9

133K 2.9K 147
                                    

CHAPTER 9


Masyadong mabilis lahat ng nangyayari samin ni Theo. Ilang buwan na rin kaming magkakilala, ilang beses ko na syang nakasalamuha, ilang beses na rin akong nalunod sa mga halik nya pero parang hindi iyon sapat na bilang upang masabi kong gusto ko sya.


Laman ako ng iba't ibang usapan sa school matapos ng pangyayaring iyon sa parking lot. Para iba, isa akong death threat dahil ang katumbas ko ay ang bagsik ni Theo. Para naman sa iba, wala akong pinagkaiba sa mga babae ni Theo. Dalawang linggo na rin nang nangyari iyon pero usap-usapan pa rin, dalawang linggo na akong pinagtatanggol ni Jenny at dalawang linggo ko na rin hindi nakikita si Theo. At naiirita ako dahil hindi ko sya mahagilap. Wala dito sa school at maging sa hacienda


"Nakakabwisit talaga ang mga babaeng iyon! Palibhasa di sila pinapatulan ni Theo," Naiiritang sabi ni Jenny nang nakarating kami sa classroom. May thirty minutes pa naman kami bago ang klase kaso nga lang ay napaaga kami ng punta dahil na rin sa mga chismosang nasa library.


Nang tignan ko si Jenny ay halata ang pagkabwisit sa mukha nya. "Hindi ka ba.. galit?" Tanong ko sakanya.


Tumingin naman sya sakin ng puno ng pagtataka. "At bakit naman ako magagalit?"


"Kay Theo.." Nahihiyang sabi ko.


Narinig ko ang malutong nyang tawa tapos ay napabuga sya ng hangin. "Bes, alam mo malaki nga ang pasasalamat ko sayo at ginising mo ako sa katotohanang wala akong mapapala kay Theo kaya heto ako, may masayang lovelife," Aniya na may halong kilig. "Pero, bes, wag ka magagalit ha. Curious lang,"


Kumunot ang noo ko. "Ano yun?"


"Kaya mo ba pilit na nilalayo ako kay Theo noon dahil nagseselos ka?" Tanong nya.


Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi! Hindi ko sya gusto noon, ang totoo nga ay bwisit pa ako sa kanya at ikaw nakakainis ka dahil nagpapakagaga ka doon," Sabi ko sabay halukipkip.


"Ibig sabihin gusto mo na sya ngayon?" Bulalas nya na ikinalaki uli ng mga mata ko.


"Wala akong sinabing ganyan ha!" Depensa ko.


"Weh? Eh bakit namumula ka?" Tudyo nya sakin. Agad ko namang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at naramdaman ko ang init doon. "Okay lang yan, bes! Nako, ingat ka don, malaki iyon!" Biro nya sabay tawa.


Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya at hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng pagkairita. Alam ko namang may mga nangyari na sakanila. Sya pa nga ang kauna-unahang naging babae ni Theo dito, hindi ba? "Alam ko! Nakita ko na," I snapped at her.


Nalaglag ang panga nya. "Teka, nagseselos ka- ano?! Nakita mo na?! Isabela naman eh!" Aniya sabay hilamos ng palad sa mukha. "Ayokong maihalintulad ka sakin pero bakit mo sinuko ang Bataan?!" Frustrated nyang tanong at nalaglag naman ang panga ko. "Tanginang Theo yun ha! Pag nakita ko sya, sisipain ko bayag nya!" Galit nyang sabi.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon