5

145K 2.9K 57
                                    

FEEDBACK, PLEASE! Thank you <3

CHAPTER 5


I have always been carrying out some extra precautions everytime I go outside, kahit nga sa school lang ang punta ko ay ingat na ingat pa rin ako. It has been three months since Theo threatened me. Or maybe para sakin lang sya threat, baka siguro ibang babae ang sinabihan nya ng ganoon ay maexcite pa yun.


Although limang buwan na since nangyari iyon, hindi ko pa rin talaga makalimutan. Aba, ikaw ba naman bigyan ng threat na ganun! Limang buwan ko na rin syang iniiwasan dahil dun. Pag may mga pagkakataon na magkakasalubong kami, lumilihis ako ng daan. Pag kinakailangan ko naman syang kausapin dahil nauutusan ako ng tatay o kaya nanay habang nasa bukid, talagang mabilisan at pormal lang lagi. Hands on nga kasi si Theo sa taniman kaya minsan ay hindi maiwasan na magkita kami.


At nakakaasar! Dahil sa tuwing nagkikita kami ay lagi syang nakangisi! Alam kong gusto lang ni Theo na makuha ang atensyon ko, masaya syang pinipikon ako eh! Ayoko naman sana ibigay sakanya iyon kaya lang hindi maiwasan dahil nakakairita sya. Ugh. Kaya talaga hanggang sa abot ng aking makakaya ay iniiwasan ko sya.


"Anak, may gagawin ka ba?" Napatingin ako kay nanay habang nagaayos ng gamit sa loob ng aking bag.


"Ah, wala na, 'nay, katatapos ko lang po gawin lahat ng assignments ko eh," Sagot ko naman. Sabado pa lang naman ngayon at katatapos lang ng huli kong klase. Sa Lunes na ulit ang pasok ko at marami pa akong oras kaya lang ay kinakailangan ko rin naman tumulong sa mga gawaing bahay.


"Ay mabuti naman kung ganun, halika at samahan mo ko sa mansyon, kailangan kong dalhin ang pinalutong ginataan para daw sa meryenda ni sir Theo," Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni nanay. Si Theo ang pupuntahan namin! Ugh. Ano nanaman kayang klaseng pag-iwas ang gagawin ko ngayon dun? Nakakainis naman! "Isa! Lumipad na ata utak mo,"


"Ay, opo, 'nay!" Gulat kong sabi.


"Nako, ikaw talagang bata ka. Oh, sige na, maghanda ka na nang makaalis na tayo para makauwi rin tayo ng maaga," Sabi ni nanay kaya naman kumilos na ako.


Habang tinatahak namin ang daan patungong mansyon, hindi ako makaisip-isip ng paraan upang maiwasan si Theo. Okay lang sana kung sa ibang lugar dahil madali lang makaiwas. Pero iyong sa loob ng mansyon nila? Medyo mahirap talaga iyon. Ang tanging pag-asa ko na lamang ay ang pagbisita nya sa iba't ibang parte ng hacienda ngayong araw.


"Kanina ka pa aligaga dyan, Isabela. Hindi ba maganda ang pakiramdam mo?" Naagaw ni nanay ang atensyon ko sa bigla nyang pagtatanong.


Agad akong umiling. "Ah, wala lang, nanay. May nakita lang akong magandang pigurin," Pagdadahilan ko.


"Osya, sige, tara na sa kusina upang maibigay na natin ito," Aniya. Tumango na lamang ako at sumunod sakanya.


So far, so good naman dahil wala pa akong bakas ni Theo na nakikita. Pagkadating namin sa loob ng napakalaking kusina ng mga LeFevre, naabutan naming nag-uusap usap ang mga katulong. As usual, pinaguusapan nila si Theo – kesyo ang ganda daw ng hubog ng katawan nya at hindi nakapagtataka kung bakit ang dami nyang babaeng inuuwi dito dahil malamang sa malamang ay agad agad din naman kumakapit ang mga babae sakanya at ang swerte daw nya dahil gwapo nya raw at matalino at mayaman pa raw. In short, blessing daw sya sa mga babae. Palihim na lang ako na umirap sa mga sinasabi nila.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon