CHAPTER 9

1K 66 20
                                        

Ang majitim na balak (4)

🌻🌻🌻

Coffee Shop
10:00 AM

"Hihi~"

Napahagikgik ang makyonding si Rhianne matapos nyang mag back read sa message box nila ng 'Darling' nya. Dalawang araw makalipas ng pangyayaring ipinakilala sya nitong jowa at sa hindi inaasahang panaho'y napilitang hinalikan din sya.

Hinalikan sya ni Bok.

"Ihhh~" muling kumerengkeng ang vakla.

Naalala nya kung gaano kalambot at kasarap ang labi na iyon ni Bok. Mariin at tumagal ng limang segundo ang pagdikit hanggang sa pinaghiwalay sila ni Juliet at muling nasampal si Bok sa kabilang pisngi, sinunod sya nitong sampalin ngunit wala naman syang naramdaman bagamat litang pa'rin sya sa ginawa ng mapusok at kapangahasan ni Bok.

Matapos din noo'y kinausap sya ni Bok at ipinaliwanag ang kaniyang nagawa ngunit sadya oh giliw, wala syang naintindihan sapagat buong araw nyang inisip ang paglapat ng uhaw nyang labi sa labi ni Bok. Para syang naka high at hindi nakapagsalita ng matagal, umaasang gagawin ulit iyon ni Bok sa kaniya pero ang gusto nya ay yung mas wild sana.

Araw-araw, katext nya ito at masaya ang puso nya kapag nakakausap nya si Bok, wag nga lang makita ni Jelly.

"Bes, kanina ka pa tumatawang mag isa dyan." ani Lyn habang magkasalubong ang kilay, nag aayos ito ng fez nyang hindi naman na maayos.

Weird naman syang tinignan ni Tim, "Kaya nga, may problema ba sa mga itsura namin?" tanong nito.

Kasama nya ngayon ang tatlong kaibigang kauri nya sa isang Coffee shop, as usual inaya sya at nagpalibre.

Inayos nya ang orange scarf sa leeg, "Ihh..." he wheeze, "Kayo naman, wala ito." ipinilantik nya ang mga daliri saka itinago ang phone sa pag aaring orange clutch purse.

Tumaas ang kilay ni Jen, "Wala? Bakit namumula 'yang pisngi mo?" itinuro nito ang pisngi nya.

Nanlaki ang mata ni Rhianne, "H-Huh?" itinuro nya ang sarili, "N-Nagb-blush akis?" inagaw nya kay Lyn ang hand held mirror at nakumpirma nyang pulang pula nga ng mukha nya.

Pinagdikit nya ang labi habang nilulubog ang sarili sa upuan. Lagi syang nagb-blush kapag pinagnanasaan nya si Bok--char.

"Blush?" umurong ang ulo ni Jen, "Baka..."

Hindi na nya napigilan ang sarili, "Ihhhh!" napapadyak sya na ikinagulat ng mga friends nya, "Ang Darling ko kasi ih!" asar na asar nyang sambit na may kasamang kalandian.

"Huh?" naguluhan ang tatlong vading, "Darling?"

Nakatakip ang bibig syang umayos ng upo, "Ay oo..." iniipit nya ang buhok sya likod ng tenga, "May bago akong...boyfriend. Hihi~" pagbubunyag nya.

Boyfriend nya si Bok, bakit ba.

"What!?" bulalas ng tatlo.

"Meron nanaman?" di makapaniwalang sambit ni Lyn.

Umurong ang ulo ni Tim, "Move on ka na kay Tyrone?"

"Ihh, tagal na bes." ipinilantik nya ang daliri, "Saka, uu nga. May boyfriend na ulit ako." tinaas baba nya ang kilay.

Ito talagang mga friends' nya, majirap bang paniwalaang madali syang maka move on at makapagjowa ulit? Wiz, ang ganda ganda nya, di katulad ng iba dyan.

"May picture ka?" dinukwang sya ni Jen, "Patingin kung gwapo."

Nilakhan nya ang butas ng ilong, "Warex!" agad nyang tugon at kinipkip ang clutch purse, "Wala akong picture nya..." nakangusong nyang sambit.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon