57

96.9K 2.2K 93
                                    

Because you kept posting wonderful reaction, maagang update for you guys! Baka mag-update ulit ako mamaya... depende. Hahaha. Thanks, guys!

CHAPTER 57

"Wake up, sleepyhead," medyo mahinang pagkakarinig ko na bulong ni Theo. "You'll have your check-up within 2 hours," malambing nitong dagdag.

Labag man sa loob ko ay iminulat ko ang mga mata ko at tinignan si Theo. "Ha?"

"I rescheduled your check-up. Hindi naman natin pwedeng isantabi iyon, Isabela," aniya. "And in case my baby's in there, I need to know if it's still safe to take you bed. You know, more honeymoon moments perhaps," nakangisi niyang sabi sabay tingin sa katawan kong nakabalot ng kumot.

Namula naman agad ang pisngi ko nang maalala kong wala nga pala akong suot. Siyempre, gaya naman ng normal na mga kasal ay may "honeymoon" din kami sa loob ng kwarto. Ano ba 'tong mga iniisip ko! Ang aga aga nahahawa ako sa kalaswaan sa katawan ni Theo.

Isa't kalahating oras din ang nagugol ko sa pagkain at pag-ayos ng sarili. Nakangiti kong pinagmasdan ang kaliwang kamay ko kung saan nakasuot ang singsing ko na ibinigay ni Theo.

"This is more than a wedding ring for me," masayang sabi ko habang nagmamaneho ito.

"Huh?"

"This is our promise ring." dagdag ko. "I don't have any idea kung ano ang mangayayri sa future and I do not want to assume that I have a baby inside me pero sana, Theo, kahit anong mangyari, we'll stick together,"

He held my hand and squeezed it. "Of course, Isabela," aniya.

Ilang minuto pa ay narating na namin ang ospital. Agad kaming tumungo sa may clinic ng OB-Gyne kung saan may ilang tao pa ang nakapila. Uupo na sana ako sa pinakadulong upuan nang biglang lumapit sa 'min ang babaeng nurse na nakaupo sa may desk malapit sa pintuan ng clinic.

"Mr. and Mrs. LeFevre?" tanong nito.

"Ah, kami nga." nakangiti kong sagot. Ang ganda pala pakinggan pag tinatawag na Mr. and Mrs. LeFevre. I just wish na hindi magkataon na kami ni Natalia ang magkasama tapos tatawagin ng Mrs. LeFevre, baka isipin na iisa lang ang asawa namin. I giggled at my thought.

"Kayo na po ang susunod," aniya.

"Ay, papaano po sila?" bulong kong tanong habang pinagmamasdan ang ilang naghihintay.

"We were told to prioritize Mr. and Mrs. LeFevre po," sagot nito na tinanguan namin ni Theo. "Ah, pero, sir and ma'am, hangga't maari po sana, ang mga taong involved lamang sa check-up ang nandito sa area. Kaya po kung pupwede po, ang mga ibang kasama niyo po ay doon na lamang sa may waiting area maghintay," nakangiti nitong sabi habang sinusulyapan ang mga body guards na kasama namin.

"Hindi po ba sila pwede dito?" tanong ko.

"Sorry, ma'am, but we are trying to minimize noise and to avoid being crowded dahil nasa malapit lang po ang clinic ng pedia," paghingi nito ng paumanhin. "Ang waiting area po natin ay nasa first floor lang po," aniya.

Hindi na ako kumontra dahil wala rin naman akong magagawa kaya naman sinenyasan na ni Theo ang mga ito. Pero pagkaupo pa lang namin ni Theo ay agad ko na itong tinanong.

"Sa inyo ba 'tong hospital? Priority raw tayo, eh,"

"Not yet, angel, but I'm trying to get this since the management has put this on market last week," aniya.

"Ah... oh, e bakit hindi mo pa nabili? Akala ko matinik ka sa business?" pangaasar ko rito.

"Well, ayaw magpatalo ng kalaban," pa-cool niyang sabi.

"Sino?" tanong ko ngunit agad ko ring binawi. "Madriaga?"

"I'm thinking I should teach you about business, too. May potential ka," pabiro nitong sabi.

"Puro ka biro!" irap ko sa kanya. "So, they're trying to get this, too? Pero bakit?"

"That's how we compete at times, angel. Isipin mo na lang na gusto nilang bumawi sa lahat ng nakuha ko sa kanila," kibit balikat nitong sabi.

I rolled my eyes at him. "LeFevre things," I murmured. "Teka lang, iihi lang ako. Malapit lang naman ang CR," paalam ko rito.

"Samahan na kita," pagboboluntaryo nito.

"Theo, nadaanan lang natin ang CR kanina at sobrang lapit lang at isa pa baka mamaya tawagin na tayo, mabuti na 'yung andito ka para masabi mo na hintayin lang ako saglit." pagrarason ko rito. Labag man sa loob niya ay wala na rin siyang nagawa. Hindi ko rin naman pwedeng pigilan ang pag-ihi ko.

Hindi gaanong malayo ang CR na nakita ko kanina pero ganoon na lamang ang pagkadismaya ko nang nakita ko ang signage na nakapaskil sa may pinto na out of order daw ito. Sakto namang may dumaan na nurse kaya naman nagtanong na ako rito.

"Excuse me, miss," tawag ko rito. Nang lingunin ako nito ay agad ko nang tinanong ang pakay ko. "May iba pa po bang CR dito? Our of order po ito, eh," tanong ko rito.

"Ah, yes, ma'am. Diretsuhin niyo lang po itong hallway tapos ay kumanan kayo. May makikita na rin po kayong sign doon." pagbibigay impormasyon nito.

"Sige, salamat," nakangiti kong sabi.

Nilakad ko ang daan na sinabi ng nurse. Nakapagtataka na halos walang tao sa parteng iyon ng hospital. Madali akong pumasok sa isang cubicle dahil sa baka naiinip na si Theo at baka mamaya ay turn na ng check-up ko. Sandali ko ring tinignan ang sarili ko sa salamin. Habang naghuhugas naman ako ng kamay ko, biglang may tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyon tinignan sa pag aakalang si Theo iyon pero imbes na pangalan niya ang makita ko, isang unknown number ang nagregister sa cellphone ko.

"Sino kaya 'to?" bulong ko sa sarili ko.

Binuksan ko ang message. Picture pa ang sinend pero masyadong blurred. Nakapagtataka. Ilang segundo rin ang hinintay ko nang luminaw ang resolution nito. Halos malaglag ang panga ko nang nakita ko si Theo doon. Si Theo nga! Hindi ako pwedeng magkamali! Litrato niya iyon na kung saan ay kinuhanan sa kanang anggulo habang naghihintay sa 'kin sa labas ng clinic.

"Shit!" mura ko. Agad kong binuhat ang bag ko at nagtangkang lumabas ng banyo nang biglang tumunog muli ang cellphone ko.

Isang mensahe mula sa parehas na numero. Agad ko iyon binuksan. Isa litrato ulit. Halos malaglag ko ang cellphone ko nang luminaw ito. Litrato iyon ng likod ko habang naglalakad ako papunta dito sa banyo.

At bago pa man ako makapagwala ng isang malalim na hininga ay narinig ko ang biglaang kalampag ng pintuan ng banyo. Agad kong ikinalat ang mata ko sa paligid upang maghanap ng magandang pagtataguan pero wala. Paano na ito?! Bago pa ako makatakbo sa loob ng isang cubicle ay nagbukas ang pintuan ng banyo na naging dahilan ng halos pagkalagot ng hininga ko.

"Ay, true, bes!" malakas na pagkakasabi ng babae sa kasama nito. Sumunod ang ilang halakhakan nila. Doon ako medyo nakahinga ng maayos nang napagtanto ko na harmless ang tatlo.

"Miss, ayos ka lang?" nagaalalang tanong ng isa. Sunod sunod na tango ang isinagot ko sa kanila bago ako nagmadaling pumunta sa may pintuan.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ko nang buksan ko ng bahagya ang pintuan. Sumilip muna ako sa lahat ng direksyon at nang nakita ko na walang ibang tao ang naroon, inayos ko ang bag ko at saka lumabas.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon