CHAPTER 30

1.1K 58 36
                                        

Chances (7)

🌻🌻🌻

Napabuga na lamang si Bok sa hangin habang malayo ang tingin. Hawak hawak nya ang hose na patuloy sa pag agos ang tubig. Ala una ng tanghali, tirik na tirik ang araw at medyo tumatagaktak na ang pawis nya dahil mag te-trenta minutos na syang naroon sa garden.

Nakasuot sya ng pulang tank top hoodie at itim na boxers, nakayapak lang sya at damang dama ng paa nya ang basang lupa. Nilukot nya ang ilong at inayos ang hoodie.

"Matutuwa naman siguro dito si Ricky..." nagbuntong hininga sya at naging diretso ang tingin, "Mapapansin na nya ako, siguro?" tumaas ang isa nyang kilay at napaisip kung tama nga ba ang ginagawa nya ngayon.

Umirap sya at itinodo ang hose, "Oo naman. Sipag ko noh."

Iniigting nya ang panga at naging masama ang tingin sa mga halaman, "Diligan ko sya d'yan araw araw." nanggigigil nyang sambit, "Tignan ko lang kundi tumir-"

"Daddy Bok!" natigilan sya sa pagkausap sa sarili nang itinili ni Jelly ang ngalan nya.

Naging maamo ang mukha nya nang tumingin dito, "Po? Jelly-pot?"

Nakita nya ang anak na malayo pa lang ay tumitili na patungo sa garden, "I have something to tell you!" masaya nitong sabi at namumula pa ang pisngi, "I sing--Oh my goodness!"

Parehas silang natigilan ni Jelly. Naguluhan sya nang makita ang reaksyon nito, tila ba nalugi sa ginagawa nya.

"Daddy Bok! W-What have you done!?" naiiyak nitong sigaw at bumwelo bago tumili, "Mommy Ricky!!!! PB!!!!!"

Pagtapos ng matinis na tili ng vatang itwouh ay nagsilabasan sa bahay si Lilith, Peanut butter, at si Rhianne na mukhang kaliligo lang.

"H-Huh?" mas lalo syang naguluhan nang makita ang luging luging nga reaksyon ng apat.

"Santisima..." bulong ni Lilith na natulala sa ginawa nya.

Peanut butter put a palm on his forehead, "Ohh...precious crispy fried chicken."

Naiinis syang pinamewangan ni Jelly, "Why did you make lunod to the halamans!?" tanong nito at tinignan pa sya ng masama habang patuloy sa pagtulo ang tubig sa hose, "I plant those pink roses! No no no!" kahit maputik ay nagtatakbo si Jelly upang puntahan ang kaniyang bulalaklak na tinanim.

Dahan dahan syang napahawak sa batok nang makita ang hindi maipaliwanag na reaksyon ni Rhianne, para itong namatayan, "S-Syetness..."

PB heavily sighs, "I work hard for that bonsai." itinuro nito ang dish garden bonsai na sya mismo ang nagdisenyo, punong puno iyon ng tubig sa paso.

"Putangina..." iyon na lamang ang salitang lumabas sa kaniyang bibig.

Nilapitan sya ni Lilith at kinuha ang hose, "Kuya Bok! Jusq! Hindi itong garden ang pool!" naiistress nitong ipinaliwanag ang sitwasyon, "Nasa backyard po ang pool!"

Gustong gusto nyang saktan ng sarili, "A-Ahhh..." naging malikot ang tingin nya nang lumapit pa si Rhianne sa harap nya, "p-pasensya na...akala ko..." naubusan sya ng sasabihin nang makita ang walang emosyon nitong mga mata.

"Ano?"

"M-Matutuwa ka, R-Rhianne." utal utal nyang sagot at humawak sa isa nyang braso.

Alam nyang pinipigilan lang nito ang galit, "Pagod ka diba?" seryoso ito sa tanong at nakaramdam sya ng takot sa katawan, "Magpahinga ka." pagkatapos nitong sabihin ang pangungusap na iyon ay nilisan na ang garden.

Nagsisunuran dito sila Lilith at Jelly na dismayadong dismayado sa ginawa nya.

"Hindi naman ako pagod ah..." naibulong nya sa kawalan at nilaro laro ang tubig gamit ang paa.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon