1

269K 3.4K 80
                                    

AN: DIALOUGES AREN'T ON BOLD, UNLIKE SA SOLD TO THE MAFIA BOSS. Thank you!

CHAPTER 1

"Uy, Isabela! Ikaw na lang group leader, sige na!" Napatigil ako sa pagaayos ko ng gamit ko nang nagsalita si Tanya, ang isa sa mga magiging kagrupo ko.


"Osige, bukas na lang natin pagusapan ang gagawin ha. Next week pa naman tayo magre-report eh. Kelangan ko na kasi umuwi, inaantay na ako nila tatay," Pagpapaalam ko sakanya sabay alis na.


Of course, ako na naman ang kinuhang leader. Lagi namang ganito. Hindi sa nagmamayabang pero mula ata noong pinag-aral ako nila tatay at nanay, ako na ang nagiging leader sa bawat activities na meron. Outstanding student kasi ano noong pre-school, tapos salutatorian noong elementary at valedictorian noong high school at ngayong kolehiyo naman ay kandidata bilang cum laude sa kursong BS Business Administration.



Minadali ko ang paglakad pauwi, bagama't malayo ay tiniis ko ang init ng tirik na araw, sayang din kasi ang sampung piso na ipapamasahe ko sa tricycle, minsan nga eh bente pa. Pagkauwi ko sa bahay, wala na doon sila tatay, maaring nauna na sila kaya naman nagbihis na ako at umalis.


At tama nga ako, nakita ko agad si nanay sa may kubo habang nagpapaypay kasama ang bunso kong kapatid na edad lima pa lang.


"Nay!" Tawag ko sakanya at agad naman nila akong nilingon.


"Ate!!!" Sigaw ni Aya, ang bunso kong kapatid, tapos ay kumaripas ng takbo papunta sakin. "Pasalubong ko, ate?" Aniya nang marating nya ako. Kinuha ko agad ang strawberry flavored lollipop sa bulsa ko at inabot iyon sakanya tapos ay binuhat ko sya.


"Sila tatay po?" Tanong ko kay nanay nang marating namin ni Aya ang kubo. Lumingon-lingon din ako sa paligid pero hindi ko nakita sila tatay at ang mga dalawa ko pang nakababatang kapatid.


"Ayun, nasa manggahan, tinignan lang nila kung pwede na anihin ang mga iyon nang madala ang ilan sa mansyon ngayong hapon," Sagot nya. Ibinaba ko si Aya na kumakain na ng lollipop sa tabi ni nanay tsaka ko naman inabot ang kamay ni nanay upang magmano.


"Kanina pa po ba sila umalis?" Tanong ko.


"Mag isa't kalahating oras na rin. Pauwi na rin siguro sila," Sagot naman ni nanay habang pinupunasan ang likod ni Aya.


"Eh, bakit sumama si Ricky, nay? Diba kagabi lang may lagnat yun?"


"Paano, matigas ang ulo ng kapatid mo! Sinabi namin ng tatay mo na maiwan na sya sa bahay pero nagpumilit na sumama pa dito sa bukid at hindi pa nakuntento! Ginusto pa sumama sa manggahan,"


"Edi sana pinigilan nyo nay,"


"Hay nako! Kung ano ano ng sermon ang sinabi namin ng tatay mo pero, ayun, walang epekto. Aba, nagmaktol pa nang pinigilan ko syang sumama. Sabi nya lalo daw sya magkakasakit kung hindi sya tutulong sa trabaho. Edi ayun, pinayagan ko basta kako hindi sya mag-gagalaw doon, manood na lang sya at magbantay. Ewan ko na lang sa tatay mo kung anong ginagawa nya ngayon," Iling na sabi ni nanay sabay paypay samin ng kapatid ko. "Kumain ka na ba?" Tanong nya sakin.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon