CHAPTER 4

1.3K 66 37
                                        

My Savior (4)

I'll never gonna fall in love again 🎼🎶

🌻🌻🌻

Apartment
6:00 PM

"Why do you always cook this food ba, Daddy Bok?" nagsalubong ang dalawang kilay ng batang babae at pinagkrus ang braso, "Nasasawa na ako dyan e!" nakangusong sambit pa nito habang nakakarga kay Bok.

Napabuntong hininga sya at ibinaligtad ang tinapa, "Favorite mo kaya 'to." aniya at ibinaba ang sandok.

Nakasuot sya ng apron na pula at buhat buhat ang limang taong gulang nyang anak na si Jelly, ang kambal nitong si Peanut butter at nanonood lang sa kanilang dalawa habang nakaupo ng presko sa lamesa. Nakapantulog na ang mga ito ng suot at sya nama'y suot pa'rin ang uniporme nya sa trabahong waiter.

Hinawakan nito ang magkabila nyang pisngi, "Eh! Hindi ko na nga kasi 'yan favorite, iba na ang favorite ko po!" singhal nito sa napakairitado at maarteng boses.

Kapag may trabaho sya ay pumapasok naman ang kaniyang kambal, masuwerte sya't mabait ang nga kapit-bahay nya at ang Teacher nito.

Natatawa syang umiling, "Ano bang favorite mo ngayon?" hinalikan nya sa pisngi ng bugnutin nyang anak.

Hinila nito ang strap ng apron mula sa kaniyang leeg, "I don't know!" anito gamit ang matinis na boses saka umikot ng todo ang mata, "Napanood ko lang naman 'yon doon sa cocomelon. Daddy Bok, I want that food kasi!" asar na asar itong yumakap sa kaniyang leeg.

Napabuntong hininga si Peanut butter at itinaas ang dalawang paa sa lamesa, "Jelly is so maingay." sabi nito at dumukot ng ginisang kamatis na luto ni Bok, "Palo her Daddy Bok."

Masama syang tinignan ni Jelly, "Peanut butter!" nanggigigil pa sya nitong tinuro gamit ang maliit na daliri, "Ikaw kontrabida sa buhay ko ha!"

Inilabas ni Peanut butter ang dila kaya mas lalong naasar si Jelly at naglikot sa braso ni Bok.

Inilingan nya ito, "Shhh...Jelly..." pagbabawal nya sa anak na ma-attitude.

Umirap ang bata, "Hmp." salubong ang kilay nitong tumingin sa kaniya, "Galit ka na sa'kin? Kakampi ka na kay Peanut butter ha? Daddy Bok? Aaway mo na ako?" naging mabilis ang paghinga nito at lumabi.

Seryosong tumango si Bok at pinatay ang kalan saka gasul. Inilagay na rin nya ang tatlong piraso ng tinapa sa isang plato at dumiretso sa kanilang munting hapag kainan.

"Oo love ko na si Peanut butter, hindi na kita love." aniya at binaba si Jelly sa isang upuan saka nya binuhat si Peanut butter.

Napanganga si Jelly, "Nehhh!" nagdabog ito sa upuan at nagtubig ang mga mata, "I-Iiyak ako! D-Di mo na ako love!" utal nitong sambit habang nakalabi.

Ibig nyang matawa sa inasal ng kaniyang bugnuting anak na si Jelly. Sanay na sya sa pagiging ganito ng kaniyang anak, hindi nya maipaliwanag ang ugali akala mo matanda kung magsalita.

Napairap si Peanut butter, "Because you are so iyakin." walang emosyon nitong saad at yumakap sa kaniya, "Daddy Bok, let's eat na." anito at ininggit inggit si Jelly na ngumangawa na.

Kinagat nya ang labi sa nasaksihan, naupo na din sya at kinandong si Peanut butter na pasimpleng inaasar ang kaniyang kambal. She could say that, Peanut butter is a genius at his very young age he talks and thinks differently.

Pinunasan ni Jelly ang sarili nyang luha, "Nehhhhh!" napalunok si Bok ng sunod sunod tumulo ang luha nito habang nagpapapadyak, "D-Daddy Bok!! A-Ayaw mo na sa'kin! Kawawa naman ako..." nagpapaawa nitong sambit saka humikbi hikbi, niyakap pa nya ang sarili at ginulo gulo ang buhok.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon