12

148K 2.9K 168
                                    

AN: Next chapter will be private. I can't risk the total rating of this story kaya I decided to make the SPG chapters na private na lang kesa naman buong story ang iprivate ng wattpad just like what happened sa STTMB before.

To read, follow me and then refresh. Thank you. 

DEDICATIONS: (dedics sa lahat ng nagcomment sa chapter 11. Thank you guys!)

@svnnyxx @NoelaAcullador @iamlovely24 @RowenSudayan @Arkeus_14 @rhen01 @willalwaysbeyours @iluvOrange @kylyn_23_  @Ahh-Ple @DanitaNovela @rhima03 @pinkberryblossoms @jaizelismyname @hateyeah @YnaSarmiento_29

CHAPTER 12

8:00 am ng Sabado noong linggong iyon ay nagkita kami ni Theo sa bukana ng hacienda. Nagpalusot ako sakanila nanay na may gagawin kaming group project kasama ang ilang kaklase ko. Unang beses kong nagsinungaling sakanila dahil lamang kay Theo.  Maging sarili ko ay hindi ko maintindihan. Normal pa ba itong nangyayari sakin? Gusto ko lang naman sya pero nagagawa ko na ang mga bagay bagay na inakala kong hindi ko magagawa noon.

"Kanina ka pa tulala," Naibalik ako sa kasalukuyan nang narinig kong nagsalita si Theo kasabay ng paghawak nya sa aking kamay.

"Wala.." Nahihiyang sagot ko.

"Gusto mo bang bumalik na lang tayo? Isabela, just tell me what you want and I'll do it for you," Sabi nito na nakapagbilis muli ng takbo ng puso ko. Hindi ko na alam kung papaano ko pa pipigilan pero alam kong nag-iiba na ang pananaw ko.

"Okay lang...." Pagsisinungaling ko dahil lamang sa gusto ko pa syang makasama.

Hindi ko naman ikakaila na sa kabila ng pagsisinungaling ko, bagaman kinakabahan, masaya ako kasi makakasama ko si Theo.

"But seeing you in that dress isn't okay for me, Isa," Sabi nya. Nanlaki naman ang mga mata ko at nakaramdam ng hiya.

"Bakit? Hindi ko ba bagay?" Nahihiyang tanong ko.

"No, angel. You look perfect but I hate how the other boys might see you the way I do," Aniya. Lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko. Pinili ko na lamang na tumingin sa labas.

Ano ba itong ginagawa sakin ni Theo? Nahuhulog ako eh. Kahit na pigilan ko, masyado pa ring malakas ang hatak nya sakin.

"Akala ko ba magpipicnic tayo?" Nagtatakang tanong ko nang napansin kong palabas na kami sa bayan.

"Oo," Nakangisi nitong sabi.

"Eh bakit palabas na tayo ng bayan?" Nagtatakang tanong ko.

"Easy, angel. Punta muna tayong mall dahil maaga pa naman. We have all day," Aniya sabay pisil sa kamay kong hawak nya. Buti na lamang pala at hindi ako nagpambahay lamang. At least medyo presentable naman ang suot kong kulay dilaw na bistida na abot hanggang tuhod kaya hindi naman siguro nakakahiya na mag-mall kasama si Theo.

Tumango na lamang ako. Pinangakuan ako ni Theo ng picnic ngayong araw na ito kaya napapayag nya ako agad. Date ba ito? Date siguro kung maituturing pero wala naman syang nabanggit na ganun nga. Alam kong malaki ang isinusugal ko sa ginagawa kong ito pero hindi ko magawang pilitin ang sarili ko na lumayo sakanya.

Bawat salita nya ay nahuhumaling ako, sa bawat tingin nya para akong nahihipnotismo, sa bawat halik na binibigay nya sakin ay nawawala ako sa katinuan ko.

"Go sleep, angel. 30 minutes pa naman bago natin marating iyon. I'll wake you up," Sabi nito sabay kalas sa pakikipaghawak kamay sakin upang haplusin ang mukha ko. Tumango na lamang ako bilang sagot at isinandal ang ulo ko upang makatulog.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon