37

118K 2.6K 147
                                    

CHAPTER 37


Hindi na naubos ang media sa loob at labas ng mansyon ng mga LeFevre simula noong nakauwi si Marcus galing hospital. Ilang araw na rin ang nakalipas pero ang media ay takam na takam pa rin sa mga balita tungkol sa buhay ng mga LeFevre.

"Do I look fine?" Naalis ang tingin ko mula sa pinapanood ko sa TV nang nagsalita si Theo. Kalalabas lang nito galing sa kanyang napakalaking walk-in closet nito. He was wearing his white suit with silver lining. Inaayos nito ang kanyang tie.

Dahan dahan akong tumango bilang sagot. Ever since that day, hindi ko na hinayaan pa ang sarili ko na maging ganoon kalapit kay Theo. True enough that we're staying in the same room pero hindi kami nagtatabi. Kinagabihan kasi ng araw na iyon, sa sofa siya natulog. Hindi naman ako nagreklamo, nahiya ako dahil ako ang bisita tapos ako pa ang nasa kama. We didn't talk about what happened maging ang ginawa nyang pagtulog sa kama. Days went by at parang naging parte na ng araw ko ang dumistansya sa kanya.

"Okay, good. I have to go downstairs. Magsisimula na ang interview," paalam nito sakin. "Just go down or call any of our maids if you need anything," dagdag pa nito.

Mayroon kasing nag-alok na magazine sa kanya. Yun yung magazine na puro bachelors ang laman. Supposed to be tatlo silang magkakapatid but Marcus refused because of Natalia and Felix said he has a girlfriend, leaving Theo with no choice. I tried to contain my disappointment to myself. Pinagalitan ko pa nga ang sarili ko dahil naoffend ako eh wala naman nga akong karapatan. I shouldn't get mad.

I did nothing for the next 30 minutes, palipat lipat ako ng pinapanood pero wala akong mapili. I even went online para lang libangin ang sarili ko pero wala eh, lutang ang isip ko. Marcus and Natalia were out with Daniel. Gusto ko rin sanang lumabas kaya lamang saan naman ako pupunta?

I decided to go downstairs to cook. Matagal tagal na rin akong hindi nakakapagluto eh. Naabutan ko sa sala si Theo kausap ang isang babae. She was wearing a black thight dress. Nagtatawanan ang dalawa. Pasimple pa ang ginagawang paghaplos at paghampas ng babae kay Theo. She was obviously flirting with him at halatang gustong gusto ito ni Theo. Sa sobrang kalandian ng dalawa, ni hindi nga nila ako halos napansin.

"Oh, Isabela, hija, naligaw ka ata dito?" tanong sa 'kin ni nanay Martha.

"Wala na ho kasi akong magawa. May maitutulong ho ba ako?"

"Naku, sayang, hinihintay na lang namin ito matapos."

"Ay, ganoon ho ba? Sayang nga," sagot ko rito.

"Bakit hindi ka sumama doon sa interview ni Theodore?"

"Eh bachelor naman ho ang kailangan sa magazine kaya si Theo lang ho ang kailangan doon."

"Aba! Lokong bata. Anong bachelor. Bakit naman hindi mo pinigilan ang batang iyon, hija?"

"Bakit ko naman ho iyon pipigilan?" natatawang tanong ko rito.

"Aba, dapat lang at ikaw naman ang gelpren," nakakalokong sagot ni nanay Martha.

"Naku, hindi niya ho ako girlfriend. Kaibigan lang ho," nakangiti kong sagot.

"Oh, bakit mukhang dismayado ka?"

"Hindi po ah!" depensa ko sa sarili ko.

"Anak, malabo man ang mga mata ko, malinaw na malinaw pa rin naman ang paningin ko sa kakaibang titig nyo sa isa't isa. Aba, mukhang kayo pa nga ang may problema sa mga mata ninyo dahil para kayong bulag na hindi iyon nakikita." Nakangiting sabi ni nanay Martha. Pinili kong ibahin na lamang ang usapan. The more we talk about Theo and the more nanay Martha says na may unspoken connection kami ni Theo, the more I get hurt.

"Halika, Isabela, samahan mo akong bigyan sila doon ng meryenda," anyaya niya sa 'kin na hindi ko naman tinaggihan wala naman sigurong masama doon, hindi ba?

Naabutan namin sila sa kalagitnaan ng interview. The lady joke and Theo laughed. Hindi ko napigilan ang sairli ko na umismid.

"Korni," bulong ko sa sarili ko.

"Halikayo, magmeryenda muna," tawag ni nanay Martha sa lahat. The guy incharged agreed. I was about to leave but Theo called my name.

"I'm glad you went out of our room," wala naman na kasi akong magawa.

"Then just watch us," suhestiyon nito.

"Ayoko, masakit sa mata eh."

He was about to answer me back pero biglang dumating iyong babae. "Hey, you really have a nice home."

Tumango at ngumiti ng tipid si Theo tapos ay pinakilala kami sa isa't isa. The girl named Helen didn't seem interested in meeting me. Hindi rin naman ako interesado pero sana naman nagpakita siya ng kahit kaunting recognition sa presensya ko. She just smiled at me tapos ay hinila si Theo papalayo. My goodness! Edi isaksak niya sa baga niya 'yung Theodore na iyon!

Para maiwasan ang pagkainis ko sa babae, nagdesisyon akong manatili na lang sa may gazebo. It wasn't long enough when nanay Martha joined me. We talked about things. Nagkwento rin siya tungkol sa kabataan ni Theo. Sabi niya, sa kanilang tatlong magkakapatid, si Marcus daw iyong para bang nerd, si Theo raw iyong mahilig sa mga physical activities at si Felix daw ang bad boy. Natuwa naman ako sa kanila.

Habang inaayos nila ang set-up ng lugar, nagyayang magpicture picture ang staff. Game na game naman si Helen, nagpicture pa nga sila ni Theo gamit ang cellphone nito. Napairap na lang ako sa hangin.

"Oh, ang mata mo, Isabela," tukso sa 'kin ni Nanay Martha.

"Napuwing lang po," pagsisinungaling ko rito.

"Aysus. Sige, sabi mo eh," tila nangaasar na sabi nito. Kung bakit kasi ang sakit sa mata ng view.

It didn't take them long enough to start kaya Nanay Martha and I got curious so we decided to stay and watched for a while.

"Eh, eto naman, Theodore. Etong tanong na ito yung gustong gustong makuhanan ng sagot ng mga tao. Ready ka na ba?" tanong ng ni Helen.

"Sure," nakangiting sagot nito.

"Why are you still single?"

"Oh. Wow," tila gulat na tanong ni Theo. Napataas ang kilay ko. "Well.. I.. I already found somebody," sagot nya. May kung anong sakit akong naramdaman. Sino? Iyong Maxine? I was trying to avoid every possible feelings I could have but when our eyes met, para bang mas lalong kumirot. "But I lost her." And with that, I felt hundreds of stabs across my chest again. Confirmed, iyong Maxine nga. I chose to run away from the area. Masyadong hindi maganda ang nararamdaman ko doon. I do not want to tolerate the feelings I have kaya minabuti kong mag kulong sa kwarto ni Theo.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon