54

108K 2.4K 427
                                    

CHAPTER 54



Maayos ang pakiramdam ko nang nagbiyahe kami ni Theo. Siguro ay dahil na rin sa pananabik kong makauwi dahil nasa malapit na lamang sila nanay kahit pa hindi ko pa sila pwedeng makita. Naiintindihan ko rin naman. At isa pa, hindi ko pa ata kayang sabihin ang tungkol sa 'min ni Theo lalo pa't posibleng buntis ako.


Pagka-uwi namin ay tila dumami nga lalo ang security sa mansyon. Sinalubong ako ni Natalia na halata na ang umbok ng tiyan.


"Isabela!" tawag nito sa 'kin bago ako yakapin. "I've heard what happened. Are you okay?" nag aalalang tanong niya matapos niya akong pagmasdan mula ulo hanggang paa.


"Ayos lang ako, Natalia. Hindi ka na dapat nag-alala pa sa 'kin dahil baka makasama iyan sa baby mo." sagot ko rito.


"Sus! Matibay ako at isa pa alam kong parang siga rin itong anak ko, eh. Mana kay Marcus!" pagbibiro niya. "Hay! I wish buntis ka na rin para naman may makarelate sa sitwasyon ko dito,"


Pinigil ko ang ngiti ko sa pamamagitan ng pagkagat sa ibabang labi ko. Hindi pa naman sigurado na buntis ako pero minsan hindi ko rin talaga maiwasan ang makaramdam ng kakaibang tuwa kapag naiisip ko ang posibilidad.


"Why are you smi – OH MY GOD! Isabela, buntis ka na!?" tili ni Natalia.


Nanlaki ang mga mata ko at pilit ko itong pinatahimik ngunit ayaw talaga paawat. "Huy, Natalia!" suway ko rito. Nang tignan ko ang ilang tao sa paligid at si Theo, lahat sila ay halos nakangisi rin! Theo, tulong! "Natalia! Hindi pa naman sigurado," nahihiya kong sabi.


"Hindi sigurado? Eh, kahit na! May possibility na!" tuwang tuwa nitong sabi.


Ilang sandali pa ay nakahinga ako ng maluwag dahil naramdaman ko na ang pagyakap sa 'kin ni Theo sa bewang ko.


"You're harassing her!" pag aakusa nito kay Natalia.


Natalia, on the other hand, raised her brows at him. "Para kang si Marcus, ang OA!" halakhak niya.


"Speaking of my brother, nasaan siya? We need to talk,"


Ngumuso si Natalia nang nahimigan nito ang biglang pagbabago ng takbo ng usapan. "Still at work pero tinawagan ko na. Pauwi na iyon ngayon. Ano ba kasi ang nangyari?"


"Cecil's suddenly after us," madiin na sagot ni Theo.


"Baliw talaga ang babae na iyon! Baka kasi narealize niya na hindi niya na makukuha si Marcus kaya ikaw ang next target niya. Nako! Isabela, mag-ingat ka doon! Baliw na iyon!" babala niya sa 'kin.


"You know she's not into me. She's just probably thirsty for some revenge. I stole almost ¼ of their properties," tila proud pa na sagot ni Theo na ikinalaglag ng panga ni Natalia.


"Theo! Bakit mo naman kailangan gawin iyon!? Ayan, baka mamaya si Isabela ang bawian," nakangusong sagot ni Natalia.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon