41

135K 2.8K 208
                                    

KEEP THE COMMENTS GOING, please?


TRIGGER WARNING: MURDER & RAPE

CHAPTER 41

I woke up alone on his bed. Nabigla pa nga ako nang natagpuan ko ang sarili ko na walang suot sa ilalim ng kumot na nakatakip sa 'kin, but I soon realized what happened last night. Agad namula ang pisngi ko. Noong una ay nakaramdam ako ng kung anong tuwa, ngunit agad din iyong napalitan ng pait ng katotohanan nang maisip ko na baka kaya ako nagising na wala si Theo sa tabi ko ay dahil wala lang para sa kanya ang nangyari sa 'kin.

Nang bumaba ako upang mag-kape, doon ko nakita si Theo na nakaupo sa napakahaba at napakagarbo nilang dining table. I suddenly wanted to go back upstairs. Hindi ko inaasahan na makita siya, usually kasi kapag ganito kaaga, wala na siya sa mansyon. But it was too late for me to turn my back now, nakita na kasi niya ako.

"Isabela," tawag nito sa 'kin. I awkwardly looked at him and he gave me a smirk. Marahil ay iniisip nito ang nangyari kagabi. Nakakahiya! Papaanong kaya niya pa akong ngisihan ng ganoon kadali? "Here, sit and eat," aniya sabay turo sa katabi nitong upuan.

Kabado akong lumapit sa kanya. Ilan saglit pa lamang ay nakahanda na sa harapan ko ang almusal. I ate awkwardly beside Theo. Hindi naman siya nagsalita pa kaya nanahimik na lang din ako. It was better that way. Pagkatapos kong kumain ay handa na sana akong bumalik muli sa kwarto upang mag-ayos ng sarili. If Theo doesn't have plans of going out today, edi ako ang lalabas.

"We'll be leaving in an hour," sabi nito sa kawalan.

Napatingin ako sa kanya tapos sa paligid. Ako ba ang sinabihan niya o may iba siyang kausap? But nobody's around.

"Yes, Isabela, I am talking to you. Like I said, we will leave in an hour. And you cannot say no," he said with finality in his voice. Aapela nga sana ako kaya lamang ay umalis na ito.

I didn't know where we're going kaya naman nahirapan ako sa pagpili ng susuotin. In the end, I chose a yellow sun dress with my flats on. There, it looked not too causal, para safe sa kung saan man kami pupunta. I just wish that we won't go on a camping or hiking trip - which is unlikely to happen - dahil hindi talaga bagay sa suot ko.

It was awkward getting ready with him inside the room. Kwarto nga naman nya iyon at nasa kanya ang lahat ng karapatan but it was really awkward.

Sabay na kaming bumaba ni Theo. I didn't talk during our trip, ni hindi nga ako nagtanong kung saan man kami pupunta. Bahala na. I lost count kung gaano na kami katagal nagbyabyahe, nakatulog pa nga ako. Nang nagising na lang ako, pamilyar na ang lugar.

"Uuwi tayo?" that sounded wrong. Sabi ko tayo. Wala lang, it just feels so wrong.

"No, angel. Hindi pa tayo uuwi. I just need to show you something," he answered. Nanahimik na lang ako dahil sa kada bukas ko sa bibig ko, laging may mali sa sinasabi ko.

Unti-unting nawala ang pamilyaridad ko sa lugar. May hawig ito sa itsura ng hacienda pero may kalayuan din ng kaunti. Higit isang oras ang nakalipas nang may namataan akong isang malaking bahay. Para siyang isang historical house. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang doon pala ang destinasyon namin.

"Nasaan tayo? Bakit tayo nandito?" tanong ko kay Theo bago kami pumasok sa loob ng bahay. "Baka magalit ang may-ari, Theo," nababahala kong dagdag.

"Isabela, hindi kita ipapahamak. Pumasok na tayo." aniya. I had no other choice but to trust him.

The placed looked like a preserved historical house. Kahawig nito ang ilang mga historical houses na natayo pa noong Spanish era. May ilang mga trabahador din akong nakita. All of them greeted Theo, so I assumed na baka kakilala ni Theo ang may-ari ng bahay.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon