A Mommy's Duty (2)
🌻🌻🌻
Napakalapey-kalapey ang vaklang si Rhianne matapos nyang masaksihan ang kabilib bilib na kagalingan at katalinuhan ni Peanut butter. For the first time in forever ngayon sya nakakita ng ubod ng talinong bata, nahiya ang kapuringgit nyang brain sa utak ng batang itwouh.
"Very good naman ang baby PB ko~" mangha nyang sambit at pinanggigilan ang pisngi ni PB, "Ang galing na sumulat at bumasa, mana ka sa'kin! Brainy!"
Parehas silang nakasalampak sa carpet sa kanilang malaking living room, noong una gusto nyang i-tutor si Peanut butter ngunit nang bigla sya nitong iningles ng dire-diretso, nahiyang tunay ang brain nyang ga langgam lang ang laki. Mukhang sya ang tuturuan ni Peanut butter, kung paano maging tao.
Sabado ngayon at wala itong mga pasok, si Jelly hindi nya alam kung nasaan. Kinakabahan nga sya e, baka naghahasik na ito ng kaattitude-an sa bahay nya.
"Really, Mommy Ricky?" walang emosyong sambit ng bata at binalik ang tingin sa ginawa, "Thanks."
Napatakip sya ng bibig, "Hihi~ ang cute mo." napanguso sya at inayos ang robang kulay kahel, "Saan ka naman natutong mag-English speaking?" tanong nya, curious din sya kasi itong si Bok Pilipinong Pilipino ang salita mukhang allergic sa salitang ingles, ganern.
Sumingkit ang mata ng bata, "Hmm...I read books po and sometimes I use to browse on the internet." anito habang nakaturo ang ballpen sa chin.
Pumalumbaba ang vakla sa lamesa, "Ahh...ano pa ang alam mong salita?" tanong nya ulit at tinitigan ng husto ang bukod na pinagpalang batang si Peanut butter.
Kung tutuusin kasi, mukha naman talagang matalino si Peanut butter. May salamin kasi itong suot, pero wala namang grado. Naisip nya siguro na trip lang iyon ni Peanut butter. Nakakatalino nga kapag may eye glasses, sya nga din minsan magsalamin para ma-attract ang Darling nya.
"Russian Central dialect, Italian-the Tuscan dialect, and Mandarin Chinese." kumibot kibot ang isang mata nya sa narinig mula sa maliit na bibig ng batang nasa harap nya, "Now po, I'm studying Polish which is the most popular language in Poland. But I'm not saying I'm that fluent with those languages Mommy Ricky, I mean, I can understand and of course the basics."
Naramdaman nyang kumirot ang sentido nya, "Juice colored." pinamewangan nya ang bata habang hinihilot ang sentido, "Ilang taon ka na ulit?" hindi sya makapaniwala kay Peanut butter.
Jusq, para sa kalaaman nya ang mga salitang iyon ay mahihirap aralin. Alam nya ang salita sa Russia sapagkat doon sya tumira noong bata pa sya. Itong si Peanut butter, nakakahiya talagang tumabi sa batang ito pero naalala nya lang, wala naman syang hiya.
"Five years old po." then he show his hand with five finges up.
Mahilo hilo nyang pinrocess ang mga nalalaman, "Syetness...sumasakit ang ulo ko." aniya at hinawakan ang magkabilang braso ng bata, "Peanut butter, magtapat ka nga sa'kin." may pananakot nyang sabi.
"Ano po?"
Sumingkit ang mata nya, "May sanib ka ba?"
Naguluhan si PB, "Po?"
Napabuga sya sa hangin at hinimas ang baba na tila nag-iisip, "Oh hindi kaya, mga twenty years old ka na talaga." minulagatan nya ng mata ang inosenteng bata, "Or mayroon kang nakikitang mga bagay na hindi kez na kikita?" tinitigan nya noo-han ng bata. Baka may secret eye itong itinatago.
"What do you mean Mommy Ricky?" tumayo si PB at nilapitan sya.
He tap his forehead using his mapilantik na fingers, "May third eye ka ba?"
BINABASA MO ANG
Switch Series 2: Sincerely Yours,
ComédieSimple lang naman ang buhay ni Ricky Boy Vedenin o mas kilala na Rhianne, wala naman syang ginagawa kundi ang magdilig ng kaniyang mga halaman, manahi, mag inarte at magpatirik ng sariling mata. Sa di nya inaasahang pagkakataon ay nakakilala sya ng...