Trapped (7)
🌻🌻🌻
Isang linggo na ang lumipas at ngayong araw na ang unang pasok muli ni Bok sa eskwelahan. Alas sais pa lang ng umaga ay ginising na sya ni Peanut butter at Jelly na mas excited pa sa kaniya. Kasalukuyan syang nakaharap sa whole body mirror sa loob ng kaniyang kwarto at tinititigan ang sarili.
Nakasuot sya ng uniform ng kanilang department at nandidiri sya sarili. Okay naman ang pang itaas at dress shirt na long sleeves iyon at kulay blue, kaso ang pang ibaba nya at black skirt at kitang kita ang mahaba, maputi, at makinis nyang hita na may tattoo. Para syang nabihisan ng pangbabae ngayon, napakatagal na panahon na mula nang tigilan nya ang pagsusuot ng damit pangbabae. Ano bang magagawa nya, patakaran ito sa paaralan na papasukan nya. Wala tuloy syang magawa at kailangan nya rin iyong irespeto.
"Puta, ang sagwa!" nakangiwi nyang komento sa sarili at pilit ibinababa ang suot na palda.
"Daddy Bok!" kumatok ng ilang beses si Jelly sa pintuan nya, "Come out now, we're gonna be late na!"
Napalamukos sya ng mukha, "Tangina naman kasi..." inayos nya ang gamit at bag, "W-Wait lang!"
Nakarinig pa sya ng katok, "Darling ko~" napapikit sya ng mariin, "lumabas ka na dyan at pinicture-an ko pa kayo ng mga bata hihihi~" sabi ni Rhianne kasabay ang pagngisngis, "patingin din kami kung bagay ang uniform mo hihihi~ naiimagine ko na ikaw my darling~"
"A-Ayoko nga!" tumingin sya sa pintuan, "Mauna na nga kayo!" pakiramdam nya ba tinatamad syang pumasok ngayon. Diba dapat ay excited sya kasi nga first day nya ulit ngayon na pumasok sa School?
Muling kumatok si Rhianne, "Darling ko~ don't be shy na kasi!" anito, "Dali na!"
"Tsk!"
"Daddy Bok! Tara na kasi! Malalate na kami oh, ako pa naman ang mag leader sa prayer at songs namin!" napahawi sya ng buhok sa nagdidiwarang boses ng anak.
Isinuot na nya ang bag, "Ito na nga!" padabog syang naglakad, "Buhay ko, oo..." at masama ang loob nyang binuksan ang pintuan.
"Wow~" napaiwas sya ng tingin nang makita ang tatlo na gulat sa itsura nya, "is that you, Daddy Bok?" tanong ni Peanut butter.
Pinamulahanan si Rhianne, "D-Darling ko~" nautal ito saka lumapit sa kaniya, "mukha kang merlat-chi!" sinmaan nya ito ng tingin, "H'wag kang bumusangot!"
Umayos sya ng tayo, "Tangina ha," bulong nya dito, "wag mo akong pi-picture-an." pagbabanta nya pero walang epekto iyon sa mga may tililing.
Tinusok nito ang tagiliran nya, "Ihhh~ isa lang. Ayusin nga natin ang shirt mo." anito at kinurot pa ang pisngi nya, "Bagay naman sa iyo, Darling ko~ hindi masagwa ano ka ba."
Umirap sya, "Pinagsasabi mo." inakay nya ang dalawang bata, "Tara na umalis." at iniwan nila si Rhianne pero agad din itong humabol.
"Wait!!" tili ng vakla, "Picture muna with babies!" at inunahan pa nga sila nitong makalabas, "Dali! Doon sa Garden natin para maganda."
Umasim ang mukha nya, anong picture picture? Nakakahiya ang suot nya ngayon noh. Hindi pwede. Hindi pwede!!
"Ayoko."
Nakalabas na sila ng bahay, "Ihh...sigi na." pinilit pilit sya nito.
"Ayaw ko nga."
Pinagkrus nito ang braso, "Alam mo, Darling ko~ may lunch pa naman akong iniluto para sa'yo. Kaso parang 'wag na lang, ibibigay ko na lang kay Lilith." sumingkit ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.
"Tara na pala, Jelly, PB." inaya nya ang dalawang anak sa garden saka nya inayos ang buhok. Gago 'tong si Rhianne lakas mang motivate amp.
"Bilisan mo nga, ano bang ulam?" inip na inip sya, pero nagpose pa din sya para makontento na si Rhianne.
BINABASA MO ANG
Switch Series 2: Sincerely Yours,
HumorSimple lang naman ang buhay ni Ricky Boy Vedenin o mas kilala na Rhianne, wala naman syang ginagawa kundi ang magdilig ng kaniyang mga halaman, manahi, mag inarte at magpatirik ng sariling mata. Sa di nya inaasahang pagkakataon ay nakakilala sya ng...