May exam ako bukas pero.. eto na update. HAHAHAHAHA
CHAPTER 26
Madali akong tumakbo patungo sa nakahandusay na si Theo. Wala itong kibo. Nagawa ko pang pakiramdaman ang pulso nito, meron pa! Buhay pa ito!
"Theo, gising!" Paulit ulit kong pakiusap sakanya ngunit tanging ang paghinga lamang ang natatanggap kong sagot. Dugo, napakaraming dugo ang nawala sakanya. Ang puti nitong suot ay naging kulay pula na. Hinanap ko ang pinggagalingan ng mga dugo at napagtanto kong mula iyon sa mga bala ng baril.
He is shot! Kung gayon ay sinundan nya ang mga lalaki kanina? Pero ano ang nangyari? Nakatakas ba si Theo mula sakanila? Si Maxine ay dinakip din nila kanina, nasa mabuting kalagayan talaga ito?
"Theo, ano ba!" Nanginginig kong sigaw dito habang nakapatong sa hita ko ang kanyang ulo. Hindi ko na inalala pa kung maging ako ay mapuno din ng dugo. "Theo naman!"
Ano ang gagawin ko? Bakit ba naman kasi sya andito, hindi naman ako doktor at mas lalong hindi hospital ang bahay ko! Teka, paano nya nalaman kung nasaan ako nakatira? Ipinagsawalang bahala ko muna ang mga katanungan sa isip ko nang nakita ko ang nabitawan nitong isang maliit na baril at isang cellphone.
Inuna kong pinagtuunan ng pansin ang cellphone. Agad agad ko itong kinuha at bumungad sa screen na ito ang isang contact number.
Jay Atienza.
Walang pagdadalawang isip, agad ko itong tinawagan.
"Where the fuck are you?!" Bungad na pambati ng lalaki nang nasagot ang tawag ko.
"S-si Theo.. n-nabaril." Nanginginig kong sagot.
"Damn. That stupid fuck. Tell me where you are, sweetheart." Bagaman hindi ko sya kakilala, ibinigay ko pa rin sakanya ang kumpleto kong address. His contact number won't be the first to be displayed on Theo's phone kung hindi nya ito balak tawagan. Theo trusts him and I need to trust him too, I need to trust him that he could save Theo. "I will be there." Aniya tapos ay naputol na ang tawag.
"Theo.." Mahinang bulong ko dito nang tignan ko syang muli. Ganoon na lamang ang gulat ko nang nakita ko itong gumalaw ng bahagya.
Natauhan ako bigla, dinudugo pa rin ito! Kailangan kong gumawa ng paraan. Walang pagdadalawang isip kong pinunit ang isang bahagi ng suot ko at itinali sa parteng nagdurugo. I tried to put pressure para kahit papaano ay masarahan ang sugat at matigil ito sa pagdugo.
"Theo, please." Bulong ko muli.
Kokonting minuto lang nang biglang nagbukas ang pintuan ko at tumambad sakin ang isang pamilyar na mukha.
"Nurse Jay?" Nagtatakang tanong ko. Sya iyong nurse sa school clinic namin dati! I met him once na noong sinugod ako ni Theo doon minsan dati. Oh, memories.
"It's nice to see you again, too. But as much as I want to throw a reunion party for me and you and you and Theo, this isn't the right time, sweetheart." Aniya habang tinitipa si Theo. Hindi ko na pinansin pa ang sinabi nito kahit na medyo nagtataka ako kung paano nya nalamang ito ang una naming pagkikita ni Theo.
"I-I tried to stop the bleeding. Pero hindi yun sapat, kailangan natin syang dalhin sa hospital. Nabaril sya." Nababahala kong sabi.
"Of course." Aniya tapos ay inakay naming dalawa si Theo at ipinasok sa likod ng kotse nito.
"Damn, I'd beat his ass in our boxing training once he gets fine for bathing my baby with his damn blood." Asar na sabi pa nito. At talagang inalala pa nya ang kotse nya! Bakit hindi sya ganoon katakot kagaya ko? Hindi ba sya nababahala? He is so freaking calm!
BINABASA MO ANG
The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia Boss
General FictionThe LeFevre Maria Series: Theodore LeFevre's story