CHAPTER 27
Chances (4)
🌻🌻🌻
Umay na umay na ngumiwi sa harap ni Jojo si Bok. Kasaluyan silang nasa loob ng library at kunyaring nagbabasa o nagrereview ang magpinsan maliban kay Chalondra na tutok na tutok pero nakikinig pa din sa pinagbubulungan ng dalawa.
"Hindi ko nga sya syota, ang kulit mo couz." ani Bok at ikinunot pa ang noo.
Paano kasi ang pinsan nyang alog ang utak pinagpipilitang may relasyon daw sila ni Rhianne na hindi naman pumasok sa isip nya kahit minsan, mamatay man.
Napatingin naman sa kaniya si Chalondra at itinaas ang isang kilay, "Bakit feeling ko naman..." sumingkit ang mga mata nito at tuluyang itinigil ang pagsusulat.
"Isa ka pa, Cha." nanlaki ang butas ng ilong nya saka tinapik ang dibdib, "Hindi nga ako papatol don, ako ha hindi pa ako baliw at ang dami daming babae dyan sa bakla pa ako babagsak. Putangina, hindi! Hindi, hindi, hindi!" dahan dahan nyang pagkakabanggit at mas nandiri.
Naging seryoso naman ang mukha ni Chalondra, "But Rhianne...I can see that he really loves you."
Umayos ng upo si Bok at umiwas ng tingin.
"Naniniwala ka naman kasi doon." aniya at umiling, "Hindi totoo 'yon at isa pa, wala akong tite!" nanggigigil nyang bulong at sa bugso ng damdamin ay napahampas ng lamesa.
Kaya naman pinandilatan sya ng mata nung librarian, "Shhh!" may panggigigil din nitong banta sa kaniya, oo banta na 'yon nakakailan na sya.
Napailing naman si Jojo, "Awit." anito sabay tapik sa likod nya, "Xoxad, couz." nalungkot din ito para sa kaniya.
"Tarantando." inambaan niya ang pinsan at pinakalma ang sarili, "Ano bang pwede kong gawin at umay na umay na ako sa kaniya? Sa totoo lang, gusto ko na umalis sa bahay nya kung 'di lang dahil sa mga anak ko." pagpapakatotoo nya.
Tutal matagal na panahon na syang sawang sawa kay Rhianne, bakit hindi naman sya gumawa ng paraan para magkaroon ng peace of mind? Iyon bang pwede sya pumunta kahit saan na walang sumusunod o nanggugulo man.
"I-Blind date mo sa gwapong lalake."
Sumingkit ang mga mata ni Bok at hinarap si Jojo, "Couz!" hindi sya makapaniwala at muling bumulong pero malakas, "Kunyare ako yung kadate pero it's a prank!" napangisngis sya ng mahina at inalog alog ang balikat nito, "Tangina ka, couz! Napakatalino mo ngayon, sana magka-uno ka ngayong sem!"
Napatakip ng bibig si Jojo, "Putanginang uno 'yan. Sana magkatotoo, insan. Ipopost ko 'yan sa fb, instagram, at twitter putangina." nahampas din ito sa lamesa kaya muling nabulabog ang taimtim na buhay ng librarian, "Magpapatawag ako ng media!"
"Shhh!" hinampas din nito ang sariling desk, "Last warning!"
Nagpeace sign ang nagpinsan at sumigaw, "Sorry po!"
Muli silang pinandilatan nito sa lakas ng boses nila. Gagi ito kasing si Jojo ang lakas ng boses, ang tapang naman ng amoy ng pabangong galing sa ninuno ng mga Tubig.
Rinig nila ang pagbuntong hininga ni Chalondra, "I don't think that's a good idea." saad nito.
Umiling sya, "Okay 'yon Cha. That is a brilliant idea, right couz?"
"Exactly my favorite couzin." nagthumbs up pa ito, "Very very brilliant."
Sa tanang ng buhay nya, ngayon lang nagkaroon ng magandang suggestion si Jojo. Sa totoo lang.
Nagsimulang nag ayos ng gamit ang dalaga, "You know guys, Rhianne is a good person. Don't hurt him that way." sabi nito kaya napukaw ang atensyon nilang nagpinsan, lalo na sya, "I think giving him a chance is not a big deal and gender is not a barrier if love prevails." Chalondra knows and she saw how kind Rhianne is although Bok speak like throwing knives and stabbing him right through the heart, he always smile. He wears a smile and he keeps smiling and she knows deep inside, it damn hurts.
BINABASA MO ANG
Switch Series 2: Sincerely Yours,
UmorismoSimple lang naman ang buhay ni Ricky Boy Vedenin o mas kilala na Rhianne, wala naman syang ginagawa kundi ang magdilig ng kaniyang mga halaman, manahi, mag inarte at magpatirik ng sariling mata. Sa di nya inaasahang pagkakataon ay nakakilala sya ng...