way Peanut butter talks, it always hit so different lalo na kapag nagiging tapat ito at nagsasabi lang ng totoo. He teach him the different side of honesty, whenever it hurts—it's the truth—to be accepted.

Nakangiti itong sumagot, "Yes Mommy Ricky, actually I wrote every observations and trials I make in my memoir." ipinakita pa nito sa kaniya ang kwadernong makapal at tiyak nyang punong puno ng sulat, "Do you want to read po?" nagbuklat ito ng ilang pahina, at dahil dyan sumakit ang ulo nya.

"Oh my golly..." nanlaki ang butas ng ilong nya, "Naiintindihan mo iyan?" kasi kung magiging honest lang sya, parang kinalayod ng manok talaga ang sulat ni PB, noon pa man.

Tumango ito at tinago iyon muli, "Yes po, I wrote that eh..." napaisip sya, ang lawak siguro ng imaginations ng batang itwah at curious lang sya kung ano pang kaya nitong gawin sa mga susunod na taon at kapag lumaki na ito.

Sumingit si jelly na abot ang tingin sa bagong pinta na kuko, "Mommy Ricky, do you think Pb's lying?" mataray nitong sambit, "Me and Daddy Bok are his witnesses, every night on our room he do such crazy experiments, I don't understand it but PB is genius. That's my twin bro. He said pa ng na someday he will make me a dress na nag iiba ang color—He said that its possible. I am so excited!!!" tumili ito sa loob ng sasakyan pero dahil sanay na say ay no react na lamang sya.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon