Chances (2)
🌻🌻🌻
"Darling ko~"
Parang butiking nakapalkat sa pader si Rhianne kasabay ang pagkendeng. Alas nuebe ng gabi, tulog na ang mga bata kaya magagawa nanaman nya ang majitim nyang balak.
Nakasuot sya ng suspender belt, thongs, triangle bra, at stockings na hanggang tuhod syempre puro kulay orange iyon. Kalkbili nya lang iyon sa Victoria Secret kaya kailangan hindi sya humopia kasi ang mahal noon, syet pwede naman sana sa shoppee nalang sya umorder pero dahil mahal nya ang Darling nya~ alam na.
"Ano?" hindi sya pinansin ni Bok at nakakunot lang ang noo nito habang kaharap ang laptop na bigay ni Rhianne. Nakasuot sya ng boxer at puting t-shirt at nakaangat ang manggas hanggang balikat.
Bumungisngis ang vakla, "Papasok na ako ha?" inihakbang nya ang mahabang biyas.
Nanatali ang atensyon ni Bok sa laptop, "Wag kang pumasok." aniya at pinagsalubong ang kilay, "Bawal bakla dito."
Tinakpan ni Rhianne ang vivig, "Ihhh~" kinikilig nitong pinatirik ang mga mata, "sigi na, magugustuhan mo naman ito." sabi pa nya at sinagad pa ang suot na suspender belt sa bewang.
Maganda ang pagkakaipit nya ngayon at mukha syang may kifi. Siguradong sigurado syang maloloko si Bok sa kaniya ngayong gabi.
"Ewan ko sa'yo." umirap naman ito at hindi sya tinignan, "Wag kang maingay nagrereview ako." seryoso nitong sabi at itinaas ang paa sa swivel chair.
Ngumingisngis na umupo si Rhianne sa kama, "Gusto mo tulungan kita?" naglalandi nitong suhestyon ay sininubo ang lollipop.
Nanlaki ang butas ng ilong ng pinakamamahal nyang Darlington, "Hindi, lumayas ka na."
Desididong umiling ang vaklang butiki at inalis ang lollipop sa bibig, "Ayaw. Dito lang ako." tugon nya at dumikwatro pa kasabay ang pag ngisi, "Motivation mo hihi~" itinirik nya muli ang mga mata sa kaniyang pagsubo ng lollipop.
"Tsk." umirap na lamang si Bok at itinuloy ang ginagawa.
Hayop na Rhianne 'to, nagpapakatino sya tapos mamumwiset. Napakamahilig sumira ng mood ng baklang iyon, imbis na mag-aral syang mabuti ay tatamarin sya sapagkat may isang malaking haliparot na bakla sa kwarto nya.
Totoo. Nagrereview sya kasi nga may professor silang mahilig mag pasurprise quiz kaya naman kailangan ay handa sya. It's time to be genius, ganorn. Ilang segundo pa ang lumipas ay naging tahimik ang buong kwarto. Lilingunin na sana nya si Rhianne baka tumirik na ang mata pero naunahan na sya ng boses kiki nito.
"Darling ko~ pwede ka nang tumingin hihi~" bungisngis ng pamintang haliparot.
Napabusangot si Bok, "Ano nanama--" tila bumaligtad ang sikmura nya sa nakita, "P-Putangina! Dugyot!" malutong nyang mura at tinakpan ang mga mata.
Naging mabilis ang tibok ng puso nya. Para syang binabangungot, putanginang Rhianne 'to. Nakatuwad ito ng bongga sa kama nya at una ang pang upo at nakabukaka pa ang putangina. Hindi nya kaya.
Tumuwad pang parang professional itong maharot na si Rhianne sabay bungisngis, "Tignan mo muna kasi, makapagreact Darling ko~" aniya at nilingon si Bok.
Namumula ang buong mukha nito habang nakatakip ang dalawang kamay sa mata.
Dahan dahang inalis ni Bok ang kamay habang todo ang ngiwi, "Kadiri!" napamura pa sya ng ilang beses at tumayo, "Umalis ka na nga!" aniya at initsahan ito ng unan sa pwet.
Putanginang 'yan. Para syang nakakita ng multo. Ilang espirito nanaman ba ang sumanib sa may tililing na ito?
Kinagat nito ang labi, "Ano ka ba, inspiration ang tawag dito." tinapik ni Rhianne ang pisngi ng pang upo at kumindat, "Magreview ka na dyan dito lang ako. " inayos pa nito ang pagkakatuwad.
BINABASA MO ANG
Switch Series 2: Sincerely Yours,
HumorSimple lang naman ang buhay ni Ricky Boy Vedenin o mas kilala na Rhianne, wala naman syang ginagawa kundi ang magdilig ng kaniyang mga halaman, manahi, mag inarte at magpatirik ng sariling mata. Sa di nya inaasahang pagkakataon ay nakakilala sya ng...