Together (1)
This chapter is dedicated to donnuhmei, isa din sya sa mga active since SS1CY! Shoutout sa'yo gh0rl! Thank you~ 🥰
-🌻💕
Raw. Unedited.
🌻🌻🌻
"Saan ba tayo pupunta, Sexy?" tanong ni Bok kay Rhianne.
Nagd-drive ito habang sya naman ay nakaupo sa passenger's seat at nakatitig lang sa kaniyang Darling.
Napasingkit ang mga mata nya, "Hmm..." pinagdikit nya ang dalawang palad at sumandal sa bintana.
Paano nya ba sasabihin?
Sinulyapan sya nito, "Saan?"
Dumikwatro sya, "Darling ko~" tumuro sya gamit ang mapilantik na daliri, "Pakiliko na dyan." maarte nyang sambit at ginamit din ang daliri sa paa pang turo.
Agad naman syang sinunod ni Bok, "Dito? Saan nga tayo pupunta, puro ka turo." may konting konting inis nitong sabi.
Napanguso sya, "Shshh!" masungit nyang sambit at umirap, "Sundin mo na lang ang girlfriend mong sexy." pagtaas ng kilay nya at itinaas nya din ang dress hanggang sa hita.
Ngunit hindi taglibog ngayon si Bok, "Tsk." she click her tongue, "Ayaw pang sabihin."
Nanlaki ang butas ng ilong nya, walang epek ang mga panlalani nya ngayon araw sa Darling, aba'y kunalimutan sya nitong diligan so marami ng utang si Bok sa kaniya, "Shhhhsh...diretso pa tas kakaliwa na tayo."
"K."
Kita mo, iisnobin pa sya, "Hmp. Saan mo gusto maglunch?" tanong nya, syempre diba parang date na nila 'yon na sagot nya lahat basta driver nya iyo ganern.
Hindi na sya nito pinagkaabalahan tignan, "Sa bahay, ipagluto mo ako."
Napatingin sya sa bintana, syetness tumirik ng paibaba yung isa ng mata, "Ihh...ukie." sya pala ang gustong kainin for lunch ang saya naman, "grocery tayo after this." ngumisngis sya ng mahina, kinikilig ang bells nya.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" nabuhay ang kuryusidad nito, "Anong gagawin natin?"
Umayos sya ng upo, "Hmm..." tutal ayaw nya exactly sabihin, "sabihin na nating may pupuntahan tayong isang tao na matagal mo na hinihintay." sinikap nyang maging seryoso kahit palagi syang berat.
Kinagat nito ang ibabang labi at tila napaisip, "Talaga?" naiiling itong tumawa, "Exciting."
Tinitigan nya ang reaksyon nito, "Excited ka?"
Agad itong tumango ng maraming beses, "Oo naman, babae?"
"Oo."
"Tangina, baka naman ex ko pa 'yan." bigla naman itong naistress sa tono ng boses nya at kinagat ang isang daliri.
Sumama ang awra ng vaklang itwah, "Hindi. Hinding hindi ako papayag na nakikipagkita ka pa sa ex mo." this time, seryosong seryoso sya sa mga sinabi nya.
Namutla si Bok, "T-Talaga?"
Tumingan say dito, "Oo, Darlington~ subukan mo lang." iniigting nya ang panga at nanggigil sa loob loob, "Subukan mo lang at dudurugin ko iyang mani mo." mariin nyang sambit kaya mas lalong namutla si Bok at pinagdikit ang dalawang hita.
"Gago ka..." nagsalubong ang mga kilay nito, "mani ko ba makikipagkita."
May dapat ba syang malaman? "Ano bang malay ko na baka kinikilig ang tinggil mo kapag nakikita mo sila." aaminin nyang may pagkaselosa sya pero konti lang talaga mga gamani ni Bok ganorn.
BINABASA MO ANG
Switch Series 2: Sincerely Yours,
HumorSimple lang naman ang buhay ni Ricky Boy Vedenin o mas kilala na Rhianne, wala naman syang ginagawa kundi ang magdilig ng kaniyang mga halaman, manahi, mag inarte at magpatirik ng sariling mata. Sa di nya inaasahang pagkakataon ay nakakilala sya ng...
