CHAPTER 34

1.1K 53 21
                                        

Relationship (2)

🌻🌻🌻

Pagkabukas ng mga mata ni Bok ay una nyang nakita ang puting kisame. Ilang segundo syang nakatitig doon at nakiramdam sa paligid. Wala pa sya sa langit, nakahinga sya ng maluwag.

Iginala nya ang paningin at nakita ang isang heart rate monitor sa kaniyang gilid pati na ang dextrose. Nakita nya din ang kaniyang ina na natutulog sa kaniyang tabi pati na din si Barbara.

Napakagat sya ng labi ng bigla na lang magtubig ang mga mata, "H-Hmm…" umungol sya ng manginig ang mga labi,
"M-Mama…mama…" pagtawag nya sa ina ang ginalaw ang kamay.

Agad naman itong nagising, "Bituin!!" agad syang niyakap ng ina at nataranta na, "B-Bituin, gising ka na!"

Kita nya ang ngiti ng bunsong kapatid, "Bukbok!" napapikit sya ng mariin ng maiyak ng tuluyan.

Basta na iiyak sya kasi ang hapdi hapdi ng mga sugat nya sa katawan. Hindi naman sya ganon napuruhan, ang braso nya lang ang binti hanggang hita. Mukhang may tahi doon dahilan ng pagtilapon nya sa kalsada.

Pinunasan ng kaniyang ina ang luha, "Tumawag ka ng doktor, bilis!" anito sa kapatid at nalulungkot syang tinitigan, "A-Anak ko…kawawa naman ang anak ko…kaawa awa…" paulit ulit nitong sambit at niyakap sya.

Tumingin sya paligid ang hinanap ang ama, "S-Si Papa po?" suminghot sya.

Tumigil sa pag iyak ang kaniyang mama at tinabihan sya, "M-Mhmm…" hinaplos nito ang buhok nya, "wag kang mag-alala anak, nandito naman si Mama. Hindi ako aalis dito, pangako." mahinahon pa nitong sabi at tila pinagagaan ang loob nya sapagkat wala ang presensya ng kaniyang ama.

Tuluyan na syang napaiyak at yumakap sa ina, "M-Mama…s-sorry po ah…" hagulgol nya, "s-sorry."

Lumuluha itong umiling, "Wag kang mag-sorry anak ko. Love na love ka ni Mama ha? Laging mong tatandaan." hinagkan nito ang noo nya, "Mahal na mahal ka din ng Papa mo, intindihin mo na lang sya. Nag-aalala din sa'yo iyon, maniwala ka sa'kin."

Humikbi sya at lumabi, sumasakit ang dibdib nya, "B-Bakit wala sya dito kung nag-aalala sya sa akin?"

Pinagdikit nito ang labi, "M-Maiintindihan mo din anak ko…" niyakap sya nito ng mahigpit, "mahal ka ng Papa mo."

🌻🌻🌻

Mama ko,

Sorry po sa lahat ng kagaguhang ginawa ko at sa mga problemang ibinigay ko sa inyo ni Papa. Sorry din po kung aalis ako pero wag kayo mag alala kasi kaya ko ang sarili ko at pangako ko sa inyo na pagbalik ko sa bahay, hindi na ako ang kilala nyong Bok na gago, adik at tarantado. Mahal na mahal ko kayo.

-⭐

"Balot!" sigaw ng isang matanda na may daladalang basket, "Penoy! Chicharon kayo dyan!" dagdag pa nito at pinagpatuloy ang paglalakad.

Nakaramdam si Bok ng pagkulo ng tiyan, "Bili na!" naaamoy nya kasi ang nasa loob ng basket pero ang sama ay wala naman syang pambili.

Alas otso ng gabi, naglalakad sya sa gilid ng isang squatter area daladala ang isang pack pack at duffel bag. Simpleng t-shirt na puti at jersey shorts ang kaniyang suot, may banda din siya sa ulo at nakabandage wrap din ang kaniyang dalawang braso.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon