CHAPTER 62

603 40 17
                                        

WISH (2)

Alive

🌻🌻🌻

It is 4 o'clock in the evening. Nakahinto ang sasakyan ni Rhianne malapit sa gate ng mga Tubig, naisipan nyang dumaan dito matapos ang isang linggo na umalis sa kanilang bahay si Bok. Gusto nya lang ito muling makita, sa huling pagkakataon gusto nya lang din malaman ang kalagayan nito sa kanila, kung masaya ba ito.

Sa nakikita nya ngayon, oo, masaya si Bok. Masayang masaya ito sa piling ng mga magulang at kapatid. Pinanonood nya ang pamilyang Tubig na kumain sa labas ng bahay, ang saya naman nila. Naisip nya na sana pala ginawa na nya ito ng maagang panahon.

Tama nga sya ng desisyon, siguro makakalimutan na din sya ni Bok. Hindi naman sya ganon kahirap kalimutan, sino ba naman sya. Hindi naman sya gaanong kaimportante. Sa kabilang banda ay nakaramdam sya ng inggit, sana ganito din sila ng pamilya nya noh? Sana naging ganito sila kasaya.

Kaso hindi e, hindi na pwede at hindi na ito mangyayari sa buhay nya. Saan at kailan sya makakaranas ng ganito? Yung ganon sa dati na magkakasama sila ng kambal, kasama si Bok? Hindi na, hindi na siguro.

Gamit ang scarf nyang suot ay pinunasan nya ang basang pisngi. Ang sakit sakit talagang maglet go at mag move on, pero hindi naman sya nagsisisi sa mga desisyon nya sa buhay. Kung walang nakalaan talagang tao sa kaniya, edi okay lang din.

Okay lang na maging mag isa syang muli, okay lang.

Mag isang nagdidilig ng halaman si Rhianne, maaga kasi syang nagising at hindi na nakatulog kaya maaga din syang natapos sa paglilinis ng buong bahay. Kakatapos lang din nya magvaccuum sa loob at maglinis ng bakuran, mag aalas syete pa lang ng umaga.

Pagkatapos noo'y mag isa din sayng nag uumagahan, bakante ang tatlong upuan na kasama nya. Nilukot nya ang ilong nang may maalala, ganito din naman say dati, masasanay din syang muli.

Muli nyang pinagpatuloy ang pagkain, mabilis lang iyon at naghugas na din sya ng pinggan. Masasanay din syang muli.

Uulitin nya, masasanay din sya.

Kinahapunan, maagang nauwi si Rhianne galing trabaho. Hindi nya muna gustong mag overtime sa work at marami pa syang aayusin. Pagdating nya sa loob ng kaniyang bahay ay bumungad sa kaniya ang nakakabinging katahimikan, sobrang tahimik.

Iginala nya ang paningin sa buong bahay, walang tao at sya lang. Sya lang mag isa ang nakatira dito. Ipinilig nya ang ulo at nagtungo na din sa kwarto, ganito naman sya dati. Wala naman nga syang problema noon..

Pagkatapos nyang maligo, nagpalit na din sya ng pantulog na damit. Matapos ang night routine nya ay nahiga na din sya sa malaki nyang kama, mag isa. Nakatitig lamang sya sa kisame at nag isip ng mga bagay na pwede nyang isipin para naman maging maganda ang gabi nya, pero wala e, aminado syang habang tumatagal, nalulungkot sya.

Wala sa sariling kinapa nya ang kaliwang bahagi ng kaniyang kama at tulalang humarap doon.

"Hmm..." isang malalim na paghinga ang kaniyang ginawa at hinaplos ang bahaging iyon ng kama.

Nakikita nya kasi yung taong kasama nyang matulog dito tuwing gabi. Lagi pa itong unang nakakatulog sa kaniya habang yakap sya, tapos sya naman tititigan lang ito hanggang sa dapuan na lang din sya ng antok.

Ginagawa nya pa din iyon kahit wala naman ito sa tabi nya, hanggang sa makatulog sya at magising din sa katotohanan.

🌻🌻🌻

It is 9 o'clock in the evening, Rhianne is in his house's balcony sipping wine and he's staring at the stars from above. There are so many stars in the sky, there are big and there are small, some are just right in size. He wonder why stars shine or light brightly, he wonder how it looks closer.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon