CHAPTER 18

683 41 6
                                    

Trapped (3)

🌻🌻🌻

Alas syete y media ng umaga ay nakagayak si Bok ng simpleng puting longsleeves, maong na ripped jeans at sneakers. Pupunta sya ngayon sa bahay nung babaeng matapobre sa Restaurant nila noon para humingi ng dispensa.

"Aalis na ako PB, Jelly." aniya sa dalawang bata na nakagayak na din, "Wag malilikot sa school, okay?" paalala nya sa dalawa at humalik sa noo ng mga ito.

"Yes, Daddy Bok." pumilantik ang daliri ni Jelly, "Take care."

Humalik sa pisngi nya si Peanut butter, "Go home early, Daddy Bok."

Nagthumbs up sya sa kambal, "Okay po. Bye." tumingin sya sa bagong kasambahay nila, "Lilith, ikaw na ang bahala sa dalawa."

Nakangiti ang dalaga na tumango, "Babye, Kuya Bok!"

Paglabas nya ng bahay ay bumungad sa kaniya ang malaking alon ng bula malapit sa garahe ni Rhianne. Nanlaki ang butas ng ilong nya ng makitang nasa loob ng washing machine ang vaklang may tililing at doon nagkukuskos ng mga damit habang ngumingisngis.

"Darling koOooooO~" paalon-alon ang tono nitong pagtawag sa kaniya.

Napapikit sya ng mariin. Akala naman ni Rhianne bagay sa kaniya ang ganong damit, naka labandera attire kasi ito, yung attire noong araw tapos may bandana pa ito sa ulo at alam nyang sa kaniya iyon.

"Putangina mali ako ng daan." bulong nya at tinalikuran ito.

Rinig nya ang pagtakbo ni Rhianne patungo sa kaniya, "Darling ko~" pagtawag nito, "pst!"

Napabuntong hininga na lamang sya, umagang umaga Rhianne, "Ano?!"

Imbis na mainis, ngumiti pa ito ng pagkalambing lambing kahit mukhang kambing at ibinuka ang palda na parang prinsesa, "Darling ko~ labandera ako for today at plantsadora naman mamaya~"

Gusto nyang manuntok, bakit kailangan pang sabihin? Nakikita naman nya oh! Lintik naman.

"Wala akong pake."

Muli, imbis na mainis ay kinilig pa ito, "Ihhh!" lumapit sa kaniya ito, "Hubarin mo na ang mga damit mo at malabhan." sabi nito at inginuso pati ang pantalon nya.

Tumaas ang sulok ng labi nya sa asar, "Baliw ka ba? Kasusuot ko lang nito." aniya at lumayo sa mabulang si Rhianne.

Nagbeautiful eyes pa ito, "Okay lang Darling ko~ hubad na dali!" at tangka nitong hahawakan sya kahit may bula pa sa kamay.

Agad syang umiwas, "Bwiset!" sirang sira nanaman po ang araw ni Bok, "Maakaalis na nga!"

Ngumingisngis na humabol pa ng salitang nakakairita si Rhianne, "Darling ko~~~"

Gusto nalang nyang takpan ang tenga pagkasakay sa motor, "Ingat ka! Balik ka agad dahil mamahalin pa kita!" nilakasan nya ang pagpapaandar sa motor kasi ayaw nyang marinig ang susunod na sasabihin nito, "I love you so much!"

🌻🌻🌻

Pagkatapos maglaba ni Rhianne at naisampay na din nya ang mga damit sa tulong din ni Lilith, ang bago nilang katulong na anak ni Manang K. Nasa Hospital kasi ang asawa nito at si Lilith muna ang papalit. Binabantayan nya nga at iba ang tingin ni Bok kay Lilith, No way!

Naligo na din sya at nagpalit ng pambahay, hindi muna sya papasok at wala sya sa mood. Naisipan nyang maglaba kasi nga, napapaimpress sya sa Darling nya~ sya din ang nagdesign at gumawa ng labandera attire nyang kukay kahel at mukhang napansin naman yata ng Darling nya hihi~ gandang ganda siguro sa kaniya.

Nasa Verandah sya ngayon ng kwarto at masama ang tingin sa babaeng nasa gate nila ngayon. Ito yung kausap ni Bok dati, bakit nandidito nanaman?

"Hmp. Bakit nandito nanaman sya." umirap sya, "Don't tell me...isa sya sa kaagaw ko sa Darling ko~? Masyado na syang matanda no." sambit nya at hinead to toe ang ginang.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon