Abuse (1)
This chapter is dedicated to savage_green, my lovely sunflower. Thank you so much!
Raw. Unedited.
🌻🌻🌻
Nakatungo lang si Bok sa arm chair hanggang matapos magturo ang kanilang professor, last na klase na nila ito ngayong umaga at wala na syang energy. Ito lang ang kilala nyang prof na napakagaling magturo at hahangaan mo kaso hindi mo maintindihan nga lang ang mga pinagsasabi.
Yung iba kasi nilang professor sobra syang nabobored kaya minsan tinutulugan lang nya. Yung iba naman lagi nagkukwento ng buhay nila, tapos minsan beast mode kaya mapipilitan ka na lang. Isa pa, si Jojo ang pinsan nyang uto uto ay ngayo’y sumisipag na dahil kay Chalondra. Subukan lang talga nito magloko ay iu-uncouzin nya ito.
"Alright class, be prepared and goodluck for your finals next week." napadiretso sya agd ng upo at pinanlahikahan ng butas ng ilong, "Do your best! Padayon!" sambit ng kanilang professor sa masaya at may pag-uudyok.
Nagsitayuan agad ang mga kaklase nila kaya nakigaya sya, "Thank you, sir!" sabi ng mga ito at tunay na sya ay natarantang hinarap ang love birds matapos umalis ng kanilang professor.
"Tangina, next week na ba agad?"
Gago, parang kailan lang ay naglalandian lang sila ni Rhianne tapos malapit na pala ang exam. Ang lakas magtime lapse sa istroyang ito, paksyet.
Tumango si Chalondra, "Yeah. Sama ka ba sa amin?" nagsalubong naman ang mga kilay nya.
"Bakit?"
Sumagot si Jojo, "Magpapatutor ako sa kaniya, couz." napaurong kaagad ang ulo nya, "Sama ka?" pero pakiramdam naman nya ay seryoso ang pinsan na.
"Tutor? Di ako naniniwala." umiling sya at kinuha na ang bag. Tutor? Kailan pa natutong magpatutor ni Kailan Tubig?
Sinamaan sya nito ng tingin, "Totoo nga, gago gusto ko pumasa!" mahina nitong sinuntok ang brasp ny nang maglakad sila palabas ng classroom.
Napabuntong hininga sya, "Ako din." gusto nya pumasa, "Kailan ba?"
Mukhang kailangan nyang maging matalino ngayong finals, ngunit saan sya hahanap ng katalinuhan? Dahil ngayong mismo ay kaya nyang aminin na hindi sya matalinong tao at ni minsan sa buhay nya ay hindi pa sya nagkakaroon ng honorable mentions puro mga awards lang dahil inilalaban sya pagdating sa pagpipinta. Doon lang sya nagiging proud sa sarili nya, sa pagpipinta. Pero pagdating na sa pagalingan usapang academics, wala naman syang ibubuga.
"Bukas." sagot nito.
Siguro ay papayagan naman sya ng boss nya, pass muna sya sa night shifts, "Oh sige, magpapaalam ako kay Ricky. Anong oras?" binunot na nya agad ang cellphone.
Medyo nagulat pa si Jojo sa sinabi nya, "Magpapaalam ka pa." umiling ito at nginiwian sya, "Bukas ng tanghali, pwede ba gumawa ka na din ng reviewer."
Hinawakan sya ni Chalondra sa balikat, "Don't worry, Bok." tinapik sya nito, "I'll send it to you." nginitian sya nito for assurance, sabagay kailan ba sila pinabayaan ni Chalondra, never.
"Reviewer...baka kodigo?" pagbibiro nya.
Agad umiling ang guilty nyang pinsan, "Gago...hindi!"
"Tss..sige sige."
"Tara lunch?" pag aaya ng kaniyang soon to be bilas sa pinsan.
Umismid sya at hinigpitan ang kapit sa lunch box, "Tss...kayo na lang dalawa." sabi nya, "Ayaw ko maging third wheel." sa totohanan, oo din. Hanggang ngayon kasi hindi pa din kapanipaniwala ang mga nangyayari sa paligid nya.
BINABASA MO ANG
Switch Series 2: Sincerely Yours,
HumorSimple lang naman ang buhay ni Ricky Boy Vedenin o mas kilala na Rhianne, wala naman syang ginagawa kundi ang magdilig ng kaniyang mga halaman, manahi, mag inarte at magpatirik ng sariling mata. Sa di nya inaasahang pagkakataon ay nakakilala sya ng...