Chances (8)
🌻🌻🌻
Nakabusangot na pumasok si Bok sa loob ng ballroom hotel. Nakasuot sya ng half sleeve formal shirt na kulay burgundy kaya expose ang mga tattoo nya, relaxed pants, itim na derby shoes at wag kakalimutan ang bandana nya. May butil ng pawis mula sa kaniyang noo kakamadali na nagdrive at sumingit singit sa traffic.
"Putangina, Ricky nasaan ka ba?" bulong nya sa sarili at iginala ang paningin. Ang daming tao at ang gagara ng damit tamang tama lang ang suot nya para sa nabanggit ni Lilith.
Agad nyang kinalabit yung isang babae na naka itim na dress, "Ate! Nakita mo ba si Rhianne? Matangkad, sexy tapos maganda syang bakla pero mukang panabong." paglalarawan nya.
Tumuro ito patungong kaliwa, "Parang doon yata sya nagpunta."
Lumaki ang ngiti nya, "Salamat. Nga pala ang ganda mo din, saka ang laki ng boobs mo. Mahal na kita." tinaas baba nya ang kilay bago iwanang tulala ang vavae saka nagdiretso sa mga lamesa.
"Tangina ang daming tao dapat pala mas ginandahan ko pa ang suot ko." hinawi nya ang buhok, "Baka matuwa pa si Ricky kasi ang gwapo ko talaga, gago." kinindatan nya kung sino man ang nakatingin sa kaniya, agaw pansin sya e, hindi nya alam kung bakit.
Pagkarating nya sa gitnang bahagi ng ballroom ay may nakita syang pamilyar na lalake, "Pare!" pagtawag nya, "Daniel!"
Natawa sya ng bahagya, bakit nandito si Daniel? Ay oo nga pala, asawa nito si Ammira, sayang naman.
Agad naman itong tumingin sa direksyon nya, "Buck?"
Natawa sya sa maarte nitong pagtawag sa pangalan nya, "Pare ako nga! Putangina Daniel! Nasaan ang asawa mong sexy?" tinapik tapik nya ang balikat nito at medyo tiningala, ang laki kasing tao. Siguro ay mga 6'3" ang laki.
Tinapik din nito ng braso nya pagkaupo nya sa tabi nito, "Fuck it, Buck. There, in the buffet with Rhianne." itinuro nito ang direksyon, "How 'ya doing?" pangangamusta nito.
Inayos nya ang shirt, "Ayos lang pa raket raket hehe." tugon nya.
Napansin nya ang titig nito sa bisig nya, "Good. I really love your tattoos." nagbuntong hininga ito.
Hinimas nya ang bisig, "Tenks. Pa tattoo ka na din bigyan kita ng discount at freebie hehehe."
Tila nalungkot si Daniel, "I want to, but I guess I have to ask my misis first." sabi nito at pumalumbaba.
Tumayo sya at pumamewang, "Gusto ko mahalikan ang asawa mo, nasaan ba sya?" pagtatanong nya't luminga linga. Naaamoy na nya si Rhianne, malapit lang talaga ito nakakaamoy na sya ng paminta.
"Not my wife, Buck." may babalang tono ang boses ni Daniel.
Pinalaki nya ang butas ng ilong, "Okay Boss, joke lang 'yon."
Tumayo din si Daniel at inakbayan sya, "Rhianne, Rhianne is single and ready to..." nangapa pa ito ng sasabihin, "to...yeah." natatawang tumango tango ang asawa ni Ammira.
"To?"
Daniel smirks, "To fuck you I think."
Lumayo sya dito, "Gago!" nakangiwi nyang sabi at hinila din ito, "Tara na nga don. Kinikilabutan ako sa sinasabi mo. Maganda ba sya ngayon?" nakangusi nyang tanong.
Walang dudang sumangayon ito, "Yeah, he looks like a woman but flat chested." medyo dismayado pa ito.
Nadismaya din sya at pinagkrus ang braso, "Oo nga e, ayoko pa naman ang flat chested. Gusto ko pakwan, yung ganon sana sa asawa mo." naramdaman nya ang masamang titig ni Daniel, "Biro lang. Hula ko masasarap pagkain dito, pwede kaya ako mag uwi?" langhap na langhap na ng ilong nya ang halimuyak ng singit ni Rhianne--charot ang halimuyak ng mga pagkain mula sa buffet.
BINABASA MO ANG
Switch Series 2: Sincerely Yours,
HumorSimple lang naman ang buhay ni Ricky Boy Vedenin o mas kilala na Rhianne, wala naman syang ginagawa kundi ang magdilig ng kaniyang mga halaman, manahi, mag inarte at magpatirik ng sariling mata. Sa di nya inaasahang pagkakataon ay nakakilala sya ng...