10

138K 3.2K 180
                                    

Reactions pleaaase. Thank you!

CHAPTER 10

Hindi ako pumasok ng dalawang araw matapos ang pangyayaring iyon. Hindi ko alam kung ano pa ang mukhang ihaharap ko sa lahat. Sa tingin ko rin ay alanganin na ang pwesto ko bilang cum laude. Kahit na kailan ay wala akong naging bad record pero nang dahil sa Theo na iyon, nagkaroon ng marka ang inaalagaan kong dignidad sa paaralan.


Si Theo.. wala akong nagawa kundi mapaiyak nang naalala ko sya. Paano ko nagawang magkagusto sakanya? Isa syang malanding lalaki. Marami ng babae ang nagdaan sakanya at laruan lang ang trato nya sa mga ito. Ayokong mahanay sakanila pero papaano? Ang lakas ng hatak nya sakin. Ang lakas ng dating ng labi nyang nahalikan na ng marami. Hindi espesyal ang naging halik ko sakanya dahil marami nang nakagawa noon. Pero ang halik nya sakin, nilunod nito maging ang buong pagkatao ko.


"Isabela, anak, ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni nanay nang pumasok sya sa kwarto ko. Laking pasasalamat ko na lang at nakatalukbong ako sa kumot kaya nagkaroon pa ko ng pagkakataon upang punasan ang luha ko.


"Po?" Painosente kong tanong nang tignan ko sya.


Kumunot ang noo ni nanay at nilapitan ako upang hawakan ang noo ko. "Oh, bumaba na pala ang lagnat mo. Andyan si Jenny sa baba, binibisita ka. Paakyatin ko na lang sya dito ha at dadalhan ko kayo ng meryenda," Sabi ni nanay bago sya umalis ng kwarto. Totoong nilagnat ako matapos iyon at ang mga kalmot ko sa braso ay ang pinakamahirap itago sa lahat.


"Isa.." Tila puno ng simpatyang tawag sakin ni Jenny nang nakapasok sya sa kwarto ko.


Binigyan ko ito ng isang malungkot na ngiti.


"Hayaan mo na iyong mga sinasabi ng iba tungkol sayo, inggit lang sila!" Aniya sabay nguso nang nakaupo na ito sa gilid ng aking kama.


Nginusuan ko lang din ito pabalik. Paano ko sila hahayaan eh ako nga yung pinag uusapan, ako yung pinagchichismisan. Wala na nga ako sa school, ako pa rin laman laman ng usap-usapan. Nasisira ang inaalagaan kong imahe ko dahil kay Theo, dahil sa kabaliwan ng iba sakanya at dahil sa pinaggagagawa nya sakin.


"Isabela, akala ko ba matapang kang babae?" Sabi muli ni Jenny.


Umiling ako ng paulit-ulit sabay upo. "Jen, alam mo naman na kaya lang ako matapang dahil tanging dignidad ko lang ang meron ako. Pano na ngayong may bahid na ng karumihan iyon? Wala na akong karapatang magmalaki," Pagdadahilan ko dito.


"Ay, ewan ko sayo. Kaloka ka. Alam naman ng lahat na gusto ka ni Theo-"


"Hindi nya ako gusto!" Putol ko sa kahibangan nya.


"Gusto ka nga nya, gaga ka ba? Kaya nga pinahalughog nya itong probinsya natin para lang mahanap sila." Aniya na ikinalaki ng mga mata ko. "Oo, gaga, pinahanap nya sila at ayun naman ngayon, pinatalsik sa school. Buti nga," Sabi nito sabay irap.


"Ano? Nababaliw na ba si Theo?!" Tanong ko.


The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon