Relationship (1)
6 YEARS AGO
🌻🌻🌻
Paglabas ng pintuan ni Bok ay agad syang nagsindi ng yosi. Bumuga sya ng usok sa hangin at hinawi ang buhok. Malalim ang eyebags nya sa mga mata at halos hindi na naasikaso ang sarili. Suot nya ang kahapon pang shirt at pants pati ang sapatos, wala din syang tulog mula kahapon.
Lumabas ang isang babaeng gusot ang buhok at ang bestidang suot, "Tapos ka na?" tanong nito at nagsindi din ng sigyarilyo, "Bayad mo?" inilahad nito ang palad sa kaniyang harap.
Tumango sya at kumuha ng natitirang pera sa wallet, "Tapos na ako. Bukas ulit, alam mo na." sinenyasan nya ito at nakaramdam ng pagkahilo, "Sa likod."
Napabuntong hininga si Bok nang makaramdam ng mabilis na pagtibok ng puso, nagiging magalaw din ang kaniyang paligid sa sariling paningin.
"Sige." sumagot ang babaeng nagngangalang Elise, "Hindi ka natatakot?" tanong nito at inilagay sa suot na bra ang kaniyang binayad.
Nagkunot ang noo nya at bumuga ng usok, "Bakit ako matatakot?" bakas ang pagkairita sa boses nya.
Umiling si Elise ngunit kita ang pagngisi nya, "Pumunta kahapon yung kapatid mo, hinahanap ka at nagwala pa dito." pagkaranig nya noon ay tumigil sya't binigyang atensyon ang sinasabi ng dalaga, "Di ka natatakot? Halos alam na ng lahat." sabi pa nito.
Umirap sya at muling humithit ng yosi, "Wala kang pakealam. Alis na ako." isinampay nya sa balikat ang ang jacket at nagtangkang lumisan ngunit muling nagsalita si Elise.
"Nga pala Bok..."
Iritable nya itong tinignan, "Ano?" lumunok sya ng ilang beses ng makaramdam ng pagkauhaw.
Naging malaki ang ngiti nito at bumuga ng usok, "Nakita ko si Yvonne kahapon, kasama yung bago--"
"Putangina." nagigting ang kaniyang panga at naging mabilis ang pag alon ng dibdib, "Aalis na ako." narinig nya pa ang pagtawa ni Elise pagkatalikod nya.
Sumama ang tingin nya sa paligid at padabog na itinapon ang sigarilyo saka sumakay sa kaniyang motor. Pinaadar nya ng mabilis ang motorsiklo ay walang pakealam kung mayroon man syang mabangga.
🌻🌻🌻
Dalawang araw ang lumipas, nakasuot ng sibilyan si Bok galing sa bilayaran kahit oras ng klase nya. Katanghalian ay pupunta sya muli kila Elise at gagawin ang bagay na ilang buwan na nyang ginagawa. May hawak syang isang bote ng mineral water at agad ding inubos ang laman noon saka tinapon kung saan ang bote.
"Bukbok!!" tumatakbo at hinahabol sya ng kapatid nyang si Barbara, nakasuot naman ito ng uniporme at nagawa pa syang puntahan kahit may klase din.
Nasa kamalayan ni Bok ang pagtawag nito sa kaniya ngunit hindi nya ito pinapansin, "Bukbok!!" inis na inalis ng dalaga ang sariling sapatos at malakas na inihagis sa likod ng salbaheng kapatid, "Putangina naman!" malutong nitong pagmumura.
Napangiwi sya ng takong pa ang tumama mula sa kaniyang likuran. Hinimas nya lang iyon at nagpatuloy sa palalakad.
Sumama ang tingin ng kaniyang kapatid at hinubad pa ang isang sapatos, "Bok!!" muli sya nitong binalibag at ito nama'y tumama sa kaniyang ulo.
Naramdaman nya ang sakit non, "Puta! Ano ba?!" naiinis nya itong sinugod at kinuwelyuhan.
Nagulat si Barbara sa ginawa ng nakakatandang kapatid, lumunok sya ng mariin, "H-Hinahanap ka na nila mama." kinabahan sya ngunit hindi pa'rin mawawala ang nararamdamang awa kay Bok, namumula ang mga mata nito at pawis na pawis, "Sumama kana sa'kin, wag mo na itong palalain." aniya at hinawakan ang dalawa nitong kamay.
BINABASA MO ANG
Switch Series 2: Sincerely Yours,
HumorSimple lang naman ang buhay ni Ricky Boy Vedenin o mas kilala na Rhianne, wala naman syang ginagawa kundi ang magdilig ng kaniyang mga halaman, manahi, mag inarte at magpatirik ng sariling mata. Sa di nya inaasahang pagkakataon ay nakakilala sya ng...