32

120K 2.6K 97
                                    

CHAPTER 32

I woke up with Theo's arm wrapped around me. Agad bumilis ang tibok ng puso ko nang naalala ko ang mga nangyari. I let him have me. I kind of regret it. Pero ano ba ang magagawa ko? Marupok ako sa pag-ibig.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata nang naramdaman ko ang paggalaw ni Theo. Nagkunwari akong tulog. Humigpit ang pagkakayakap ni Theo sa bewang ko, sunod kong naramdaman ang marahan nyang paghalik sa tuktok ko bago ito tumayo. I sighed. Ano nga kaya ang mangyayari samin ngayon? Last time I gave myself to him, he left me.

Pinagpatuloy ko ang pagkukunwari ko hanggang sa narinig ko syang nagsalita. I figured out na may kausap ito sa cellphone.

"I need maximum security... Felix, if we're talking about my safety alone, I won't be asking for some annoying guys in their suits... Exactly, brother. I am glad you are starting to use your brain... yes, I have her. Stupid fucker, you know I could even beat the shit out of you with guns or even barehanded, I just don't want to take risks with Isabela... I know what I'm doing... dammit! I know I have to tell her. You don't have to lecture me with what I should do. I need maximum security in an hour.. okay, good."

Halos pigil hininga ako the whole time na nakikipagusap ito. Kausap nito si Felix, pero hindi ko maintindihan kung bakit namin kailangan ng maximum security na sinasabi nya. At nabanggit pa nito ang pangalan ko. I was really eager to know. Yes, I have to know.  

Nang nakalabas si Theo sa kwarto, doon ako malayang nakagalaw at nakakilos. Una kong tinignan ang cellphone ko, only to find out that I missed three calls from Don Antonio. Shit, I totally forgot. Agad agad akong nagtype ng mensahe para sakanya and it didn't take long for him to reply.

The room phone rang, I heard Theo answered it pero hindi ko na narinig ang mga sinabi nito. Next thing I heard was the sound of the door being opened and closed. Lumabas sya? Or may sinilip lang? Pinatagal ko muna ng ilang minuto bago ako lumabas pero hindi ko sya nakita doon.

"Theo?" I called. Walang sumagot. Nilibot ko ang buong suite at tinawag ng ilang ulit ang panagalan nito pero wala akong nakita na Theo. Saan kaya iyon nagpunta? Ikinibit balikat ko na lamang ang pagtataka at pinili na magkape at manood ng tv.

Wala pang limang minuto akong nakaupo nang tumunog ang doorbell. Walang pagaalinlangan kong tinungo ang pintuan upang tignan kung sino iyon. It was a girl wearing the hotel's uniform kaya hindi na ako nagdalawang isip na pagbuksan ito ng pinto.

"Good morning, ma'am." She greeted. Unang tingin mo dito ay magtataka ka kung ano ang ginagawa nya sa suot nitong uniporme. She has a short blonde hair, maganda ang pangangatawan at makinis ang balat. Something rich girls have. "Heto na po iyong nirequest na extra pillows ni Sir." Aniya sabay abot sakin ng dalawang naglalakihang unan. Nagtataka ko naman iyong kinuha.

Si Theo? Why would he do that? Hindi ba'y sapat naman ang unan namin sa kwarto. Or.. yea, perhaps he realized that what happened last night was wrong kaya napagdesisyunan nitong sa sala matulog.

"Ma'am, are you okay po? Is there something wrong with the pillows?" Nagaalalang tanong nito.

Sunod sunod na iling naman ang pinakawalan ko. "Hindi, okay lang. Sige, salamat."

"Walang anuman po." Sagot nito. She was about to leave and I was about to close the door when she took a step back and looked at me again. "Make sure na lagi mong isasara ang pintuan, ma'am." Bahagya akong kinilabutan sa biglaan nitong paalala. She meant no harm, she even looked sincere with what she said. Mukha syang maamo.. but there was something in her eyes.. pero baka wala lang iyon, maybe I'm just imagining things. Of course pagsasabihan nya ako ng ganon. Maybe it's the hotels courtesy na rin.

Tumango na lamang ako dito at isinara ang pintuan. I even locked it – just like what she reminded me.

Hindi nagtagal ay bumalik si Theo. He was carying a brown paperbag. By the smell of it, I could tell na hot pandesal ang lamang noon.

"You're awake." He said smiling. Saglit nitong tinignan ang dalawang unan sa tabi ko. "I had to check my car, tumawag ang frontdesk. Tumunog daw kasi ang alarm ng kotse. Baka may nakasagi." He explained. Nandoon naman na ako sa baba, I decided to grab some fresh breads, I figured out that you might me hungry." Dagdag pa nito habang pinapanood ko sya na inilalabas ang mga tinapay at pinapatong sa isang pinggan. Hindi naman na nito binanggit ang tungkol sa unan. Maybe he figured out na eto na yung nirequest nya.

"Okay." Mahinang sagot ko. Naiilang pa rin ako. Bakit hindi sya naiilang? Bakit parang wala lang sakanya ang mga nangyari? Sobra lang ba talaga ako sa pagiisip? Pinili kong ibalik ang tingin ko sa telebisyon.

After he was done with what he was doing in the kitchen, pumasok ito sa loob ng kwarto pero hindi nagtagal ay lumabas ulit ito.

"Where did you get that?" He asked a bit furious. The change of mood suddenly made me tremble. Nagtataka ko syang tingnan. "Those damn pillows, Isabela."

"Uhm, ibinigay ng isang housekeeper kanina. Hindi ba humingi ka ng dalawa?" Takang sagot ko pabalik.

"Damn! Stay away from there!" Within a second, naramdaman ko na lamang ang ginawa nitong paghila sakin papalayo sa mga unan. Swiftly, he took his shirt off and covered his hand. Kinuha nito ang isang unan tsaka iyon ipinagpag.

"Theo, ano ba?" Naguguluhan kong tanong. "Theo, anong nangyayari?!" Kabado kong tanong habang pinapanuod ko itong ipagpag ang pangalawang unan. We both heard a crumpling noise. Nagtinginan kaming dalawa. He looked serious, I looked nervous.

Maingat ngunit hirap nitong ipasok ang kanyang isang kamay na balot na balot ng kanyang damit. He was aiming for the thing that made noise. I was unable to understand what was happening but it was clear to me that I did something wrong.

Nakita ko ang isang papel na inilabas ni Theo mula sa loob ng punda ng unan. Agad kong nilapitan si Theo at sinilip ang nakasulat.


Come and find me, I'm waiting.


"Fuck! Pack your things now. We're leaving." Iyon lamang ang sinabi nito bago ito pumasok sa kwarto at iwan akong nakatanga sa nagkalat na unan. Anong nangyayari?

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon