CHAPTER 63

502 34 9
                                    

WISH (3)

Paint my love

🌻🌻🌻

One year later

||The Butchelors International Discord server||

#IXButchelors-Captains-General-Chat-Channel

IXMario: Hello, Very Good morning Bossings! Let's have breakfast together hehe. One hotdog and two eggs for good health and healthy body. 😋😘🤤

Loading Image

IXGabby: I got coffee, muffins, and leche flan for dessert Bossings. Good morning.

Loading Image

IXDex: I have baked tahongs. Good morning, Butchelors and to the Big Boss!! 🦪👅💦

Loading Image

IXVin: Dried fish cooked in argan oil, stir fried tomato from California USA, fried rice with British butter, and Serendipity 3's golden hot chocolate the Frozen Haute Chocolate from France. Happy morning bossings from Philippines. ❤

Loading Image

IXMotmot: Breakfast with my employees! Say cheese! Rise and Shine, bossings! Have a great day y'all! 🥳🌞💖

Loading Image

IXRex: Fast food breakfast with Achi and Apollo in McDonalds. Good day, Butchelors!

Loading Image

Nasa daan si Bok patungo sa building ng kaniyang pinapasukan habang nagbabasa ng chats sa discord. Kakabili lang nya ng kape sa starbucks at iyon lamang ang kaniyang umagahan wala ng iba.

"Ako na lang ba ang wala?" kinakabahan nyang tanong sa sarili, tama sya na nga lang ang hindi nakakabati, lagot.

Big Boss: GM to my Captains in IXButchelors! Big Boss' in Sauna right now with Japanese hot babes, I'm in heaven. Btw, some heads of IVButchelors are with me—freakin' Mommies! UWAA!

Loading Image

Nanginginig pa ang kamay nyang kinuhanan ng litrato ang cup of coffee saka nagmamadali iyong sinend.

IXBok: Coffee only for Breakfast! I'm on diet hehe, Good Morning y'all!

Loading Image

Pinunasan nya ang butil ng pawis sa noo at ibinulsa na din iyon. Muntik pa sya mahuli sa attendance.

"Whew." napabuga sya sa hangin at itinuloy ang paglalakad.

Nakarating sya sa pedestrian lane at maraming taong naghihintay ng red light upang makatawid. Bilang ipinanganak na matapang ang hiya ay nanguna na si Bok sa mga tao, humigop sya ng kape at ibinulsa ang isang kamay, wala syang pake kung pinagtitinginan sya noh.

"Guys, wag kayong mag alala. Sagot ko kayo." aniya at tumango sya mga tao sa kaniyang likod, huminga sya ng malalim at iniharap ang kaliwang kamay sa mga sasakyan, "I-Stop!"

Dahil nag red light na ay tumigil ang mga sasakyan, "Oh diba nagstop?" Quiboloy yern, mayabang nyang sabi ngunit inirapan lang sya ng iba at nauna sa kaniyang tumawid.

"Welcome guys." tinapik nya ang sariling balikat, ang aga nyang may nagawang mabuti sa kapwa.

Palagay nya ba ay nakalista na ang pangalan nya sa langit sa isang taon na lumipas na sya ay unti unti ng nagiging mabuting tao, joke.

"Good morning people!" pagkarating nya sa opisina ay binati nya agad ang kaniyang mga katrabaho.

Nagtatrabaho sya sa isang studio bilang isang Junior Art Director, ang aga nga nyang napromote para sa ganitong posisyon. Tingin naman nya din ay para talaga ito sa kaniya, ginagawa nya ang pinakabest para sa trabahong ito na matagal na din nyang pinapangarap. Hindi pa din sya tumitigil sa pagpinta lalo na kapag nagkakaroon pa sya ng mga kliyente galing abroad, nakakatuwa na kahit paano ay narerecognize na din ang mga obra nya.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon