CHAPTER 58

511 28 8
                                    

A Family (3)

🌻🌻🌻

"Shutanginan-chi kayez, magjijinom nanaman ba tayiz?" tanong ni Shakira sa mga vaklang twouh.

Sa maliit na Garden nila Bettina nagkatipon ang mga vakla ng taon-chi. Naroon at nakaupo ng pabilog sa upuan sila Shakira, Bettina, Patricia, Rosie, Ritz, at Rhianne. Sila Riri, Mia at Tricia kasi ay nag iihaw sa gedli. Hapon at hindi pa madilim ang kalangitan, nag aya si Rhianne nabisitahin si Bettina ngunit gulat ang mga vakla nang may magdeliver ng ilang bote ng vodka at ready to cook na mga pagkain at pamulutan.

"Eh ano pa ngels?" huminga ng malalim si Rosie, "Marami sa ating sadghurls at hanash tadahy. Makisama atashi." aniya at pinagngunguso ang mga sadghurl na si Bettina at Rhianne.

"Of course, damayan ang mga friendsters. Nakakasadghurl naman tologo." sumangayon si Patricia at tinapik ang balikat ng kaibigang si Bettina, inayos din nya ang gulo gulo nitong buhok. Nag aalala din sila at hindi ito gaano kumakain.

"Tricia-girl, you're ruining the meat. That's wrong! It's against the law of cooking." rinig nilang pinagalitan ni Chef Mia si Tricia kaya naman napatingin sila doon. Ang vaklang itwah kasing pala experiment pinalakas ang baga sa ihawan at nag apoy iyon.

Hawak ni Mia ang pulsuhan ni Tricia at tila pinipigilan sa balak na gagawin, "Why not? Stop touching my white clothes! It's also against the law of medicine!" banat naman nito at inirapan ang vaklang pink ang long hair.

"Haluh, meganorn?" napatakip ng vivig si Ritz sa kaniyang mga narinig.

"Nag aaway na pu ang dalawang vaklang feeling pretty, it's against the law of being beautiful!" malakas na sabi ni Rosie, "Don't fight!"

"Vakla talaga dai..." pinaliit ni Ritz ang ilong at nabahalang tumingin kay Rhianne na nakatitig lang sa malayo at nagsisimula ng uminom, "Respeto naman sa mga broken uy! mag hunus dili kayo!"

"Ay nagsalita ang vaklang pusit." pagpaparinig ni Shakira.

Hindi papaawat si Ritz, "Nagsalita ang vaklang higad."

"Gusto mo din mag away tayo?"

"Ikaw, ano ba ang gusto mo? Sabunutan?"

"Shut up, you two! We're fighting and you're fighting? It's against the law of fighting!" muling masamang tinignan ni Tricia si Mia na inagaw pa sa kaniya ang tongs.

Nagkagulo na sa Garden at hindi na malaman ni Riri ang gagawin kung aagawin nya kay Mia ang tongs kasi malapit ng masunog ang mga karne or hahayaan nalang nya sila. Walang pakealam si Rhianne, ganon din si Bettina na tulala sa malayo at malalim ang iniisip.

Umirap si Rosie, "Alam nyo, mga pukares kayong mga vakla." gigil nyang saad, "Mga salot talaga." doon ay napunta sa kaniya ang atensyon ng lahat.

"Aguy, nahiya naman ako sa hindi bakla dito, may bilat ka dai?" hiyang hiya si Ritz at humawak pa sa dibdib, sukat ininsulto ang sangkabaklaan.

"Oo bakit? Inggit ka?"

Nanlaki ang butas ng ilong ni Ritz, "Bilat bilatan lang iyan, uy! Wala pa man may bukol na!" itinuro nito ang ibaba ni Rosie, nakapekpek shorts kasi ang malanding shoklaa.

"Potarages!" napatayo at umamba ng sampal.

Nakangiwi namang sumabad si Mia, "Really? Rosie??"

"Bakit ba ang iinit ng ulo nyels?" nagpaypay si Shakira gamit ang mapilantik na kamay, "May mga dalaw ba kayels?"

Dahan dahang naupo si Rosie, "Itong si Mia-ghorl minamata ako, tahimik ka lang noong Series 1 ah bat nagmamaasim ka na ngayon?" nagtataka lang sya dahil dumadami ang ganap at mga dialogue ng vaklang si Princess Bubblegum.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon