Abuse (4)
This chapter is dedicated to HIIIIHELLOO, isa sya sa since SS1CY ay nandyan na at napakasipag nya talaga. Thank you so much ghorl!! 🥰💕
The only exception
🌻🌻🌻
Katanghalian, nasa tapat ng isang coffee shop si Rhianne at napahinto sa glass door. Sinuri nya muna ang sarili, nakasuot sya ng mahabang orange ankle long sleeves dress. Balot na balot ang kananiyang katawan at may suot pang babushka scarf at itim na sunglasses. Humigpit ang kapit nya sa hobo bag nang kumirot ang balikat.
“O-Ouch…” napangiwi sya at uminda, hindi talaga maganda ang pakiramdam nya ngayon at napilitan lang sya.
Nagbuntong hininga sya, “I wear the wrong outfit. Syetness…” he bite his bottom lip and scrunch his nose, “I hope they don’t notice, oh please…” he cross his fingers, then hopefully with confidence he enter in the coffee shop.
Nakita nya kaagad ang dalawang kaibigan na kasalukuyang nagkakape at kinakawayan sya. Kita nya ang pagkasabik ng dalawa nang makita sya kaya agad sya nitong sinalubong.
“Kumare!!” sigaw ng mga ito di alintana ang pagtingin sa kanila ng ibang tao sa loob. Knowing his mga kumares, wala silang mga hiya at fice centimeter ang kapal ng mga mukha nito.
“Mga mare…” nahihiya nyang pagbati at hinayaang bumeso ito sa kaniya, “Hello…” hindi nya alam ang unang sasabihin, basta naupo sya at inilagay sa kandungan ang bag.
Pakatitig sa kaniya ni Rosie, “Si Vaklang Ricky oh…” tinampal nito ang braso nya kaya napangiwi sya, “bakit ngayon ka lang nagpakita?” may pagkamasungit nitong tanong.
Nagbikit balikat sya, “Uhm…busy?” napansin nyang tumaas ang isang kilay ni Ammire habang sinusiri sya, iba ang tingin nito.
“Puro ka busy, hala magkape ka.” binigyan sya nito ng isang tasang kape.
Nilapitan sya ng babaeng kaibigan, “Kamusta? Ang tagal natin hindi nagkita. Alam mo mare, umay na umay ako sa pagmumukha ni Ross Chrysanthos. I miss you…” pasimple nitong kinurot ang braso nya na para bang sinasadyang diinan kaya todo ang pigil nya sa pagdaing, “Masyado ka namang sinosolo ni Derek, hmp.” isang beses pa syang nitong hinampas sa hita.
Hinimas himas nya iyon, “O-Okay naman. Marami lang akong ginagawa sa boutique, tinitulungan kasi ako ngayon ni Tita Ade. So, kailangan ko pang sipagan.” pagdadahilan nya, “Kayo, kamusta?”
“Edi ito, gumaganda.” sagot ni Rosie at nagflips ng hair nyang bagong kulay, “Eh kayo ni Fafa Daniel?” inirapan nito si Ammira,
Umirap din ito, “Wag na nating pag usapan at focus ako sa mga kids.” anito, “Ikaw kamusta? Kamusta si Erine?”
“Edi gumaganda din kagaya ko.”
“Eh ang ina nya?”
Nalukot ang mukha ni Rosie, “Tse!” umirap ito ng napakariin, “Sa akin nanaman napunta ang usapan, teka nga Ricky. May nababalitaan akong tsismis e.”
Sa sinabi pa lang nito ay kinabahan na sya at kahit mainit pa ang kape ay humigop sya.
“T-Tungkol san?”
Naging seryoso ang dalawa nyang kumare at hininaan ang mga boses, “Kay Derek.” napalunok ng mariin si Rhianne, “Ang kwento ay nagwawala daw ang jowa mo sa Police station at nahulihan ng shabu, totoo ba?”
Nangiginig ang mga kamay nyang ibinaba ang tasa, “H-Huh?” umiling sya ng maraming beses, “h-hindi…hindi totoo ‘yon. Tsismis lang iyon.”
BINABASA MO ANG
Switch Series 2: Sincerely Yours,
HumorSimple lang naman ang buhay ni Ricky Boy Vedenin o mas kilala na Rhianne, wala naman syang ginagawa kundi ang magdilig ng kaniyang mga halaman, manahi, mag inarte at magpatirik ng sariling mata. Sa di nya inaasahang pagkakataon ay nakakilala sya ng...