11

134K 3K 126
                                    

CHAPTER 11

Kinabukasan ay nagkita kami ni Theo sa labas ng gate ng hacienda. Ang balak pa nga nya ay susunduin nya ako sa bahay ngunit tumanggi ako. Ayoko naman talaga na magpahatid sakanya kahit na malaking tulong din iyon sa pagtitipid ko sa baon na binibigay ni nanay pero ayoko rin na mag-isip ng masama tungkol sakin ang mga magulang ko maging ang mga kapitbahay. Ayokong isipin nila na nobyo ko si Theo. Hindi ko naman talaga sya nobyo, hindi ba?


Pero naghahalikan kami.. pero hindi, hindi kami magnobyo at iyon ang pinakamasamang parte ng kung ano man ang meron samin ni Theo. Gusto ko sya kaya madali akong bumigay sa mga halik nya. Iyon pa lang ay masama na para sakin pero hindi ko sya maiwasan.


Pinilit pilit nya ako kahapon na sunduin sa bahay ngunit mabuti na lamang at napakiusapan ko sya na kung magpupumilit talaga sya, sa may bukana na lamang ng hacienda kami magkita.


Hindi ko alam kung nakailang balik ako sa harapan ng salamin para lang tignan ang itsura ko. Itinali ko ang mahaba kong buhok at nagappy ako ng kaunting lipstick. Bigla nga akong na-conscious sa itsura ko. Dati rati naman ay pumapasok ako sa paaralan na walang arte sa mukha. Bagaman nagulat si nanay sa ginawa kong pag-aayos, hindi na sya nag-usisa pa.


Kabado akong pumasok sa loob ng sasakyan ni Theo. Makailang ulit pa akong tumingin sa paligid upang masiguro na walang makakakita sakin na sumasakay sa kanyang malaking sasakyan. Iba ito sa sports car nyang ginamit noon sa parking lot.


Natagpuan ko itong nakangisi nang buksan ko ang pintuan. Of course, he didn't open the door for me. Bakit ko nga ba iyon inaasahan? Tinapik tapik nya ang upuan sa tabi nya nang napansin nitong hindi pa ako sumasakay.


"Come on, Isa," Aniya na may pilyong ngiti sa labi.


Iniwas ko ang tingin sakanyang mapanuksong mukha atsaka sumakay. Pagkasara ko ng pintuan, inayos ko pa lang ang pagkakaupo ko nang naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa aking pisngi na aking ikinabigla. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko maging ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ang aga-aga, Theo, nililigaw mo ang isip ko.


 "Give me your sched, Isa. I'll fetch you after your class," Aniya nang umpisahan nitong magmaneho.


Nabigla ako sa sinabi nya kaya naman napatingin ako sakanya. "Bakit?" Tanong ko.


Nagkibit balikat lamang ito. Wala ba akong matinong sagot na makukuha sakanya? Napabuntong hininga na lang ako.


"Ano bang ginagawa mo lagi doon? Bakit ka tumatambay? Wala ka namang klase, hindi ba? At isa pa may hacienda kayong dapat mong asikasuhin," Dirediretso kong sabi.


Muli itong nagkibit-balikat. "Wala naman masyadong dapat asikasuhin sa hacienda, Isa. Everytime I'm done with all my paperwork, tumatambay ako sa school nyo simply because I'm bored," Aniya.


Oo pala, pampalipas oras nya ang mga babae doon. Ako din kaya, pampalipas oras? Napangiwi ako sa naisip ko. Syempre, sino ba naman ako? Kung yung mga medyo may kaya nga sa paaralan namin ay naging pampalipas oras nya lang, ako pa kaya na anak lamang ng trabahador nila?

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon