My Savior (3)
Having you near me 🎼🎶
🌻🌻🌻
"Ikaw, ang true love mo ay may nunal sa itlog."
Namulagat ang mata ni Rhianne at Ammira sa sinabi ni Madam Morissette. Nasa isang tent sila ngayong umaga at naaya sya ni Ammira na mahilig magpahula. Magkaharap sila ng upuan at nasa harap nila ang manghuhulang si Madam Morissette. Nakasuot ito ng itim na mahabang bestida, hapit na hapit ito sa kaniyang magandang hubog na katawan ngunit kulubot na ang balat, pero ang beauty ng lola nyong mangjujula, hm, pak na pak pa din.
Nagulat si Rhianne nang bigla syang hampasin sa hita ni Ammira, "Mare, may nunal nga sa itlog ang asawa ko. Kanan at gitnang bahagi pa!" anito at ngumisngis, "Tignan ko nga ulit mamaya para makasigurado ako hehe."
Napanganga sya nang makitang mukhang iniimagine pa ni Ammira ang itlog ng asawa nya. Umasim kaagad ang mukha nya at dumikwatro. Nakasuot sya ng spaghetti strap orange dress at ang kaniyang orange soft scarf. Ganon din si Ammira, kulay orange din ang suot nitong sheath dress habang humahagikgik.
"Mare, baka naman pwedeng patingin rin ako ng santol ng nyosawa mo." binasa nya ang labi at nangusap ang mata sa kaniyang kaibigan.
Binusangutan sya nito at hinampas ng bag ang hita, "Akin lang yung itlog nya pwede ba!" inirapan sya nito at muling inisip ang itlog ng asawa.
Ngumiti ng kaunti si Rhianne at tinapik ng mahina ang braso ni Ammira, "Mare... yung nunal lang para i-sure ko din, diba...share the moles." pang uuto ng vaklang hayok sa itlog.
Muling bumusangot si Ammira, "Hindi." tugon nito at pinagkrus ang braso, "May itlog kang sarili, 'yun ang tignan mo." inginuso nito ang ibaba nya at napangiwi sya't tinakpan iyon.
Syetness, don't ang itlog nya ghurl. Wititit!
"Ihhh! Mare, ang kiyamots." ungot nya saka ngumuso.
Napakadimot dimot naman nitong friend nya, aba'y nunal lang naman sana ang titignan nya. Jusq, ang dimot talaga!
Inilagay ni Madam Morissette ang dalawang kamay sa lamesang kulay pula matapos tumirik ang kaniyang mga mata habang hinahaplos haplos ang bolang kristal.
Sumingkit ang mata ni Rhianne ng bigla itong tumingin sa kaniya, "At ikaw naman Totoy." anito at itinuro pa sya, "Ang true love mo ay may balat sa singit at..." muling tumirik ang mata nito't hinimas ang bolang kristal.
Nashookt ang lola nyong vakla, "Balat sa singit?" tanong nya sa sarili at inisip ang jowa nya, "Emfey ang singit nya, feeling kez." nilukot nya ang ilong saka hinawakan ang noo habang nakapilintik ang mga daliri.
Bumalik sa dati ang mga mata ni Madam Morissette, "May tattoo sa braso..."
Umurong ang ulo ni Rhianne habang si Ammira ay nakalabas ang dila habang nagtitipa sa phone. Vaklang twouh.
"Ngek? Eh walang tattoo sa braso ang jowa ko Madam Morissette." katuwiran nya at tumungo sa lamesa, "Saka ang balat sa singit? Hindi ko pa nakikita singit nya. Pero mamaya, titignan ko." aniya at ipinilintik ang mga mata.
Sinulyapan sya saglit ni Ammira, "Mare, wag ka umasa sa singit ng jowa mo. Malibag." sabi nito at muling nag tipa sa phone.
Kaagad syang dinukwang ni Rhianne, "Shhh! Wag kang judger, mare." aniya at umayos ng upo, "To see is to believe the reason when the time comes." itinirik nya ang mata saka humagikgik.
Makikita nya rin talaga ang werlogs ng jowa nya. Soon. Hihihi~
Nanlaki ang butas ni Madam Morissette at inayos ang lipstick na kulay itim sa labi, "Ano daw?"
BINABASA MO ANG
Switch Series 2: Sincerely Yours,
HumorSimple lang naman ang buhay ni Ricky Boy Vedenin o mas kilala na Rhianne, wala naman syang ginagawa kundi ang magdilig ng kaniyang mga halaman, manahi, mag inarte at magpatirik ng sariling mata. Sa di nya inaasahang pagkakataon ay nakakilala sya ng...