CHAPTER 28
Halos malagutan ako ng hininga nang tawagin nya ako sa ganoong pangalan. Ang mga paa ko ay ni halos hindi ko na maihakbang dahil sa nanghihina ang mga tuhod ko. Nakailang lunok pa nga ako bago ko natagpuan ang boses ko.
“Anong ginagawa mo dito?” I tried to sound like seeing him was just normal, nothing special.
“Sinusundo ka. We are leaving.” Seryoso nyang sabi. Doon ko lamang napansin ang dala nyang bag.
Agad naman akong nakaramdam ng pagkainis! Ano? Ganito na lang? Basta basta na lang syang magpapakita matapos ang apat na taon? Matapos nya akong iwan sa ere? Matapos akong masaktan at umiyak ng sobra sobra dahil sa ginawa nyang pagpapaasa sakin? Ano? Matapos nami magkita ulit matapos ng apat na taon, may babae na sya? Tapos nung nabaril sya, bahay ko ang pinuntahan nya! At ngayon bigla syang lilitaw dito at magsasabi ng kung anu-anong kabaliwan na para bang wala lang sakanya ang mga nangyari noon?
“Paano mo ba nalaman ang bahay ko?” Paglilihis ko sa sinabi nya.
“Oh, it was pretty easy tracking you, angel.” Nakangisi nyang sagot na para bang nangiinis pa! Heven called me angel! Niyukom ko ang aking palad.
“At paano ka nakapasok ulit ngayon sa pangalawang pagkakataon?”
“Your backdoor isn’t that hard to break.” Kibit balikat nyang sabi.
“Okay, makakaalis ka na.” Inis kong sabi.
Biglaan naman nagbago ang itsura nito. Tila ba hindi nya inaasahan ang sinagot ko. “Yup, we are leaving.” Giit nito na ikinabigla ko. Bakit ba nito pinipilit na umalis kami?
“Ayoko.” Sabi ko tapos ay naglakad ako at nagtungo sa kusina. Tubig, kailangan ko ng madaming madaming tubig para sa nanunuyo kong lalamunan!
“You really do not have a say in this.” Kampante pa nyang sabi.
Niligon ko ito at natagpuan na nakasandal patagilid sa pader. “And why? Bahay ko ito.”
“I still am your boss, Isabela.”
Napasinghap ako. “Hindi na ako sa hacienda nagtratrabaho, Theo. Hindi na kita boss.”
“You’ve changed.” Aniya.
Napangiwi naman ako. “Ikaw din.” Pantay kong sabi. “Basta, gusto kong lumayas ka na, Theo.”
“I can’t, angel.”
“Can you stop calling me that?!” Irita kong sabi dito.
“Calling you what? Angel?” Nakangisi nyang tanong.
“Yes! Itigil mo na iyan, Theo! Nakakarindi, nakakairita!” Inis kong sabi.
“But you are an angel.” Aniya.
BINABASA MO ANG
The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia Boss
Fiksi UmumThe LeFevre Maria Series: Theodore LeFevre's story