42

122K 2.3K 73
                                    

CHAPTER 42

Busy ang lahat ng tao para sa nalalapit na kasal ni Natalia at Marcus. Hindi naman na naulit ang nangyaring gulo noong nakaraan. Wala na kaming nakita pa na kung ano mang tatak ng mga Madriaga sa loob ng bahay. Humigpit pa lalo ang security at maging ang ginagawang labas pasok ni Maxine sa mansyon ay striktong binabantayan. Pati nga iyong wedding organizer nila ay kinakailangan pang i-background check palagi.

"Ugh! This is hard! Ayoko na ikasal!" biglang sambit ni Natalia habang busy kami na nag-aayos ng mga maliliit na gusot.

"Uy, pag may nakarinig sa 'yo diyan, sige ka!" biro ko rito.

"But this is really hard, Isa. The wedding will be next week and yet ang dami pa ring kailangan tapusin!" frustrated nitong sabi. Tinawanan ko lang ito. "Kaya ikaw, Isabela, pag nagpakasal kayo ni Theo, make sure na hindi lang isang buwan ang preparation ninyo, ha!" aniya

Agad naman akong pinamulaan ng pisngi. Hindi ko alam kung nagbigay lamang ng advice si Natalia o sadyang nangaasar lamang ito. Lagi niya kasi akong tinutukso kay Theo, palibhasa kasi ay napapansin na rin nito ang malaking pagbabago sa samahan naming dalawa.

Ako man ay nanibago at nailang din noong una. Matapos kasi ng araw ng pag-uusap namin ni Theo, palagi na kaming magkasama. Hinahawakan din niya ang kamay ko kahit sino pa man ang makakita, nagnanakaw rin ito ng halik sa pisngi ko na talagang nakakahiya lalo na kapag nasa labas kami ng kwarto. Araw araw pa rin naman itong pumapasok sa trabaho ngunit kapag tanghali ay kasama nitong umuuwi si Marcus, ang dahilan nilang dalawa ay kailangan daw nila kaming makita ni Natalia. Tuwing linggo ay lumalabas din kaming dalawa. Date kung tawagin pero hindi iyon kagaya ng mga normal na date, lagi kasing sa mga pribadong lugar. Aniya ay prinoprotektahan daw ako nito. At syempre, ang pinakamalaking pagbabago sa lahat ay ang pagtabi namin sa pagtulog.

Our normal days went by na parang lang nagmamadali sa lahat. Si Natalia naman hindi ko mahulaan kung kinakabahan ba o excited. We weren't allowed to go out dahil baka daw delikado kaya ang ginawa ng wedding coordinator ni Natalia, spa ang dinala niya sa mansyon. Pati nga ako ay nadamay.

"Kamusta naman ang araw mo?" paguumpisa ko ng pag-uusap namin ni Theo nang tumabi ito sa 'kin sa kama kinagabihan.

"Tired. I still have to finish my load," aniya tapos ay masuyo ako nitong pinuwesto upang braso niya ang masandalan ko. "And how about my angel?"

"Ayos lang. Final touches para sa kasal bukas," nakangiti kong sagot habang nanonood ng TV. "Bakit ba kailangan nyo pang magkakapatid na magtrabaho ngayong araw? Bukas na ang big day, diba?"

"We need to clear everything bago kami hindi pumasok bukas," aniya. "Do you think I should take my leave?

Agad akong tumingin dito dahil sa sinabi niyang iyon. "Bakit naman? Hindi naman kailangan at isa pa, si Marcus ang ikakasal, hindi ikaw,"

Ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang dampian niya ng masyuong halik ang labi ko bago sumagot. "I want to spend more time with you. Gusto kong sulitin lahat ng mapayapang oras na mayroon tayo," mahinahon niyang sabi habang nakadikit ang noo namin sa isa't isa. "Who knows when will the Madriagas make their next move." he sighed.

Madami akong gustong sbaihin at gustong hilingin dito pero lahat ng iyon ay tinago ko sa loob ko. One day, we have to talk about my issues with the mafia pero sa ngayon, gusto ko lang sulitin ang oras na meron kami.

Masuyo ko siyang hinalikan sa labi. His hands caressed my neck down to my shoulders hanggang sa ibinaba na nito ang strap ng suot kong pantulog. His kisses trailed down to my jaw to my neck. Just as when things are starting to heat up between us, we heard a knock on the door.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon