30

131K 2.6K 142
                                    

CHAPTER 30

Nakapikit ako habang ninanamnam ang maligamgam na tubig na nakapalibot sakin habang paulit ulit na inuukit ko sa isip ko ang mga sinabi ni Don Antonio. Sinabi nya para din daw ito sa akin. Hindi ko matukoy kung aling parte sa bagay na iyon ang kakapulutan ko ng benepisyo. Isa lamang akong instrumento ni Don Antonio kaya't hindi ko mawari kung bakit nya nasabi iyon.

Siguro dahil sa sobrang kakaisip, hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako at kung hindi ko pa narinig ang paulit ulit na pagtawag sa pangalan ko, malamang ay hindi pa ako nagising.

"Isabela!" May kalakasang tawag sakin. "Isabela!" Muling tawag sa pangalan ko. Si Theo iyon! Nakauwi na pala sya? Kinusit ko muna ang aking mga mata at ipinagsawalang bahala ang pagtawag ni Theo. He'll think I'm sleeping or that I'm in the bathroom.

Inabot ko ang cellphone ko na wala sa kalayuan upang tignan ang oras. 9 na pala ng gabi. Nakatulog na pala ako talaga. Ni hindi pa ako naghahapunan. Si Theo kaya?

"Isabela." Saglit akong natigilan nang parang lumakas at mas naging klaro ang boses ni Theo. "Isabela."

Shit. Wala sa loob akong napamura nang mapagtanto ko na nasa loob na sya ng kwarto ko! Bakit ba kasi hindi ko sinagot ang pagtawag nya sa pangalan ko kanina?! Malayo pa man din ang twalya ko! Dali dali akong tumayo. Akmang aalis na ako sa loob ng bathtub nang narinig ko muli ang boses nito.

"Isabela? Fuck! Where are you?!" Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang unti unting paggalaw ng doorknob ng banyo.

"Teka. Wag!" Sigaw ko ngunit huli na ang lahat.

Nabuksan na nito ang pintuan habang nanatili akong nakatayo, basa at walang saplot sa katawan. Shit.

"Fuck." He cursed and then he grabbed my towel and handled it to me. "Cover yourself, angel, before I lose my control." Aniya. Hiyang hiya ko namang hinila sakanya ang twalya. "Get dressed. Aalis tayo. Go downstairs when you're done. I'll give you ten minutes." Iyon lamang at umalis na ito habang naiwan akong nakatanga at nakanganga sa kawalan. Ramdam na ramdam ko pa ang init ng pisngi ko.

Minadali ko ang pagbihis ko. Halo halo ang nasa isip ko kaya hindi ko na halos naayos pa ang sarili ko. Basta kumuha na lang ako ng kung anong tshirt at pantalon. Hiyang hiya ako sa nangyari kanina. Hubad na hubad akong nakita ni Theo! Nakakahiya talaga. Kung pwede lang magpalamon sa lupa kanina ko pa ginawa iyon.

Labag man sa loob ko, nagpunta ako sa ibaba matapos kong magbihis. I brought my sling bag. Andoon na lahat ang kailangan ko. Hindi naman sinabi ni Theo kung saan kami magpupunta, iba na ang handa ano kaya naman dinala ko lahat ng maari kong kailanganin.

"Let's go." Aniya sabay bato sakin ng isang unan at isang kumot. Nagtataka ko syang tinignan. "You might be needing that." Aniya.

"Bakit? Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko dito habang naglalakad kami papalabas ng kanyang bahay.

"We have to go back to the city." Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi nya.

"Ano?! Kagagaling lang natin doon! At sinabi mo uuwi tayo! Ni hindi mo pa nga ako inuuwi samin!" Protesta ko dito.

"Trust me, it will be much better when you are around me." Aniya.

"Trust? Wow! Sayo pa talaga nanggaling yan!" Inis kong sabi. Tinignan nya lang ako na para bang hindi nya naiintindihan ang sinabi ko. Frustrated at padabog akong naglakad patungo sa kabilang banda ng sasakyan.

"You really have to trust me on this one." Aniya nang nakapasok kaming dalawa sa loob ng sasakyan.

"Paano, Theo? I did trust you once and I regret it." I said as I looked away from him.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon