CHAPTER 48

804 47 58
                                        

Abuse (2)

Ang chapter na ito ay dedicated kay ate ghorl jnmklsnchz, kasi madami syang tanong at kinakabahan ako sa mga tanong nya--witchikels watashi ma-answer.

This is only a short update. At sa susunod pang mga chapter ako talaga ay magde-dedicate sa mga ate ghuls na aking inspirationsss. Thanks!

🌻🌻🌻

“Nasaan ba yung notebook na ‘yon?”

Naghalungkat si Bok sa loob ng kaniyang bag habang magkasalubong ang mga kilay. Nasa loob sya ngayon ng classroom at wala silang ginagawa, medyo magulo sa loob at maingay ang kaniyang nga kaklase. Sibilyan ang kanilang mga suot at mayroong kaunting pintura sa kaniyang mga bisig at braso.

Nahanap na nya iyon, “Ito…putang’na…”

Hinahanap nya ang mga notes nyang isinulat para sa kanilang finals, ngunit sa kaniyang pagbuklat ng pahina ay may nakita syang nakasulat at sulat kamay iyon ng bata.

“Bok!!! Tara na!” sigaw ni Jojo mula sa labas.

Sumigaw din sya, “Teka!” nanlalaki ang butas ng ilong nya habang binabasa ang nakasulat doon na FLAMES, “Uno Aleksei Thompson, Jelly Vedenin equals…” kumibit kibot ang isa nyang mata.

Ano nanaman ito, Jelly? Bakit ka gumagawa ng mga sumpa!?

“…lovers?” padabog nya iyong ibinaba sa arm chair, “Putangina.”

Jusq, yung anak nya...makakaltukan nya talaga.

“Bok!!!” isa pang malakas na hiyaw ng pinsan nya.

Naiistress nyang hinawi ang buhok, “Aish! Jelly, papayag akong kahit sino ang mapangasawa mo wag lang anak ng kaibigan ko!” napahampas sya, “Ayoko!!”

Hindi nya kayang maging manugang si Chris Comatose!

“Bok!!”

Nanggigigil nya iyong ibinalik sa bag nyaz wag ng magreview,  “Tekaaaaa!” izinipper nya ang bag at tumayo, “Putangina…” nakasimangot syang nagtungo sa field.

Kailan pa natutong mag FLAMES si Jelly? Ang bata bata pa nito pero alam na ang lovers lovers na iyon. Sumasakit ang ulo nya, kakatok talaga sya mamaya.

Pagkapunta nya roon ay agad syang binungangaan ni Jojo, “Couz, ang tagal tagal mo!”

“Ito na nga oh, bakit ba?!” asar nyang tanong at umirap pa.

Sa sobrang pag iisip nya ay hindi nya napansing nasa harap na nya ang kanilang ginawang project, “Ta-da!” nagtipan sa dalawang gilid noon ang mga kagrupo nya at itinuro ang kanilang gawa, “Tapos na tayo!”

Napataas ang kilay nya habang naka krus ang mga braso, “Yehey!” nagkatuwaan ang lahat maliban sa kaniya, so tapos na sila.

Nag-inarte pa sya ng beri light, “E-Edi…” ano bang pwede nyang itugon doon?

Pinangunahan na sya ng pinsan, “Wow?”

“Tapos lang.” umirap sya.

Masaya sya na makitang masaya ang mga kagrupo nya at masaya sya kasi tapos na sila. Masaya sya, ayaw na lang sabihin at ipakita.

“Ngek!” napaurong si Jojo, “Maganda diba? tsak ko na mananalo tayo! Right, kosas?”  lumapit ito sa kaniya at inakbayan din sya.

“Sure win!” sabi ng mga ito.

Umiling sya, “Tss…” inalis nya ang pag akbay sa kaniya ng pinsan at ibinulsa ang dalawang kamay, “Pwede na tayong magreview. Goodluck sa lahat.” aniya at ngumit ng kaunti.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon