25

117K 2.7K 94
                                    

TRIVIA: Wala sa plano ko ang The Lefevre Mafia Series. Wala rin sa plano ko si Theo sa Perfect Pleasures. It just so happened one night na gusto ko lang magkaroon ng ibang lalaki si Maxine. Tapos gusto ko sosyal lang yung apelyido kaya nagsearch ako ng French na last names. Wala rin sa plano ko yung nangyari sa party. But then, nung tumatagal yung PP at maraming may gusto na magkastory si Theo, dun pumasok ang concept ng mafia since nakipaglaban laban naman sa party nun si Theo.

Wala lang, wala talaga sa plano ko na umabot dito eh. Never thought may mga magbabasa ng ganitong stories. Kayaaaa thanks guuuuuuyth!!!

Will reply sa mga comments and posts mamaya/bukas. :D

CHAPTER 25

"DAPA!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. I saw big men with armalites. Pormadong pormado sila na para bang handa silang pumatay anytime.

"DAPA SABI!" Sigaw ng isang maskuladong lalaki.

Dahil sa takot at sobrang kaba, lahat kami ay napadapa.

"Oh my god! Oh my god!” Takot na takot na sabi ni Miss Vianca. Napakahigpit ng hawakan naming dalawa. Umiiyak na rin sya. Ako man din ay naiiyak na sa mga nangyayari.

Hindi ko na halos masudnan ang bilis ng tibok ng puso ko. Takot at kaba ang nararamdaman ko. Yung lalaking sumigaw, sya iyong nakita kong kausap ng babae kanina! Agad hinanap ng mata ko si Theo. Sinundan nya ang  dinaanan ng babae at lalaki kanina. Kung nandito ang lalaki? Nasan si Theo?

Oh god! Theo!

Hindi ko mapigilan ang pagiinit at tuluyang panlalabo ng mga mata ko nang hindi ko sya nakita. Nakakainis! Nasan ba kasi sya?

Naalala ko ang cellphone ko. Pulis, oo, kailangan ko tumawag ng pulis! Pero ganun na lamang ang panlulumo ko nang napagtanto kong nasa lamesa nga pala iyon.

It wasn’t long enough nang napansin kong naglalakad ang mga lalaki patungo sa isang direksyon. Kinabahan ako dahil sa direksyon namin iyon. Pero imposibleng ako dahil hindi ko naman sila kilala. Si Miss Vianca ba? Pero wala syang kaaway para umabot sa ganito kagrabe! O ang matandang businessman na nagpupumilit makipagsayaw sakanya kanina?

Pero ganoon na lamang ang gulat ko nang nakita kong hilain ng malaking lalaki si Maxine. Nakita ko kung paano nya pinagpilitang kumawala at kung paano sinubukan ng lalaking kasayaw nito kanina na pagsusuntukin ang malaking lalaki pero hindi rin nito nagawang magtagumpay dahil tinutukan sya ng baril.

  

"Dylan!" Umalingasaw ang sigaw ni Maxine na nasundan pa ng tili ng ibang tao.

"Tumahimik kayo!" Nakakatakot na sigaw ng lalaki sabay paputok muli. Wala na kaming nagawa kundi ang sundin ang sinabi nito kundi baka kinabukasan, ang kamatayan naming lahat ang bumungad sa mga telebisyon.  

"Sasama ka sakin. At kayong lahat, wag kayong magkakamaling sumunod o gumawa ng katangahan dahil hindi ako magdadalawang isip na pasabugin ang bungo ng babaeng to!" Malakas na anunsyo ng lalaki. Kitang kita ko ang takot sa mga mata ni Maxine. Maging ako man ay natatakot para sakanya at saming lahat.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon