46

122K 2.8K 131
                                    

Nakakagana magupdate, ang cute ng comments niyo. HAHAHAHA! Keep it coming, please?

CHAPTER 46

Mahirap pala. Kahit matagal ko nang naitatak sa utak ko na kinakailangan kong maging matapang kung gugustuhin ko na tuluyang pasukin ang mundo ni Theo pero mahirap pala. Kahit ilang beses ko sigurong isaksak sa utak ko na tunay na labanan ang maari kong harapin, mahirap pa rin talunin ang takot kapag nasa mismong sitwasyon ka na. Ito nga siguro iyong sinasabi ni Don Antonio, masyado akong mahina para sa mundo nila.

Pinagmasdan ko si Theo habang nakikipag-usap sa tatlong miyembro ng security na kasama namin. Halata ang galit at pagkabahala nito rito. Gustong gusto ko sanang sabihin kay Theo na ayos lang ako at na kaya ko ang lahat pero maging ako man ay hindi ko kayang pagsinungalingan ang sarili ko. Matapang lang ako noong wala pa pero noong nasa mismong sitwasyon na ako, napagtanto kong duwag pa rin pala ako.

Ilang sandali pa ay nilingon ako ni Theo. Binigyan ko ito ng isang ngiti na alam ko namang hindi umabot sa mga mata ko. It feels like I failed him. Ilang sandali pa ay pinalabas na nito ang mga lalaki. Nilapitan niya ako at umupo sa tabi ko nang kaming dalawa na lang ang nasa loob ng kwarto.

Hinaplos nito ang mukha ko at inipit sa likod ng tenga ko ang buhok ko na nakaharang sa pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang init mula sa kanyang masuyong pag haplos sa pisngi ko. "Are you okay?"

Nginitian ko ito at unti unti akong tumango. Totoo naman, I am fine... well at least physically.

"I'm sorry," sinsero nitong sabi sa 'kin habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko.

"Para saan?"

"This. I spoiled our vacation," may paghihinayang niyang sabi.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil iyon bago ako umiling. "No. Hindi mo naman ito ginusto na mangyari,"

"But I could have had prevented it." I sighed. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa mga ganitong sitwasyon dahil ang lahat ng ito ay bago sa 'kin. Hindi naman kasi ganito ang mundo ko at hindi ko sigurado kung gusto ko bang maging ganito ang mundo ko habambuhay.

Our silence was interrupted with a knock on the door. Pumasok sa loob ng kwarto ang isa sa mga tauhan ng mafia. "Everything is set, sir,"

Tango lamang ang sinagot ni Theo bago bumaling sa 'kin upang halikan ang aking kamay. I knew we're leaving. We have to leave. And as for this place, pinaayos na ni Theo ang lahat ng damages na idinulot ng hindi inaasahang pangyayari. Ang reporter na kasama namin ay kanya ring binayaran upang hindi na nito ilabas sa media ang insidente.

Mabigat ang loob ko na umalis sa lugar at alam kong ganoon din si Theo. Matagal na panahon din ang hinintay namin para sa bakasyon na ito and above all, he has put too much effort for this. Pero ano nga ba naman kapag nasa mafia ka, hindi maiiwasan ang mga pangyayaring ganoon.

Mabigat ang loob ko habang nagmamaneho si Theo. Base sa mga narinig ko kanina, uuwi na kami. Alam ko rin na alam na ng buong mafia ang nangyari at naghahanda na sila. Paano ko nalaman? Simple lang, may malay na ako noong narinig kong nakikipag-usap si Theo sa ilang miyembro ng security team at ng kung sino man sa telepono.

I silently wondered I could live with this kind of life, iyon bang kakambal na ng buhay iyong patayan o 'di kaya ay iyong kinakailangan kong magising araw-araw na ang una kong maiisip ay nakabaon na sa hukay ang isa kong paa.

I sighed. I stared at Theo and tried to appreciate everything about him. Noong unang beses ko siyang nakilala, hindi ko naman talaga siya gusto, hindi siya ang tipo kong lalaki at mas lalong hindi ko siya pinangarap na maging akin. Pero mapaglaro nga siguro ang buhay dahil hindi naglaon ay nahulog ako sa kanya and when he left, akala ko katapusan na ng mundo. I tried to move on and I thought I did move one pero noong nakita ko siya at nalaman ko ang totoo, napagtanto ko na baka hindi ko na makaya kung mawawala ulit siya sa 'kin.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon