13

89.2K 2.1K 73
                                    

CHAPTER 13

Naiilang akong kumilos sa kusina ni Theo matapos ang nangyari kanina. Masyadong malalim ang naging halikan namin at nagpadala naman ako doon. Umabot din ang halik nya hanggang sa leeg ko, maging ang strap ng aking suot na dress ay bahagyang nahulog din. Iba iba ang naramdaman ko ng mga oras na iyon, kakaibang kuryente. At dahil sa kuryenteng iyon, nagbalik ang katinuan ko. Agad ko syang natulak papalayo kaya naman nakatayo din ako.


Matapos nun ay nailang na ako. Buti na lamang at nagsuggest na lamang sya na ipagluto ko sya ng kahit na ano. Akala ko nga lang ay makakatakas na ako sakanya panandalian ngunit heto sya ngayon, dito sa kusina din. Kanina pa sya nakaupo at nagmamasid. Nalinis ko na rin nga ang kitchen counter pero nanatili pa rin syang nakatitig.



"Gusto mo na bang kumain?" Pilit normal kong sabi. Ni hindi ko sya magawang tignan sa mata ng matagal.


"Sure, angel. Will you do the table now then?" Nakangisi nyang tanong. Agad naman kumalabog ang mata ko sa tingin nyang iyon. Matapos ng nangyari kanina sa garden, naramdaman kong may nagbago sa pakiramdam ko.


Agad akong tumalikod at kumuha ng gagamitin naming pinggan, kutsara at tinidor pati na rin ang baso. Ipinagtimpla ko rin sya ng iced tea. Ngunit ang lahat ay hindi ko pa naipapatong sa lamesa pagkat nahihiya pa akong lumapit sakanya.


Habang nagsasandok ako ng kanin, narinig ko ang pag-urong ng upuan at ang kanyang mga yabag.


"Tulungan na kita," Bagaman inaasahan, hindi ko pa rin naiwasan ang bahagyang magulat nang narinig ko sya ng mas malapitan.


"Hindi kaya ko na," Tanggi ko sakanya habang sinasara ang rice cooker. Ngunit pagharap ko ay andun na sya agad.


"Let me take it, Isa," Aniya. Nang tignan ko sya ay agad akong napaso sa mainit nyang tingin kaya naman yumuko na lamang ako.


"Ako na," Nahihiyang sabi ko.


"Why aren't you looking at me, angel?" Tanong nyang nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. "I want you to look at me everytime we talk," Dagdag pa nito ngunit hindi ko pa rin sya sinunod. "Give me that." Sabay kuha nya sa hawak ko habang di ko pa rin inaalis ang pagkakayuko ko. Inilapag nya lamang iyon sa counter kaya naman sa harap ko pa rin sya nakatayo.


"Angel," Bulong nya sakin. Ramdam na ramdam ko ang pagtinding ng balahibo ko sa ginawa nya. "Look at me." Sabi nyang muli sabay hawak sa baba ko upang iangat ang ulo ko. Lalong bumilis ang takbo ng puso ko sa hawak nya. "Look at me, angel," Tila nangaakit nyang sabi kaya naman ang mga mata ko ay mabilis na kinatagpo ang nakakaligaw nyang titig.


Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang paglapat ng kanyang labi saking labi na bahagyang nakaawang. Nang simulan nyang igalaw ang kanya ay wala na akong nagawa kundi ang pumikit. Hinawakan nya ang aking bewang at inilapit ako sakanyang katawan, at tila ba parang may sariling utak ang mga kamay ko na gumapang patungong batok ni Theo. Ramdam ko ang mas lalo pang paglalim ng aming halikan.


"Isabela.." mapangakit nitong bulong sakin nang umpisahan nitong halikan ang leeg ko. Naramdaman ko rin ang pagkalas nya sa nakataling strap ng suot kong bestida. Binalikan nya ng halik ang labi ko at wala akong nagawa kundi ang sagutin ang bawat halik.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon