18

114K 2.6K 55
                                    

AN: Isang chapter na lang sa flashback, pupunta na tayo sa presesnt. Kelan ang update na yun? Any day this week. Di ko sure.

And have you read my new one shot story?

Title: Almost

Nasa may compilation of short and one shot stories. Check my profile and works to read. Or click on the external link. ;)

CHAPTER 18

Kinabukasan, wala na ang babaeng kasama nya sa party. Basta ng pasimple kaming bumalik sa party, naroon na ang kapatid ni Theo. Felix daw ang pangalan, ayon sa mga matagal nang nagtratrabaho sa hacienda. Sila ang naging magkasama magdamag. Hindi na ako nag usisa dahil ayokong masira ang new year ko.



Unang araw na wala si Theo, pakiramdam ko parang ang laking parte na ang nawala sakin. Huli ko syang nakita sa may bukana. Nagkita pa kami doon. He bid me goodbye, masuyo pa nya akong hinalikan sa labi. Napatanong ako sa sarili ko nang mga oras na iyon kung ano nga ba kami. Sinabi nya sakin na akin sya, pero ano nga ba kami?


Pangalawang araw, pangatlo, pang-apat hanggang sa umabot ng isang buwan, hindi pumalya si Theo sa pagpaparamdam sakin. Lagi nya akong tinetext o tinatawagan. Minsan pa nga ay nakakatulugan na namin ang pag-uusap sa cellphone. Magigising na lang ako na hindi pa naeend ang tawag.


Nasa ikatlong buwan mula ng pag-alis nya sa hacienda nang nagsimulang nabawasan ang oras nya para sakin.


"Nasan ka ba?" Medyo naiirita kong tanong dahil halos hindi ko na sya nakausap ng maayos kahapon tapos ngayon naman  ay parang nagmamadali pa ito.


"Angel, I am currently on my way to a very important meeting. I told you I'll call as soon as I'll get my work done." Sagot nya.


"Pero tatlong araw mo ng sinasabi sakin iyan, Theo." Reklamo ko dito.


Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.


"Isabela, listen, I am damn tired with my work. I seriously do not need a nagging girl. Hindi nakakatulong." May iritasyon sa boses nito. Medyo dinamdam ko naman iyon. Ganon pala, nakakasitorbo ako.


"Okay. Sorry." May tampo kong sabi sabay patay ng tawag.


Hindi na ako naghintay pa na text o tawag mula sakanya. Nasaktan ako sa mga salitang binitawan nya pero kasalanan ko din naman. Hindi kami. Kung ano mang relasyon ang meron samin, wala iyong label. Sinabi nyang sakin lang sya, ganun din naman ako sakanya – yan lang at wala ng iba. Pero hindi ko maalis sa sistema ko ang pagsusumamo sa atensyon nya.


Dalawang araw matapos ng huling pag-uusap namin ni Theo, hindi ko na tinignan pa ang cellphone na bigay nya. Hindi ko rin naman ineexpect na magpaparamdam sya. Kailangan kong magpalamig ng ulo, kailangan ko rin ituwid ang isip ko. Dapat lagi kong iisipin kung sino nga ba ako kay Theo.


"Isa, tulungan mo nga muna akong maglaba!" Narinig kong tawag sakin ni nanay habang nanonood ako ng TV. "Ay, teka, nakapagreview ka na ba? Malapit na ang finals nyo ha."

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon