CHAPTER 6

1K 59 34
                                    

Ang majitim na balak (1)

🌻🌻🌻

Magkasalubong ang mga kilay ng magkumareng si Ammira at Rosie nang pang singkwentang tawag na nila sa vaklang di-sampal ay hindi sila nito pinansin at nanatiling nakatulala sa malayo. Nasa living room sila ng boutique nito at nagkakamustahan habang busy sa pag aasikaso ng costumers ang mga trabahador ni Rhianne.

Malaki ang boutique nya at iba't ibang shade ng orange ang theme. Marami din syang costumers' ngayong araw pero tila wala syang pakialam. Napansin iyon ng dalawa nyang kumare at bwiset na bwiset ang dalawa kasi nga hindi man nagsasalita si Rhianne.

Nang matitigan nila ito ay paminsan minsang tumitirik ang mata kasabay ang mahinang pag hagikgik. Akala mo binabayo ang vakla.

"Hoy vakla!" tawag ni Rosie at hinampas pa ang mesa ng bahagya.

Nanlaki ang butas ng ilong ni Ammira, "Mare!"

Kitang kita nilang nangiti si Rhianne at inilagay ang magkadikit na palad sa pisngi habang nakatingin sa malayo.

Napangiwi si Rosie at sumandal, "Kanina ka pa tulala...vaklang twouh..." tumaas ang sulok ng kaniyang labi.

Tumaas ang isang kikay ni Ammira nang makaisip sya ng bright na idea, "Mare, may gwapo oh!"

"..." Ngunit hindi sila pinansin ni Rhianne. Nanatili itong nakangisi at animo'y nalulunod sa kahibangan.

Napatingin si Rosie kay Ammira na katabi nya lamang sa upuan, "Ay walang palag." pinagkiskis nya ang dalawang palad ng may panggigigil, "Sampalin ko kaya?"

Tumingin sa kaniya ang kumare na kating kati na din ang palad, "Sampalin natin ng sabay."

Sumingkit parehas ang mga mata nila, "Jisa, krolawa..." inihanda nila ang palad at lumapit sa vaklang di-sampal.

Bumwelo sila, "Shotlo!" at sabay nilang sinampal si Rhianne sa magkabilang pisngi.

Para itong nabingaw, "Aray naman!" mangiyak ngiyak itong tumingin sa kanilang dalawa at hinaplos ang pisngi, "Whyness ba?" pinalungkot nito ang labi habang namumula ang dalawang pisngi.

Umayos sya ng upo at naiiyak tiniganan ang dalawa nyang kumareng mahilig manampal ng ka-tsismisan. Nasaktan ang fez nya sa lakas ba naman ng sampal ng dalawang iyon.

"Tignan mo nga." sabay naupo si Ammira at Rosie sa tapat na sofa ni Rhianne, "Kung 'di pa sampalin..."

Napanguso sya sa sinabi ni Rosie ang ganda ganda ng day dream nya, luluhuran na ba naman nya si Bok tas bigla syang nakaramdam ng mag asawang sampal.

Kinipkip ni Ammira ang bag at dumikwatro, "Mare, ano bang iniisip mo dyan?" tanong nito at sumipsip ng orange juice, "Si Tyrone na juts pa din ba?"

Naikwento naman nya sa mga kaibigan ang pangyayari, pati ang pagkajuts ng sinungaling, manloloko at walangyang si Tyrone na ex nya.

Dinuro sya ni Rosie, "Shunga kasi ng putanggra, sinabi ko naman kasing juts ang notes noon. Hindi naniwala sa'kin." paliwanag nito at inirap irapan sya.

Humaba pa ang nguso nya, "Hmp." ungot nya at inayos ang suot na spaghetti strap dress, "To see is to believe the notes kasi..." paliwanag nya at inayos din ang orange nyang scarf.

Naiistress syang dinuro muli ni Rosie, "Alam mo, punieta ka." napanguso sya, "Ang sakit mo sa anit."

"Hindi naman kasi sya ang iniisip ko..." pinagdikit nya ang labi at itinirik ng slight ang mata, "Hihihi~"

Nagkatinginan si Ammira at Rosie. Bakit ba e kinikilig sya. Iniisip nya kasi si Bok, iniisip nyang naghohoney moon na sila sa isang pula, malawak at mainit na kwarto. Char.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon